Mikael Daez laughs off rumored sex-video scandal

IMAGE 0


"I am very, very happy with what's happening now. Challenging ang trabaho. Marami akong natututunan. Okey pa yung mga taong nakikilala ko. Very happy!" says Mikael Daez about his showbiz career.


Tinawanan lang ng baguhang artista na si Mikael Daez ang balitang meron siya diumanong sex-video scandal nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa shooting ng Temptation Island, sa Ilocos Norte last week.

"Wala 'yon... Let's talk about Temptation Island na lang!" natatawang sabi ni Mikael.

Totoo ba ang tungkol dito?

"No!" diin niya.

Naapektuhan ba siya sa isyung ito?

"Actually, I am not gonna talk about things like that," tugon ni Mikael.

Nakita na ba niya ang sinasabing sex video niya?

"I don't mind about things like that," sabi niya.

"Pag mga intriga, even before Amaya, Bampirella storycon, 'pag intriga, hindi ko pinapansin.

"Kasi hindi naman intriga ang nagpapaano sa trabaho ko, e—it's the acting."

Biro namin sa kanya, parang itinuro na ang mga sagot niya sa tanong namin.

"Galing sa akin 'yon!" natatawang sabi naman ng model-turned-actor.

"Pero para sa akin, when it comes to this work, yung acting ang magpapagaling sa 'yo, di ba?

"Yung mga tao sa industriya, viewers, dahil acting naman ang tinitingnan nila. So, yun ang focus ko lagi.

"Tapos, laging nag-uusap kami ni Yan [Marian Rivera] tungkol sa isang scene na sexy.

"Si Sweet [John Lapus], binibigyan ako ng tips. I always ask for their advice to get better," pahayag niya.

KISSING SCENE WITH SOLENN. Sexy ba ang role niya sa Temptation Island, at meron daw siyang kissing scene with Solenn Heussaff?

"Yes, with Solenn," pagkumpirma ni Mikael.

Wild ba ang kissing scene nila?

"Hindi naman wild!" tawa ni Mikael.

"Very passionate. Kasi siyempre, sa movie kasi, sa relationship, yun ang kapalit ng pagkain. Kasi nagugutom na kami.

"To survive, tingnan na lang yung social aspect. Parang deeper meaning ng pinag-usapan namin."

Totoo bang kinagat ni Solenn ang labi niya sa kissing scene nila?

"Anong kinagat? A, hindi! Kissing scene lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung nagmukhang kagat! Ano ba 'yon?" nagulat niyang pahayag.

Si Solenn kasi ang mas agresibo sa eksenang 'yon.

"Hindi naman!" tawa muli ni Mikael.

"Hindi naman ako na-surprise. Kasi magkakilala na kami ni Solenn. Some of my friends know her.

"So, kami, cool lang pagdating sa mga ganoon. Para gumanda pa ang movie."

MALE CAST. Pero may "patalbugan" din ba sa movie ang mga boys gaya ng mga girls?

Bukod kay Mikael, nasa cast din ng Temptation Island sina Aljur Abrenica at Tom Rodriguez.

"Ako, si Aljur, at si Tom? Hindi, friends kaming lahat. Nagtutulungan kami.

"Actually, in between scenes, nagsi-share kami ng diet plans.

"Ako, si Tom, at si Aljur, naka-workout na kami nung first week. Dito 'yon, bago kami matulog.

"Masarap silang kasama. Parang buddy-buddy lang," kuwento niya.

SECOND CHOICE. Hindi ba siya nag-alangan na tanggapin ang project kahit na second choice lang siya?

Ang original choice kasi na si Paulo Avelino ay nagkasakit ilang araw bago simulan ang shooting.

"Wala naman 'yon," sabi ni Mikael.

"Kumportable naman kaming lahat. Masaya ang atmosphere.

"Mabuti na lang at kinausap ako ni Direk Chris [Martinez].

"Nag-usap kami nung first night namin dito, at sinabi niya sa akin kung ano ang gusto niya sa role ko."

Wala ba siyang pakialam sa paghuhubad sa mga eksena sa pelikula?

"Para sa akin, basta naman walang malisya," sagot niya.

"Nasa deserted island kami, eventually, magtatanggal talaga kami ng shirt. Kasama sa setting.

"Pero in terms of daring roles, hindi ko pa siya naiisip. Kasi nga, focus lang ako dito.

"I don't think of me being a second choice. Opportunity ito.

"Walang mangyayari kung iisipin ko pa 'yon.

"It's a blessing and I need to make the most out of it."

BEING IN SHOWBIZ. Bilang galing sa maykayang pamilya, hindi ba siya nababaduyan sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, a!" mabilis niyang sagot. "Napakasaya ng mga tao dito.

"Sa first project ko [Bampirella], kasama ko sina Marc Abaya, Gelli de Belen... Now, sina Tom, Solenn...

"I am very, very happy with what's happening now.

"Challenging ang trabaho. Marami akong natututunan. Okey pa yung mga taong nakikilala ko.

"Very happy!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN