Batibot producer Feny delos Angeles-Bautista on Willing Willie issue: "Let's move on and educate one another."

IMAGE 0


"Ang tinutukan ko, e, kung paano ipapatupad ang guidelines. Paano natin patotohanin yung lip service that children have rights. Yes, they have rights, now how do we translate those rights into concrete actions and make sure that they are protected? The best thing to do is to translate that into day-to-day practices: how do you treat children kung talent sila and how do you treat children as audience," says educator and child development specialist Feny delos An


Kasama ngayon sa proyekto ng Batibot ang pag-iikot sa mga paaralan, mga parke, at maging sa ospital, para magkaroon ng harapang pakikipag-ugnayan ang mga bumubuo ng sikat na children's program sa kabataan.

"These live shows—we did six last year, we did it in public schools.

"Dalawang reason ang live show.

"Obviously, yung isa, is strengthening media value.

"But the other is really building audience rapport," paliwanag ni Feny delos Angeles-Bautista sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakapanayam ng PEP at iba pang entertainment reporters si Bautista kahapon, May 5, sa press conference na ipinatawag ng TV5 para sa pagsisimula ng second season ng Batibot, na ginanap sa Fun Ranch sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Magsisimula ang second season ng Batibot sa Sabado, May 7, 8:30 a.m., sa TV5.

"As a serious student of children and as producer, it's my way of staying attuned to the audience.

"So, makikita mo na pag live show, mas nag-e-engage sila.

"Kahit 30 minutes, talagang yung mga bata, lalo na sa public schools, talagang sabik na sabik.

"Tapos yung choreography, mas bagay sa kanila and sinasabayan talaga nila.

"Kasi yung kinuha kong choreographer, yung hip-hop teacher sa Community of Learners.

"Sabi ko, 'Gusto ko yung sasayawin ng mascots yung kaya ring sayawin ng mga bata.'

"So, may hip-hop 'tsaka may ethnic moves rin para enjoy—kulturang Pilipino, kulturang contemporary, kaya lang, akmang-akmang pambata," dagdag ni Bautista, na siyang executive director ng Philippine Children's Television Foundation at executive producer ng Batibot.

EXTENDING ASSISTANCE. Isa si Bautista sa tumulong sa TV5 para maisagawa ang kanilang panuntunan na naglalayong mapangalagaan ang karapatan ng mga kabataang lalahok o lalabas sa mga programang nasa ilalim ng Kapatid network. (CLICK HERE to read related article.)

Inilabas ng nasabing istasyon ang "guidelines for the protection of children" bunga na rin ng kontrobersiyang kinaharap ng TV5 at ng primetime game show nito na Willing Willie, matapos na magsayaw ng isang "sexy dance" number ang isang anim na taong gulang na contestant. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa nangyari ay inakusahan ng ilang indibidwal at sektor ang programa at main host nito na si Willie Revillame ng "child abuse."

Ito naman ay nag-udyok sa TV5 na pansamantalang kanselahin ang programa habang patuloy ang imbestigasyon na isinasagawa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). (CLICK HERE to read related article.)

May basehan kung bakit isa si Bautista sa nilapitan ng pamunuan ng TV5 para tulungan silang ilatag ang susunding panuntunan para mabantayan ang kapakanan ng mga kabataan na mapapanood sa kanilang mga programa.

Ganito ang nakasaad sa profile ni Bautista sa official website ng Aklat, Gabay, Aruga Tungo Sa Pag-angat at Pag-asa (AGAPP):

"Feny delos Angeles-Bautista is an educator and child development specialist. She is a multi-awarded authority on education, having consulted for and spoken at education forums sponsored by various UN and multi-lateral agencies and assisted Asian countries for their education and child development programs."

Founder din si Bautista ng Philippine Children's Television Foundation, Inc (PCTF)—isang non-profit media organization na naglalayong mapagtibay ang edukasyon at kaalaman ng mga bata sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.

Siya rin ang isa sa mga nagtatag ng Community of Learners, isang iskuwelahang may grade school at high school levels na madalas tawaging non-traditional sa teaching methods nito.

At dahil sa kanyang malawak na karanasan at kaalaman pagdating sa mga usaping may kaugnayan sa kabataan, tinanong ng media si Bautista kung ano ang opinyon niya sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Willing Willie.

"Ang stand ko palagi is let's be proactive," panimula niya.

"Kasi sa industriya, you give them all the help they could get, kasi konti lang naman ang nakakaunawa na ang bata ganito...

"Ang Pilipino, lalo na, alam ninyo ang kultura natin, ang trato natin sa bata, kung hindi pag-aari natin, parang miniature adult."

Sa pananaw ni Bautista ay hindi isolated event ang nangyari sa Willing Willie, at may pananagutan din ang lahat ng istasyon na gumagamit ng mga menor de edad sa kanilang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tingnan ninyo yung Goin' Bulilit," sambit ni Bautista, na ang tinutukoy ang children's gag show na napapanood sa ABS-CBN.

"Kina-cast nila yung mga bata na ang linya nila, parang adult talaga.

"Halimbawa, minsan pinanood ko yung sagutan nila, at pinapasuko yung mga rebelde o sundalo.

"'Hindi! Ayaw namin!' 'O, bibigyan ko kayo ng pabaon—pera, susuko na kayo?'

"Parang ano yung values dun? Tapos, iyon ang punchline!

"Ang sabi ko nga, every station, you will find something wrong. Pero my position is, let's help them where we can."

CULTURAL CONTEXT. Noong panahon na nagsisimula pa lang uminit ang kontrobersiya ay nakakatanggap na raw si Bautista ng mga e-mail letters kaugnay sa napanood nila sa March 12 episode ng Willing Willie.

"I contacted Bobby Barreiro [TV5 COO and EVP] and I said, 'Bob, what's this?'

"Ang sabi niya, 'Yes, I want you to see the entire episode.'

"So I took the time to do it because it's the fair thing to do. You have to watch the full episode and you have to understand the cultural context.

"That dance is being danced in every public school, in every public daycare center in this country, because it's every where, and it's the choreography in every noontime show," saad ni Bautista.

Aminado si Bautista na nagkaroon ng pagkukulang sa parte ng TV5 at mga bumubuo ng Willing Willie pagdating sa kanilang mga patakaran kaya umabot sa ganito ang sitwasyon.

"TV5 as broadcaster should know its relationship with a live co-production like this [Willing Willie].

"If I was there, I would have said to the host: 'Stop it!'

"Kasi yung context na pinagtatawanan na siya, tama na.

"Children cannot be an object of humor also," seryosong pahayag ni Bautista.

Pinuna rin niya ang paulit-ulit na pagpapalabas ng partikular na video na kung saan ay ginagawa ng batang contestant ang kanyang pagsasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw maganda ang epekto nito sa pag-iisip ng isang bata, at maging ang bata ay naguguluhan sa mga nangyayari simula nang lumabas siya sa programa.

"Ang feeling ko kasi, let's protect the best interest of Jan-Jan and all the other children.

"Natu-traumatize lalo yung bata with all the attention, and it's not appropriate also na paulit-ulit na pagpapalabas niyan sa YouTube, paulit-ulit na ipalabas sa bawat news item.

"Kung sa ibang bansa 'yan, by their standards, hindi na dapat ire-replay 'yan—irresponsible yung paulit-ulit mong palabasin.

"Let's move on and educate one another."

Ipinagtanggol din ni Bautista ang TV5 laban sa mga kritiko nito.

Sinabi niyang "sincere" ang pamunuan ng istasyon na ituwid kung anuman ang naging pagkukulang nito sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

"Remember Willing Willie is a co-produced program. It's produced by Willie himself and TV5 is not a producer, but they are the broadcaster," paglilinaw ni Bautista.

"So, sabi ko, 'There you have your lessons as a broadcaster. You also have to protect the standards that you are setting for yourself, and make sure na ma-implement yung sarili ninyong commitment."

ROOM FOR IMPROVEMENT. Ano naman kaya ang masasabi ni Bautista tungkol sa controversial host ng Willing Willie na si Willie Revillame?

"Ako, my comment is—as a TV host, he can do much better," mabilis na sagot ni Bautista.

"I always believe that people have room for improvement if they want to learn.

"I'm an optimist. If he wants to do this show for a long time, then bring it up! Level up!

"I want to give every person the benefit of the doubt. We shouldn't be judging one another.

"Let's start with the premise that we all have goodwill.

"Sayang yung popularity niya kung hindi mata-translate into a positive force."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN