Former Survivor Philippines castaway Patani admits financial woes because of lack of work

IMAGE 0


"Ayoko siyang isuko. Kasi nga, sabi ko sa sarili ko, ito yung gusto ko, e, ito yung pangarap ko... Alam mo yung parang sinasabi ko sa sarili ko, mas loser ako kung gi-give up na lang ako nang basta-basta. Hindi aksidente na nandito ako," says Patani about her presence in showbiz.


Dalawang taon mula nang maging instant celebrity si Patani DaƱo sa first season ng reality show ng GMA-7 na Survivor Philippines, tila nahaharap ngayon sa matinding pagsubok ang dating yaya dahil na rin sa kawalan ng trabaho.

Sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central na ipinalabas noong Linggo, May 1, sinabi ni Patani na: "Naging totoo po talaga siya, na-experience ko po siya na ano, na muntikan na po akong mapalayas [sa inuupahan kong apartment] sa dahilan na wala akong trabaho.

"Isang beses akong napalayas. Pero maraming beses ko na din parang na-experience na papunta na ako doon."

Matatandaang matapos niyang ma-vote out sa isla noon, naging sunud-sunod din ang TV stints ni Patani.

Minsan din siyang napasali sa cast ng Eat Bulaga! at ilang mga sitcom ng GMA-7.

"Kahit papaano, may regular show pa ako," sabi ni Patani.

"Aminado ako sa sarili ko na parang after Survivor, ang bumubuhay sa akin, sina Bossing [Vic Sotto] naman talaga, kasi kinuha pa nila ako noon sa Eat Bulaga!.

"Tapos nung nawala ako sa Eat Bulaga!, isinama pa niya ako sa sitcom niya, kaso nagkataon na nawala na siya.

"Simula po noon, parang wala na po akong... hindi ko alam!"

NEGATIVE PRESS. Isa sa mga tila nakikita ni Patani na dahilan ng paghina ng career niya ay ang mga intrigang nadikit sa kanya noon.

Nagkaisyu noon na may nagpapa-picture daw sa kanya na sinabihan daw niya ng 'I'm sorry, I'm tired.'

Pero paliwanag ni Patani, "Ang totoo pong nangyari noon, may guesting po ako sa radio show ni Kuya Germs.

"E, na-late na kami, tinatawagan na kami, nagtatakbuhan na kami. Hindi ko alam na lalabas pa rin yung ganung isyu.

"May lumabas din po na isyu sa akin na ako daw, baguhan pa lang ako, ang laki-laki na daw ng ulo ko, na naghahanap daw ako ng sariling dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero para po sa akin, siguro na-misinterpret lang. Normal lang...

"A, hindi po ha, sa side ko lang, normal lang po yun, e.

"Kasi unang guesting ko, tapos sinabi magbihis na kami. Di nagtanong po kami kung saan kami puwedeng magbihis.

"Tapos ngayon po, ang lumabas, naghahanap daw po ako ng sariling dressing room."

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Patani na malalampasan niya ang pinansiyal na pagsubok na kinakaharap niya ngayon.

"Hangga't puwede ko siyang isalba," sabi niya.

"Ayoko siyang isuko. Kasi nga, sabi ko sa sarili ko, ito yung gusto ko, e, ito yung pangarap ko.

"Sabi nga nila, kahit gusto mo pa ang isang bagay, hindi sapat na gusto mo lang siya.

"Mas... Alam mo yung parang sinasabi ko sa sarili ko, mas loser ako kung gi-give up na lang ako nang basta-basta.

"Hindi aksidente na nandito ako [sa showbiz]," deklara niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN