Angel Locsin exclaims, "Kinikilig ako! Kinikilig ako!" upon receiving four surprise gifts from Phil Younghusband

IMAGE 0


Angel Locsin is grateful to her fans: "Ibang klaseng effort nila, parang feeling ko, I don't deserve them, but I'm super thankful na nandiyan sila."


Si Angel Locsin, na kasalukuyang umaani ng magandang feedback dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang In the Name of Love, ang guest sa "Straight From The Heart" segment ni Charlene Gonzalez sa The Buzz noong Linggo, May 15.

Ang bungad ng misis ni Aga Muhlach, noong una pa lang daw niyang napanood ang movie sa dubbing, nag-text na raw siya sa young actress na this is her movie and she will shine.

Ang masayang pahayag naman ni Angel, "Salamat, Ate Charlene. Ako, I'm very blessed lang talaga na nahawakan ako ng magagaling na tao rito sa pelikulang ito.

"Kasama ko si Kuya Aga [Muhlach] na hindi talaga ako binitawan.

"So, para sa akin, yun yun, e. Hindi ko magagawa or hindi ko kayang gawin ang ipinakita ko rito kung hindi dahil sa kanila."

Ang tanong ni Charlene, ano ang pakiramdam na isa nang certified blockbuster artist ngayon si Angel dahil sa tagumpay ng kanyang movie with Star Cinema?

"Hindi ko alam. Hindi ko ma-feel. Parang ngayon kasi, ang bilis kong magsalita, di ba," natatawa niyang sabi.

"Sa ngayon kasi, I'm very happy kasi, kung alam niyo lang kung gaano ang hirap dito ng staff, ng production.

"Sa tingin ko, karapat-dapat silang magkaroon ng, alam mo yun...'Ay, kasama ako sa proyektong 'yan!'

"Super happy ako for them."

Ang kuwento pa ni Charlene, noong premiere night, napagitnaan si Aga nina Angel at Charlene, at panay ang tapik ni Charlene kay Angel dahil sa husay ng pagganap nito.

"Wow naman," sambit ng Lobo/Imortal star. "Thank you...salamat talaga.

"Thank you kasi, inaamin ko, mahirap talaga.

"Nahirapan talaga ko rito sa character ko rito, plus sa schedules and all.

"Salamat, maraming salamat. Kasi sa trabahong ito, yung ma-compliment ka lang, masabihan ka na gusto ko yung ginagawa mo, wala na, sobrang sulit na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na'ng pagod."

Nanood daw ng movie si Angel kasama si Kris Aquino?

"Yeah, nanood kami. Pinanood niya yung pelikula, 'tapos, I think, nag-tweet yata si Ate Kris about the movie, kung gaano kagaling si Aga Muhlach, si Jake na isang revelation nga naman sa pelikulang ito.

"Na-appreciate rin niya ang ginawa ko rito, so I'm very happy.

"Siyempre, alam ko kung gaano ka-busy si Ate Kris, tapos nanood siya.

"Nagkaroon kami ng movie date, sobrang na-appreciate ko talaga yun," ang masayang kuwento ng dalaga.

If there's one person na sobrang proud daw kay Angel since she started her showbiz career, ito ay ang kanyang ama, na hindi nadalaw ng 24-year-old star noong nagkasakit.

Dahil nagsabay nga raw ang taping at shooting ng Imortal at In the Name of Love.

Ano naman ang naging comment ng kanyang daddy?

Ang kuwento ni Angel, "Kanina, tumawag sa akin. Siya yata yung gumising sa akin.

"Sabi niya, 'Angel,' kasi nasa baba ang room niya, nasa taas ako. 'Kumusta yung pelikula niyo? Kumusta yung kita?'

"[Sabi ko] Dad, ngayon pa lang ako pupunta ng ABS, ngayon pa lang ako makikibalita.

"Ganoon naman talaga si daddy, number one fan ko talaga yun.

"Mas marami pa siyang nalalaman kesa sa akin. Mas updated si daddy."

THE OTHER MAN IN HER LIFE. Dumako ang usapan sa kanyang dine-date na si Phil Younghusband.

Ang tanong ng host, ano raw ba ang relationship status ng young actress ngayon?

"Well, doon ako sa exclusively dating talaga.

"Well, kasi kami ni Phil, kapag may ini-entertain na kami, yun lang. Hindi namin kaya ang sabay-sabay.

"Lalo na ako, hindi ko kaya ang sabay-sabay kasi kapag meron na akong dine-date, yung focus ko sa kanya lang.

"Ganoon ako. Ayoko kasi ng paiba-iba. Hindi ko kaya ang paiba-iba."

Sila na raw ba ni Phil?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, no, hindi pa. Masyado pang maaga.

"Pero sa ngayon, ine-enjoy na lang muna namin kung ano ang nadi-discover namin sa isa't isa. Kilig-kilig."

Nag-I love you na raw ba si Phil kay Angel?

"Hindi ko alam, siya na lang ang tanungin niyo," ang tila nahihiya niyang sagot.

"Hindi ko pa masabi...bigay niyo muna sa amin 'to.

"Mahirap kasi, iniisip ng tao, kami na talaga.

"Ako kasi, ayoko pang magmadali talaga. Gusto ko munang i-enjoy 'to. Kilalanin siya.

"Kasi, I'm 26 na. Ayoko lang sigurong maglaro.

"Ayokong masaktan. Careful lang ako."

Tila hindi naman makapaniwala si Angel sa apat na surprise gifts ni Phil sa kanya.

Una rito ay isang personalized card na tila handmade pa. Sa cover ay may nakasulat na "applause, applause."

Sa request na rin ni Angel, si Charlene ang nagbasa ng dedication:

"Dear Angel, Congratulations on your movie. You did a great job. These gifts are for you in the name of love. Lots of love, Philly."

Tanong ni Angel, kay Phil daw ba talaga galing ang card?

Oo, sagot ni Charlene.

Natatawa na halatang kinikilig si Angel sa mga narinig.

Ang ikalawang gift naman ni Phil ay isang water bottle, na may handwritten note si Phil na, "Dear Angel, I thirst for your affection. Phil."

Dahil dito, lalong lumakas ang sigawan ng mga kinikilig sa loob ng studio ng The Buzz.

Ang ikatlong gift naman ni Phil ay isang pillow to make sure raw that Angel is always comfortable.

Ang panghuling gift ni Phil kay Angel, na madalas biruin ni Charlene na ang haba na raw ng hair nito, ay isang teddy bear.

Sa mismong paper bag isinulat ang note ng football player na, "Someone to cuddle you when I'm not there."

Sa lahat ng gifts ni Phil, ang nasambit ni Angel, "Surprise! Nagulat ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, "First time na may gumawa sa akin noon.

"Hindi ko alam, e. I'm very thankful lang talaga do'n sa time, sa effort.

"And si Phil kasi, nararamdaman ko na palagi lang siyang nandiyan.

"Kahit alam niya na hindi pa ko ready, kailangan ko pa ng time, pero sobrang thankful talaga ko sa kanya.

"Kinikilig ako! Kinikilig ako! Thank you, thank you."

Hirit pa ni Angel na natatawa, "Hindi naman ako na-brief na ganito pala ang interview na ito. Oh my god."

Ayon kay Charlene, nakaka-flatter when a man professes how much he loves you.

Sinegundahan naman ito ni Angel ang, "Oh yes, oh yes, yung proud siya sa 'yo.

"Ipinagmamalaki ka niya sa buong mundo. Nakakagaan ng loob.

"Maraming salamat. Thank you, Phil."

Sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon, what are the things she is most thankful for?

"Maraming bagay, Ate Charlene, e.

"Siyempre yung pamilya ko. Hindi ko ipagpapalit sila kahit kailan dahil yung support nila, nandiriyan.

"Yung friends ko na naka-suporta sa akin, naiintindihan nila ko.

"Sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin—sa mga angels ko, kasi alam mo yun, kahit na may mga nababasa silang negative about me, nandiyan pa rin sila, sumusuporta at hindi sila agad nagpapa-apekto."

Sa huli, pinasalamatan ni Angel ang director nila sa movie na si Direk Olive Lamasan.

Aniya, "Inang, hindi ko po ito magagawa kung hindi dahil sa inyo. Maraming-maraming salamat pong talaga.

"Isa po kayong genius talaga.

"And Tita Malou [Santos], marami pong salamat talaga. Hindi kayo sumuko sa schedule.

"Kasi, sabay po talaga ang Imortal, medyo mahirap pong talaga ang schedule at maraming-marami pong salamat talaga, Tita Malou."

May pahabol pang tanong si Charlene kay Angel, ready raw ba itong i-give up ang lahat in the name of love?

Ang nakangiti namang sagot ni Angel, "In time..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN