Pia Guanio on engagement to Steve Mago: "I'm glad I've finally found a person who can be your partner in life."

IMAGE 0


"One of the best things that I like most about him is that he's such a thoughtful guy. Na parang...in any plan that he has, even for himself, he will always include you. And I found that very impressive kasi, these days, we all can be self-centered," says Pia Guanio about her fiancé, Steve Mago.


Iba ang aura ni Pia Guanio nang mabungaran siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 15, sa dressing room ng isa sa mga studio ng GMA Network Center kung saan umeere ang Showbiz Central.

Si Pia ay isa sa original hosts ng Sunday showbiz talk-show ng Kapuso network.

Blooming at talaga namang kitang-kita na she is very much in love and inspired.

Nagkakabiruan nga ang staff ng show. Huwag daw masyadong aligagain si Pia dahil "momemt" na niya.

Ang susunod na gap kasi ay ang pagsasalita na ng TV host tungkol sa engagement nila ng boyfriend niyang businessman na si Steve Mago.

Marami nga ang nagulat when the news came out na ikakasal na si Pia.

Parang kailan lang kasi nang nag-break sila ni Vic Sotto.

Tapos, she was seen dating someone else.

At ngayon nga, biglang mapapabalitang engaged na siya.

Noong May 7, Sabado, naganap ang pamamanhikan ni Steve sa pamilya ni Pia sa resthouse ng TV host sa Tagaytay.

Kasunod nito ang pagsisimula na ng pagplano ng dalawa sa kanilang kasal.

Una na raw rito ang listahan ng kanilang secondary at principal sponsors, na kinabibilangan daw nina Mike Enriquez at Mel Tiangco, ang news anchors ng 24 Oras kung saan may segment si Pia na "Chika Minute."

THE PROPOSAL. Kitang-kita sa mukha ni Pia ang sobrang kaligayahang nararamdaman nang sumalang na siya sa live interview ng co-hosts niyang sina Raymond Gutierrez at John 'Sweet" Lapus.

Ang unang tanong kay Pia ay kung paano ba naganap ang proposal sa kanya.

"It was quite a surprise. I wasn't expecting it at all," sagot ni Pia.

"Primarily because... I mean, I'll say it straight... Di ba, we've been dating for less than a year only?

"So, it really came as a surprise to me that he made such a big move so soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, one morning, he just woke me up. And when I opened my eyes, I saw a box with a ring in it."

Sandaling naging speechless daw si Pia nang mga oras na iyon. Wala raw siyang anumang nasabi.

"Kasi, nakakabigla talaga!" natawa niyang sabi.

"Parang overwhelming and you don't know what to say when it finally does happen, you know.

"And then outside, he has prepared a breakfast with champagne.

"So, ang sagot ko... Napatago ako under the blanket! Ha-ha-ha!

"Hindi ko na kailangang iesplika na, 'yeah,'" na ang ibig sabihin ni Pia ay umoo siya sa proposal ni Steve.

Dagdag niya, "I don't blame people if they're quite shocked by that news.

"Because I purposely wanted to keep this a very private matter.

"He is a very private person. He is not from show business. His family is also very private.

"So, as much as possible, I wanted to keep everything just to ourselves.

"Even the engagement."

Pero dahil nga naisulat na ang tungkol sa kanilang relasyon, kinailangan na nga raw magsalita.

"I think it was in bad taste naman to deny it, di ba?" sabi niya.

WHO IS STEVE? Marami ang curious makilala kung sino nga ba ang Steve Mago na mapapangasawa ni Pia.

Ang sabi, parang mala-Ivan Mayrina raw ang dating nito—guwapo, matangkad, at lalakeng-lalake ang dating.

"Makalaglag-panty" raw sabi pa ng isang staff ng Showbiz Central na nakita na nang personal si Steve.

Mukha ring mahusay magtago ang Steve na ito. Lagi niyang sinusundo si Pia pagkatapos ng trabaho ng TV host, pero walang nakakakita sa kanya.

"I have such a hard time hearing his name on air," ani Pia.

"Kasi nga, he is not from show business.

"Actually, he's quite shy.

"I was begging him to come on air for me a few minutes today. Pero ayaw niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahiyain talaga siya. He's very private. He's not used to this whole thing at all.

"And, of course, we also want to protect this privacy.

"He's really a very sweet guy. He's very thoughtful.

"One of the best things that I like most about him is that he's such a thoughtful guy.

"Na parang...in any plan that he has, even for himself, he will always include you.

"And I found that very impressive kasi, these days, we all can be self-centered.

"I'm glad I've finally found a person who can be your partner in life."

Lagi raw nga niyang ipinagdadasal ang tungkol sa kanila ni Steve.

At ipinagpapasalamat raw niya na sila ang naitakda ng kapalaran para sa isa't isa.

"I feel nga na... Ever since this relationship started, parang there would be a way always to do things. There would be a means always to make things possible.

"I felt like God was opening doors for us to get together. To get closer.

"You know how the Bible said that He'll make all things work well to your good.

"And I felt like that was exactly what was happening between me and him.

"He's a very spiritual person.

"I love the fact that when we started dating, he was very open and welcoming to the idea of becoming Christian.

"And I'm always praying for him, for that to happen."

Si Pia na rin ang nagsabi na ang future husband niya is a very private individual.

Kung gayon, hindi madali para sa kaniya na ang mapapangasawa ay isang public figure na gaya ni Pia.

Na kapag nasa labas sila, pagtitinginan sila ng mga tao.

Napag-usapan ba nila ang tungkol dito?

"You know what I find admirable about him, he understands very well the nature of my job. So, I love that," sabi ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAMAMANHIKAN. How did her family react nang malaman ang tungkol sa engagement nila ni Steve? Ano rin ang naging reaksiyon ng mga kaibigan at iba pang malalapit sa kanya?

"My family was also in shock," sagot ni Pia.

"But then, you know what I love about them is the fact that parang...

"No'ng nangyari 'yong pamamanhikan, they instantly just got along so well.

"His family, my family, and of course that matters so much."

Paano nga ba 'yong nangyaring pamamanhikan?

"It was so cute!" bulalas niya.

"Three or four vans of Steve's family came over.

"Everybody was like super-duper excited that we couldn't exclude anyone!

"Parang we just have to fill everyone in. Tapos, ang dami-dami nang naki-celebrate sa amin."

Relieved na ba ang pakiramdam niya ngayon that she's able to talk about Steve at ang pagpapakasal nila?

"I'm glad that I was able to tell my bosses before it came out into the open. My bosses in Eat Bulaga!, I was able to tell them.

"Kasi, I feel like they deserve that kind of respect. That was such a big relief."

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga Dabarkads o kasamahan niya sa Eat Bulaha!?

"They were congratulating me. They were wishing me luck.

"Tita Malou [Choa Fagar, TAPE executive] said she will continue to pray that it works out.

"She's also very happy to know na he's Christian. So, that was such a 'hooo!'"

May mga detalye na ba siyang puwedeng mai-share tungkol sa kanilang pinaplano nang kasal?

Will it be a simple wedding? O gugustuhin niyang maging magarbo at engrande ito?

"I can't imagine an engrandeng wedding.

"I can't imagine entertaining so many people! I'm going to die!" tawa ni Pia.

Dagdag ng TV host, "So, it's going to be a very intimate.

"And it's going to be very simple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it's gonna be sometime next year probably."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN