Edgar Allan Guzman involved in minor accident while taping for a game show

IMAGE 0


Young actor Edgar Allan Guzman sustained an injury after a go-kart accident while taping for the TV5 game show Lucky Numbers last May 2 at the Enchanted Kingdom.


Lingid sa kaalaman ng publiko, naaksidente ang young actor na si Edgar Allan Guzman habang nagte-taping para sa game show na Lucky Numbers noong May 2 sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa, Laguna.

Ang nasabing game show ay isinasahimpapawid sa TV5 and hosted by comedienne Eugene Domingo. Tuwing Linggo ang airing ng game show before Fantastik, ang isa sa dalawang programang kinabibilangan ni Edgar sa Kapatid network; ang isa pa ay ang gag show na Lokomoko U.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) learned of Edgar Allan's accident through his manager Noel Ferrer.

Nag-text ito kaugnay naman ng unang araw ng shooting ng young actor last Saturday, May 7, para sa sex-comedy indie movie Ligo Na U, Lapit Na Me—a Cinemalaya 2011 entry (New Breed category) directed by Erick Salud.

When we came to the set of the indie movie at the Tuazon Compound in Concepcion Aguila Street, Quiapo, Manila, at past 6 p.m., matapos ang napakalakas na pagbuhos ng ulan bilang pagsisimula ng bagyong Bebeng, nadatnan namin si Edgar Allan sa isang corner.

Naghihintay siya ng kanyang tawag para sa susunod na eksena, but could hardly move his right arm dahil sa pamamaga sanhi ng dalawang malalaking lapnos sa balat.

THE ACCIDENT. At nagsimula nang magkuwento ang young actor ng kanyang sinapit.

Kasali siya sa go-kart race ng Lucky Numbers na tini-tape nang maganap ang aksidente.

"Si Rodjun [Cruz] ang nagda-drive," simula ni Edgar Allan sa PEP.

Sa umpisa, itinutulak muna raw ni Edgar, with some companion, ang kart at nasa manibela na si Rodjun.

Bago mag-umpisa ang race, Rodjun had to stop, get off, and get the flag at a certain area bago nila i-start ang motor ng go kart.

"So, tinulak namin," patuloy ni Edgar Allan.

"Sabi ko, 'Bro, mag-stop ka para makuha mo yung flag.' Kasi, lumalagpas siya, e. So, tinulak namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko expected na mag-i-stop siya bigla. Dumulas yung kamay ko, paloob dun sa makina ng go-kart, pati sa may gulong.

"Naipit ako, napaso, tapos natulak pa. So, yung gulong umaandar pa."

Mabuti rin at mabilis na natanggal ni Edgar Allan ang kamay niya, na nasa may mataas na bahagi na ang mga paso.

Naipaalam nila agad ang nangyari sa management ng TV5, ayon din kay Edgar.

"Alam naman nina Sir Perci [Intalan], tsinek nila ako kung okey. Sagot naman nila lahat," sabi niya.

"Naospital po ako, sa Laguna. Nagpa-X-ray ako kung may bali po. Wala naman.

"Ini-skin test ako kung may allergy ako sa gamot po, wala naman. Pinainom ako ng antibiotics."

Sanhi niyon ay hindi nakapag-taping si Edgar Allan ng isa pang guesting na sa Isabela ang location last Tuesday, May 3.

"Kasi, hindi ko kaya," sabi niya.

But on Saturday, May 7, nag-report nga siya para sa Ligo Na U, Lapit Na Me first-day shoot, na namamaga ang kanang braso.

Matindi ang sakit na nararamdaman ni Edgar Allan, pero tumuloy pa rin siya sa mga eksenang ipinagagawa bilang male lead ng indie film.

Nasaksihan pa ng PEP ang isang eksena ni Edgar Allan with co-actors Simon Ibarra and Mel Kimura, bilang kanyang parents sa kuwento.

Pero ang sumunod na eksenang dapat niyang gagawin ay hindi na nakayanan ng young actor, dahil hindi na raw nito maigalaw ang kanyang mga braso.

Pinagpahinga muna ng direktor na si Erick Salud si Edgar Allan.

Towards midnight, kinunan uli ang ilan pang eksena ni Edgar, with minimal movements, but had to postpone some other scenes for another day's shoot.

NEW LEADING LADY. In a previous interview ay naibalita ni Edgar Allan sa PEP na ang magiging leading lady niya sa Ligo Na U, Lapit Na Me ay si Lovi Poe.

Apparently, hindi natuloy ang pagtatambal ng young actress at ni Edgar dahil ang leading lady niya ngayon ay si Mercedes Cabral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey naman po siya, nag-uusap naman kami," sabi ni Edgar about Mercedes, who came to the first day shoot pero hindi pa kinunan ang eksena nila. Nag-pictorial muna ang aktres.

Dagdag niya, "Magaling naman po siyang artista, kaya okey rin sa akin. Wala naman po akong reklamo na siya ang pumalit.

Ayon din kay Noel Ferrer, who fielded Ligo Na U, Lapit Na Me in Cinemalaya, with director Erick Salud and screenwriter Jerry Gracio, ipinaglaban nila na si Mercedes Cabral ang maging leading lady ng pelikula.

"Yun ang sabi sa akin," banggit ni Edgar Allan.

"Hindi ko alam ang story na 'yon... Kahit din naman ako, ipinaglaban nila before sa Astig [2009]."

"Okey sa akin. Kahit sino naman po. Hindi ako namimili.

"Magaling din naman siya [Mercedes]. 'Tsaka yung labi niya, e, pang-Angelina Jolie!" kuwelang sabi pa ni Edgar Allan.

May kissing scene ang dalawa na hindi pa nakukunan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN