Alden Richards looks forward to big screen debut; entrusts fate of loveteam with Louise delos Reyes to Kapuso management

IMAGE 0


Alden Richards and loveteam partner Louise delos Reyes will be seen in the movie Tween Hearts, alongside fellow Kapuso teen stars Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jhake Vargas, and Bea Binene.


Tiniyak ni Alden Richards na magiging kapana-panabik ang pagwawakas ng afternoon fantasy-drama series na Alakdana itong darating na Biyernes, May 13.

"May mamamaalam, tapos may isang character diyan na hindi ninyo ine-expect na magiging ganun. Abangan nila yung character na 'yon at magugulat sila," sabi ni Alden nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, May 9, sa Executive Lounge ng GMA Network Center sa Quezon City.

"Tapos siyempre, meron nang pipiliin si Adana [Louise delos Reyes] between kay Billy [Paulo Avelino] at Joma [his character]."

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Alakdana, hindi mapigilan ni Alden ang magbalik-tanaw sa lahat ng kanyang pinagdaanan habang ginagawa ang serye na umere rin ng apat na buwan.

"Ito pong project na ito is all worth it," sabi ng young actor.

"Worth it lahat ng pagod, sulit lahat ng puyat, and then yun nga po, it's coming to an end.

"Sana marami pa ring sumuporta hanggang dulo."

DEBUT MOVIE PROJECT. May kasabihan na "Sa bawat pintong magsasara ay maraming bintana ang magbubukas."

Tila ganito ang sitwasyon ngayon ni Alden at ng kanyang loveteam partner na si Louise delos Reyes.

Sa pagtatapos kasi ng Alakdana ay may kasunod na agad na proyektong iniluluto ang pamunuan ng GMA-7 para sa kanilang dalawa.

Bukod kasi sa posibilidad na tumawid na sila sa competitive primetime slot, sigurado na rin ang paglabas nila sa big screen sa pamamagitan ng Tween Hearts The Movie.

Makakasama nina Alden at Louise sa nasabing proyekto ang fellow Kapuso young stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jhake Vargas, Bea Binene, at ang iba pang cast ng Tween Hearts.

"I'm looking forward kasi bago ako sa family ng Tween Hearts.

"So panibagong cast, panibagong pakikipagtrabaho, and sana po maging kasing kasaya din ito ng Alakdana family ko.

"Sana ganun din kami dito," asam ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang naging reaksiyon niya nang malaman na magkakaroon na sila ng pelikula ni Louise?

"Hindi pa rin ako makapaniwala until now," sagot niya.

"Sobra yung pasasalamat ko sa mga bosses natin, tsaka sa mga taong nagtitiwala pa sa amin kaya nabibigyan kami ni Louise ng ganitong mga breaks."

Ayaw namang isipin ni Alden na posibleng magkaroon ng sapawan sa parte ng cast members ng Tween Hearts dahil nga naman kanya-kanyang loveteam ang dinadala ng bawat isa, at mas naunang nakilala ng publiko kung tutuusin ang tambalang Barbie-Joshua at Jhake-Bea.

"Parang kuya-kuya nila ako, pero parang magkaka-edad kami pag magkakasama.

"Like si Barbie, 'yan, sobrang bait niyan, sobrang approachable.

"And feeling ko, walang mangyayaring kumpetisyon kasi magkakaibigan po kaming lahat kahit off-cam," katuwiran ni Alden.

NO RIFT WITH ENZO. Bihira sa isang baguhang loveteam ang umaamin na hanggang sa harap lamang ng kamera ang kanilang magandang pagtitinginan, at tanging pagkakaibigan lang ang namamagitan sa tunay na buhay.

Bagamat nagsabi noon si Alden na hindi malabong mahulog ang loob niya sa kapareha, agad namang nagbago ang ihip ng hangin matapos na magpahayag ang StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda ng paghanga kay Louise. (CLICK HERE to read related article.)

Nang huling makausap ng PEP si Alden, sinabi nito na wala siyang balak na sabayan si Enzo at hahayaan lang niya ang dalawa dahil nakikita naman niya na masaya si Louise sa piling ng masugid na manliligaw. (CLICK HERE to related article.)

"Hindi naman po sa pinapaubaya ko na si Louise kay Enzo.

"Kumbaga po, e, ako na yung nag-give way kasi ayoko na po ng gulo, ayoko na po ng complications.

"Kasi dun masaya si Louise. I just support her kung saan siya masaya," muling paliwanag ni Alden.

Nilinaw rin ni Alden na hindi sumama ang loob niya kay Enzo dahil sa napabalitang pagdalaw nito sa set ng Alakdana para makita at makasama si Louise kahit sandali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun po yung lumabas sa isang interview—sabi ko naiilang ako.

"Ako naman po, hindi naman puwede na kung nandun si Enzo, nandun din ako. Distansiya lang kumbaga.

"I have nothing against them. Distansiya lang, kasi ang pangit naman tingnan kung dikit ako nang dikit kay Louise samantalang wala naman kaming relationship.

"Baka na-misinterpret lang po yun.

"Okay naman kami ni Enzo and nagkita po kami sa [GMA] Artist Center plug.

"We're okay and we're good friends, tapos si Louise—friends po kaming tatlo."

MANAGEMENT'S CALL. Natutuwa naman si Alden dahil sa kabila ng sitwasyon nila ni Louise ay patuloy pa rin ang suporta ng kanilang mga tagahanga.

"Chill lang sila, e," paglalarawan ni Alden sa kanilang fans.

"Sabi nga po ng iba, tanggap na ng mga fans na loveteam lang ito onscreen."

Sa palagay ni Alden ay mainam na rin na hindi mabahiran ng kung anumang personal ang tambalan nila ni Louise para makapagtrabaho silang dalawa ng maayos.

"Professionally, parang mas magiging comfortable nga po kami ni Louise na ganito, friends kami.

"Kasi yun nga po, pag dumating sa stage na more than friends, maraming complications 'yan, e.

"Pag magkaaway kayo, sa set, hindi ninyo magagawa yung eksena kasi magkakailangan, tapos hindi maganda yung outcome."

Pero hindi ba natatakot si Alden na baka maisipan ng Kapuso management na buwagin ang loveteam nila, at sa halip ay itambal na lang si Louise kay Enzo?

"Nasa network po 'yan," seryosong sagot ni Alden.

"Nasa desisyon po 'yan ng mga bosses kung ano yung sa tingin nilang magandang strategy.

"I trust naman po yung judgment ng mga bosses kung anong tingin nila na makakabuti para sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN