Alwyn Uytingco denies being a bad influence on girlfriend Jennica Garcia

IMAGE 0


"Hindi naman nawawalan ng iniiisip ang mga tao, e. Para sa akin opinyon nila yun," says Alwyn Uytingco about being branded a bad influence on girlfriend Jennica Garcia.


Ang pagiging bad influence naman sa kasintahang si Jennica Garcia ang bagong isyung ibinabato sa young actor at TV5 talent na si Alwyn Uytingco.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alwyn sa taping ng bago nitong show na Iskul Bukol, napapangiti na lang ang aktor sa mga isyung ikinakabit sa kanya.

"Yung unang isyu sa akin, bading daw ako. Ah, ganon po ba? O, sige," nangingiting pahayag ng binata.

"Hindi naman nawawalan ng iniiisip ang mga tao, e. Para sa akin opinyon nila yun.

"Ngayon naman, bad boy, bad influence. Well, kung gusto nila akong maging bad boy, puwede rin," nakangisi pang sambit ni Alwyn.

BAD INFLUENCE ON JENNICA? Alam ni Alwyn na marami ang nakakakita sa kanila ni Jennica na magkasama sa mga gimikan at umiinom ng konti.

Ito raw marahil ang naging basehan ng iba para masabihan siyang bad influence sa kasintahan.

Pero nung maging abala na siya sa kanyang kaliwa't kanang tapings, hindi na sila nakakalabas ng young actress.

"Wala na po ako talagang lakas para uminom, lumabas, or gumimik," sabi pa ng aktor na gaganap bilang isa sa mga "bad boys" ng Wanbol University at kapatid ni Sam YG sa bagong version ng Iskul Bukol.

"Dati kasi, Tuesday, Thursday, Friday, [ang] taping ko ng Babaeng Hampaslupa. 'Tapos, 'eto [Iskul Bukol], Saturday.

"Pero ang nangyari po kasi, kailangan ko pong mag-ipon ng episodes.

"Minsan may Monday, may Tuesday, Wednesday, occasionally my Thursday, then may Friday pa. Pero hindi naman po ako palaging kasama sa taping.

"Yung Fantastik show naman, semi-regular lang ako roon," patuloy pa ni Alwyn.

"Puwedeng yung paggimik-gimik namin ang reason kung bakit nasasabihan akong bad influence.

"Kasi nung getting-to-know stage namin, paano ko maku-connect yung sarili ko doon sa trip nina Jennica? Gusto nila, gustong ganito [paggimik].

"Kaming mga boys trip din namin yung ganon, pero napansin ko lang talaga sa grupo namin, mas homebody talaga kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sina Rocco [Nacino], JM de Guzman, ang trip lang namin skateboard, PlayStation. Kung mag-iinuman kami, doon lang kami sa bahay.

"Dumadating yung occasionally, lumalabas kami every Saturdays, pero madalang lang," paliwanag pa ni Alwyn.

ALWYN AS A BOYFRIEND. Commited boyfriend ang puwedeng maitawag kay Alwyn dahil hindi siya nagkukulang na makipagkita kay Jennica.

"Yun po ang sinisigurado ko na kahit may taping ako, dadalaw at dalaw po ako sa kanila. Like for example, kahit umagahin na ako, dadalaw pa rin po ako sa kanila. Para magdala ng konting breakfast, Mcdo...

"Feeling ko naman pag dumadalaw ako ng maaga, okey lang naman kay Madame Jean [Garcia, Jennica's mom]."

Madame?

"Ever since yun ang tawag ko sa kanya. Siyempre, respeto rin yun, e.

"Pero kasi nung umpisa hindi ko alam kung paano ko siya ia-address. 'Tapos nung nandoon ako sa kanila, 'pag kunwari, magtatanong ako kung sino ang nandoon sa kanila. 'Ay, nandoon si Madame!' Yun ang tawag sa kanya sa bahay, mga kasambahay nila, yung mga katulong. 'Ay, si Madame nandiyan.'

"Ako, nakiki-madame na rin ako sa kanya bilang respeto," paliwanag ni Alwyn kung bakit "madame" nga ang tawag niya sa character actress mom ni Jennica.

Kinilig naman si Alwyn sa tanong ng PEP kung ano ang tawagan, o terms of endearment nila ni Jennica.

"Madami, e!" kinikilig at natatawa nga niyang sabi. Pero mas madalas daw nilang gamitin ang "Bebe, Mahal...."

Mas pormal na tawagan naman daw kapag may lovers' quarrel silang dalawa.

"Ang tawag niya sa akin Cipriano Alwyn Sumulong Uytengco III!" natatawa pang kuwento ni Alwyn.

Higit na sa isang taon ang relasyon nina Jennica at Alwyn, pero hindi ito ang pinakamatagal na pakikipagrelasyon ng aktor.

Dalawang taon daw ang itinagal nila non-showbiz girlfriend niya, at dalawang taon din kay Princess Ryan naman.

Ani Alwyn, masaya siya sa piling ni Jennica, kahit ordinaryo lang ang ginagawa nila bilang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kunwari pupunta kami sa mall, manonood kami ng movie. Ganon lang, pero masaya na kami."

FREE TO ADMIT NOW. Mas may kalayaan na raw sina Alwyn at Jennica na magsalita tungkol sa kanilang relasyon, kumpara noon na pigil ang pag-amin nila sa press.

"Noong una kasi hindi pa kami ready. Pangalawa, we have to protect our work. Lalo na siya, may loveteam siya dati, e."

Pahayag pa ni Alwyn, hindi rin daw naging balakid sa kanilang dalawa noon ang pagiging magkaiba nilang network. Dating taga-ABS-CBN si Alwyn, habang nasa GMA-7 naman si Jennica.

Sa ngayon ay nasa TV5 na si Alwyn.

"Kasi wala rin po kaming choice doon, e. Dati pa siyang taga-GMA-7 and ako, way, way back taga-Channel 2 ako. Hindi ko rin ini-expect na malilipat ako ng ibang istasyon.

"Hindi naman mahalaga sa amin kung magkaiba kami ng network. Kasi ang istasyon, istasyon yun at ang kontrata naman namin, sa trabaho at hindi naman sa personal.

"Hindi naman kami kasama sa network wars.

"Kahit hindi ko naman sabihing hindi ko girlfriend [si Jennica], yung mga kaibigan ko, taga-7. Sina Mark Herras... sa lahat ng channels may mga kakilala ko.

Wala rin daw problema sa kanya noon ang pagdalaw-dalaw niya sa Kapuso Station para dalawin si Jennica.

May isang project lang noon si Jennica sa GMA-7 na pinagbawalang bisitahin ni Alwyn.

"'Yan yung panahong may ka-loveteam pa siya," pag-amin ni Alwyn.

Ito raw yung panahong ginu-groom ang loveteam ni Jennica with Carl Guevarra.

"Pumupunta ako pero nasa sasakyan lang, pero hindi ako pumupunta sa set. Yun yung panahong, ang hirap.

Respeto na lang daw sa mga katrabaho ni Jennica at pagtupad sa mga rules ng mga naroon ang dahilan kung bakit hindi na lang siya pumupunta sa set nina Jennica.

"Kapag alam ni Jennica na nandoon ako sa location, pinupuntahan niya ako sa car ko. 'Tapos doon na lang kami mag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naisip ko noon na parang dini-deprive kami ni Jennica na magkita, pero tiniis ko na lang. Wala akong magagawa. Kasi gusto ninyong mag-set ng rules? Sige, pero hindi ko kayo kayang kalabanin. Magtitiis na lang ako.

"Pero kahit anong rules ang ilagay ninyo, pag-uwi namin, kami pa rin e," saad niya.

ADMITTING TO A BLIND ITEM. Inamin naman ni Alwyn na sila raw ni Jennica ang tinutukoy noon sa isang blind item, tungkol sa isang young couple na nagkukulong sa sasakyan sa isang location taping.

"Exactly, hindi ko puwedeng i-deny yun. Kasi doon lang ako puwede sa sasakyan, at doon lang kami puwedeng mag-usap at magkita ni Jennica.

"Minsan nga, hindi ako puwedeng lumabas para dyuminggel," nakangiting pag-alala ni Alwyn.

"O, my God! Ang daming tao. O, eto na lang, plastic," biro ng aktor. "Buti na lang hindi umabot sa ganon!

"Pero minsan dumating talaga sa point na ganun ka-grabe na yung situwasyon namin. Tiniis ko na lang yun.

"Hindi ko naman sila masisisi dahil ang gusto lang naman ng mga katrabaho ni Jennica yung concentration.

"Ako naman maintindihin naman ako. Parehas naman kaming nasa industriya."

THINKING OF CONVERTING. Hindi lang ang mga taong malalapit sa kasintahan niya at ang trabaho nito ang niyakap ni Alwyn, maging ang paniniwala sa relihiyon ng young actress.

Kuwento ni Alwyn siya ang may gustong sumama sa Born Again Christian church ni Jennica at mag-Bible study sila nito. Hindi rin daw imposibleng magpa-convert siya ng relihiyon para sa kasintahan.

"I can consider myself Christian-Catholic, o Catholic-Christian. Kasi binigyan niya ako ng devotion na book which is binabasa ko every day.

"Wala namang problema sa akin sa relihiyon. Yung mga titles ng relihiyon, para sa akin, yun lang yung kultura, e.

"Kultura ng bawat tao na nilakhan niya. Kahit ano pang title niyan, basta't sumasamba ka sa Kanya, walang problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ipinapakitang katapatan at labis na pagmamahal ni Alwyn sa kasintahan, tinanong tuloy ng PEP kung ano nga ba ang nakita niya kay Jennica para bigyan ng ganitong debosyon?

"Minsan sinasabi nila na pag wala kang explanation, hindi ibig sabihin nun na wala kang explanation. Pero ako I cannot explain e."

Magulo man ang pahayag na ito ni Alwyn, pinilit ng aktor na ipaliwanag pa rin kung ano ang nagustuhan niya kay Jennica.

"Passionate! Aalagaan ka niya, ipapakita niya talaga sa iyon. Like, for example, never kong naranasan na yung babae, pupuntahan ka sa taping mo... kahit Nueva Ecija! Wow! Effort talaga!

"Kapag pagod ako...kasi minsan kahit pagod ako, didiretso ako sa kanila, kahit puyat ako, pumupunta ako sa kanila, doon na ako mag-i-stay. Doon na ako magpapahinga.

"Tapos, imamasahe niya ako. Hindi naman yung full-body massage. Saka sa sala lang. Nakikita nung mga kasama niya sa bahay, nandoon silang lahat," mabilis na sambit ni Alwyn sa pag-aalalang baka makaisip ng iba ang kausap niya.

"Tapos, natuwa ako minsan na nagluto siya ng simple breakfast sa kanila. And ako, never akong nag-expect na ganun siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN