Lucho Ayala wishes to be paired with Rhian Ramos

IMAGE 0


Lucho Ayala is presently a Theater Arts student at the University of the Philippines in Diliman. For now, he prioritizes studies over career. "Siguro two more years, pag-graduate, ayun...tingnan natin baka tuluy-tuloy na sa showbiz."


Pagkatapos ng Endless Love at Basahang Ginto, five months na nagpahinga mula sa showbiz ang young male star na si Lucho Ayala.

Nag-concentrate daw ito sa kanyang studies sa UP (University of the Philippines) sa Diliman.

"'Tsaka meron kaming ginawa noong December and January na movie, Agawan Base, kasama po dito si Jolina Magdangal," kuwento ni Lucho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa presscon ng Blusang Itim.

Ipalalabas pa lamang daw ang naturang indie movie na isang comedy/ adventure/ drama.

Dugtong pa niya, "It's values-oriented, ipapalabas po siya between June to July. Meron siyang nationwide campus tour."

Mabait daw ang role niya sa naturang movie, at nang tanungin namin kung mabait ba siya sa tunay na buhay...

"Oo naman, siyempre," ang natatawang sagot ni Lucho.

"Pero ang first impression nila sa akin parang suplado, e.

"Pero, once you get to know me, hindi naman ako ganun."

Sa tingin ba niya, dahil sa choice niyang mas mag-concentrate sa pag-aaral kaya nalimitahan ang projects niya sa GMA 7?

"Actually kasi, mahirap i-juggle ang studies ko at showbiz, e, kasi yung family ko kasi ayaw nilang bitiwan ko yung school, e.

"Kasi yung ibang artista, nag-stop sila for showbiz, e. Yung family ko kasi, ayaw nilang i-stop ko yung school...Gusto nila akong magtapos, e.

"Incoming third year ako ngayon, so I have maybe one more year or two more years to finish school," sabi ng 19-year-old na si Lucho.

Sa ngayon, kasali si Lucho sa Blusang Itim, na pinagbibidahan ni Kylie Padilla.

"Ito, nag-audition po ako dito, and since summer naman po ngayon kaya okay sa schedule."

Bagamat ang taping ng series ay lalampas sa June, makakapamili naman daw siya ng schedule sa UP.

"Ang taping ko naman po for Blusang Itim is Tuesday, Thursday, and Saturday.

"So kung kukuha ako ng mga subjects, Monday, Wednesday and Friday. Ako naman po pipili ng subjects, so pipiliin ko po yung pang-Monday, Wednesday, and Friday."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ang gaganap na Edward sa TV remake ng proyektong unang pinagbidahan ni Snooky Serna.

Aniya, "Ako yung kontrabida dito."

Sa Basahang Ginto ay mabait siya, sa Endless Love naman ay salbahe siya, at sa Blusang Itim nga ay salbahe uli siya.

Mas gusto ba niyang malinya sa kontrabida roles?

"Actually, gusto ko naman na madaming klase ng roles talaga, para diverse, di ba?

"Pero tingin ko, hindi naman ako mata-typecast. Sana!

"Gusto ko talaga ma-experience lahat ng klase ng roles, kumbaga lahat ng genre.

"Mayaman at mahirap, nang-aapi sa inaapi, mabait at mayabang. Gusto ko masubukan lahat, e.

"Well, bago pa lang naman ako, I have a lot more to go, so..."

Ang mga gusto raw niyang gayahin pagdating sa career path ay sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Ang huli ay kahawig niya.

"Sabi nga nila kamukha ko daw?

"Oo, mga ganun [Dennis]. Or siyempre, kung tutuusin talaga, quite frankly mga Dingdong, di ba?

"Iyon naman, talagang pangarap talaga—yung stature niya ngayon, di ba?

"Let's try first kung anong mangyayari."

Handa ba siyang gawin ang mga ginawa ni Dennis na roles, tulad ng pagpo-portray ng bading sa pelikulang Aishite Imasu?

"Well, wala naman akong problema sa mga roles na ibibigay sa akin.

"Kasi kung may napunta sa akin na role, 'tapos payag naman yung family ko at kaya ko naman—why not, di ba?"

Pero ayaw daw muna niyang magpa-seksi.

"Well, not now."

Pero sa gay roles, payag siya?

"Hindi ko pa kasi na-try e, siguro kung... siyempre meron namang mga workshops 'yan, mag-aaral naman siguro ako for that role so...

"Gusto ko kasing subukan lahat, kaya kung anumang role ang mapunta sa akin na role, pag-aralan ko muna."

Kung parang si Aljur Abrenica sa Machete na laging nakahubad?

"Topless, yung ganun? Pag maganda na ang katawan ko, why not? Puwede!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung trunks?

"Depende sa role 'tsaka sa katawan ko."

Kung underwear endorsement?

"Kukunin ko opinyon ng side ko, sa family ko, sa manager ko."

Conservative ba ang family niya?

"Conservative, pero hindi naman sila strict in the sense na pagbabawalan ako sa lahat. Naggi-give way naman sila."

Theater ang course niya sa UP, and paniniwala ng iba, kapag theater actor ay halos walang limitations at inhibitions bilang artista.

"Oo, pero depende rin siyempre, like, kapag hindi mo puwedeng gawin o hindi mo kayang gawin yung isang bagay, so hindi mo gagawin."

Kung papipiliin siya ng magiging ka-loveteam niya, sino ang choice niya?

"Actually, hindi ko alam, ha. Hindi ko masasabi kung bagay ako sa kanya, e, kung magmumukha akong mas bata o magmumukha akong mas matanda—si Rhian Ramos."

Pero never pa raw niyang nakita in person si Rhian.

Bakit si Rhian ang choice niya?

"I think she's a good actress, she's pretty.

"'Tsaka parang maganda pag partner mo siya, parang may stature ka talaga, e, parang meron kang... parang may spark na 'Uy, Rhian Ramos-Lucho Ayala.'

"Parang bibigyan ka niya ng...parang madadala ka niya."

Hindi aware si Lucho sa Twitter controversy na kinsasangkutan ngayon nina Rhian at Mo Twister.

"Hindi ko alam, busy kasi ako sa school e, hindi ko alam."

At kahit may mga ganung issues si Rhian, siya pa rin ang gusto ni Lucho na maging ka-loveteam.

"Kasi kung work naman, bakit ka magpapadamay sa personal life?

"Parang, kung work, work lang, di ba? Walang personalan."

Sa tanong kung may GF na si Lucho...

"Dating! Non-showbiz siya."

Sa pamilya nina Lucho ay walang artista.

"Actually kahit sa arts talaga na larangan, wala talaga, e, so first ako na napapasok sa arts."

Wala rin daw siyang relasyon sa rich Ayala family.

"I don't think so. Napapagkamalan nga ako, pero actually hindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Lucho na kapangalan niya ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

"Nagulat nga ako, na 'Uy, Lucho din!' Kasi wala pa akong nami-meet na kapangalan ko.

"It's my nickname talaga noon pang bata ako.

"My real name is Edward Francis Ayala. Yung Lucho is nickname ko since bata pa ako."

Mapapanood na ang Blusang Itim sa Lunes, May 16, sa Dramarama Sa Hapon ng GMA 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN