Illac Diaz clarifies "malversation of public funds" case against Angelica Jones

IMAGE 0


In place of the bottle school project na nabinbin, ang inaasikaso ni Illac Diaz at ng MyShelter Foundation (MSF), ay ang "Isang Litrong Liwanag" project, para sa mga mahihirap at walang benepisyo ng power electricity sa Laguna. "Sometimes, naiisip ko, are these worth all the troubles? I can always go back to being a private citizen, na matahimik ang buhay ko, and don't have to work... But then again, hindi ko naman ginusto magkaganito ang sitwasyon.


Philantropist and former actor, Illac Diaz, who is the Executive Director of the MyShelter Foundation (MSF), called PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Wednesday night, May 18, for some clarifications and updates tungkol sa patuloy niyang inilalabang kasong "malversation of public funds" against Laguna Board Member Angelica B. Alarva, o mas kilala bilang si Angelica Jones, former actress-comedienne.

May kinalaman ito sa diumano'y naging kuwestiyonableng paggasta at hindi pagiging "transparent," o hindi tamang cost accounting ng upisina ni Bokal Angelica Jones (o BM Angelica B. Alarva, ng San Pablo City) na dating project partner ni Illac Diaz sa nai-propose na Bottle School Project (BSP) sa San Pablo City, Laguna.

Mahaba na ang itinatakbo ng isyu o usapin, at patuloy ang naiuulat na kontrobersiya sa magkabilang panig.

Earlier, on March 11, sinampahan din ng kasong "grave oral defamation" ni Angelica Jones si Illac Diaz, matapos ang diumano'y matinding alitan na namagitan sa kanila dahil sa repeated requests ni Illac, on behalf of his foundation, na maglabas ng mga resibo si Angelica o ang representative niya, para matukoy ang kinapuntahan ng mga donasyong nakalap ng MSF.

Sa klaripikasyon ni Illac Diaz, nais niya munang i-correct ang naiulat sa pinakahuling artikulong lumabas sa PEP nang umaga ring iyon, May 18. (CLICK HERE to read related story.)

"Hazel Rivera is the treasurer of Angelica Jones; [she is] not the Provincial Treasurer," paglilinaw niya.

Mahalaga ang naging partisipasyon ni Rivera sa naging pakikipag-transaksiyon ng MyShelter Foundation, ugnay sa sinasabing bank book na nasa pangalan ni Angelica Jones at kung saan naipasok, o nai-deposito, ang mga tsekeng nakalap ng foundation mula sa iba't ibang donors.

Ang mga halaga (in millions of pesos) ay laan sa mga kaukulang gugulin, para sa walong bottle schools sa iba't ibang barangay, sa San Pablo City at karatig-bayan sa Laguna.

Ayon sa mga dokumentong naibahagi ni Illac Diaz sa PEP ang plano at proposal hinggil sa BSP ay nagsimula noong Agosto, 2010, at maku-kompleto sana noong Disyembre, 2010, o ang latest, March, 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga buwang nabanggit, nagkaroon ng problema ang pagtapos ng project.

Hindi natapos ang walong bottle schools, ayon sa naitakda, maliban sa iisang eskuwelahang gawa sa mga boteng plastic na nilagyan ng mga lupa at pinagsuson-suson, bilang kaukulang disenyo.

Sa Memorandum of Agreement (MOA) na napirmahan noong July, 2010, sa pagitan ng pamahalaang lokal ng Laguna, as represented by Governor Jorge "ER" Ejercito, at ni MSF Executive Director, Illac Diaz, nakasaad ang mga kaukulang gugulin sa proposed bottle schools, na hindi hihigit sa tatlong daang libong piso ang bawat isa, sa kaukulang sukat ng lupang naipagkaloob ng pamahalaang lokal ng nasabing lalawigan.

Sa umpisa pa lamang ay si Bokal Angelica Jones na ang tumayong "project partner" ni Illac at ng MSF.

Apparently, naging problemado ang sitwasyon dahil bukod kay Ms. Jones ay may bahagi sa naging mga transaksiyon ang ina ni Angelica na si Mrs. Beth Jones. May pakikialam siya, diumano, sa mga donasyon, delivery of materials, at pati sa mga gastos sa construction, kabilang ang pagbabayad sa mga trabahador.

Ayon kay Angelica Jones, madalas magkausap ay ang kanyang ina at si Illac. Na hindi rin daw siya humahawak ng pera o pondong laan sa BSP, kundi ang (City Hall o Provincial) Treasury.

It turned out, ayon din sa pinakahuling statements ni Illac Diaz, may personal na ingat-yaman (treasurer) si Angelica at, kung susuriin, pareho sila ni Hazel Rivera na may pananagutan sa mga bagay na may kinalaman sa pondong laan sa proyekto.

"Dun sa pondong [nagkakahalaga ng] 1.5 [million pesos], may balanseng 500 thousand [pesos], na ipinasok sa City Hall Treasury ng San Pablo. Galing yun sa pondo ng MSF," banggit pa ni Illac sa PEP.

"I heard that one of their points [against me] is that I earned from the sponsors and turned over only a portion of the funds over," sabi naman ni Illac, na madali umanong mapapabulaanan ang akusasyon dahil hawak niya ang mga donation contracts ng sponsors, which amounted to exactly 2.4 million [pesos] na siyang nakasaad sa pirmadong dokumento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Also, they charged me for buying plastic bottles [at cheap prices], yet in all barangays there is a donation box collecting plastic bottles here in Laguna," sambit pa niya.

Pero ang demand ni Illac at ng kanyang foundation hinggil sa proper funds disbursement at cost accounting transparency, mula kay Angelica Jones (at Mrs. Beth Jones), sa kabila ng legal na pamamaraan, ay hindi pinakikinggan at binibigyang-kooperasyon.

"Ang sabi nila, may delivery ng materials; na na-disburse na ang amount. Pero wala kaming na-receive na delivery. Walang resibo ng materyales. Wala pa kaming natatanggap na resibo, kahit isa."

Ganito rin ang tanong ni Illac kay Angelica noong March 11, ang petsang naiulat na diumano'y nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila; na ayon din sa dating comedienne at ngayo'y Bokal sa Laguna, naging malakas ang boses ni Illac at sinabihan siya ng mga masasakit na paratang, na labis niyang ikinapahiya sa harap ng kanyang mga constituents.

Dahilan iyon, diumano, para sampahan niya ng kasong "grave oral defamation" si Illac Diaz.

HARASSED AND BULLIED. Sa loob ng dalawang buwan ay walang ibinigay na statement o ginawang pagtatanggol sa sarili si Illac Diaz laban sa naging akusasyon sa kanya ni Angelica Jones, na naiulat sa print and broadcast TV interviews.

Pero nagpatuloy ang MSF Executive Director sa pagkalap ng mga kaukulang ebidensiya, sa pakikipagtulungan sa NBI (National Bureau of Investigation), upang mapalabas ang mga katotohanan sa naging kuwestiyonableng funds disbursements at billings/cost accounting ng Bottle Schools Project.

Kamakailan, through his lawyer, Alvin Exconde, sinampahan ni Illac at ng MSF, ng kasong "malversation of public funds" si Angelica.

Nauna rito ang pag-terminate ng MSF sa pakikipag-ugnayan kay Angelica Jones, bilang "project partner" para sa Bottle School Project, noong Marso 10, 2011. Since then, ang naging project partner na ni Illac ay si Mrs. Celia Lopez.

Apparently, labis na tinutulan ng mag-inang Angelica at Mrs. Beth Jones ang naging aksiyon ng MSF at ni Illac Diaz. Ang animosity ay humantong sa naiulat na insidenteng naganap noong March 11, 2011 na nagbunga ng pagsasampa ng kaso ni Angelica laban kay Illac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nanatiling tikom ang bibig ni Illac matapos siyang idemanda ni Angelica Jones, sa kasong "gave oral defamation"?

"Unang-una, hindi ako taga-San Pablo. Nahirapan akong i-defend ang sarili ko," sabi ni Illac. "Kumbaga, guest lang ako doon [sa San Pablo City], defenseless. Saan ako maghahanap ng witness?

"It was a remote area; in-attack nila ako. I was bullied into submission.

"Sa site, may mga taong nakakita na may ipinadalang mga pulis doon, na si Angelica Jones ang gumawa," dagdag ni Illac. "Nagpa-interview siya para makuha ang [public] sympathy. Binaligtad ng mag-ina ang [kuwento ng] pangyayari. Walang basehan 'yon [grave oral defamation charge], sympathy play lang ni [Angelica]; ako naman, I was going crazy over [these]!

Dagdag-impormasyon pa ni Illac: "One of the witnesses at the site saw [Angelica's mom] Beth Jones attack me from behind; Angelica shouted and attacked me also.

"There was also a statement by Angelica who said that I grabbed the contract of the bottle school (MOA) and tore it, but the witness swore it didn't happen.

"In fact, the mother (Beth Jones) had it uncrumpled after I left. So, they made a false story of sympathy when [we were] the true victims," sabi rin ni Illac.

May kontra-affidavit si Illac bilang pagpapatunay na ang mga binanggit ni Angelica Jones, sa "grave oral defamation" charge "that I allegedly shamed her, tore the [project] contract, and accused her of stealing provincial funds, existed only in her stories" and that, on that very day the case was filed, "all the harassment came from Angelica Jones' camp.

"I was unfairly tried by the press when [Angelica] threw a 'paid press conference' even before the trial. People there [in Laguna] will tell you that none of these happened," patotoo pa niya.

BACK-UP WITNESS. As Illac Diaz finally mustered enough courage and strength to break his silence and expose what really happened on that day (March 11, 2011), marami ring mamamayan ng San Pablo City, Laguna ang pumanig sa kanya at handang magbigay ng kanilang mga testimonya, laban kay Angelica Jones at sa kanyang mother na si Mrs. Beth Jones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad ng isang residente (identity withheld, as requested), na nasa Bottle School Project site nang maganap ang insidente:

"Sir, ito po ang tunay na nangyari dun sa Bottle School Project ni Mr. Illac Diaz," sabi nito sa PEP. "Ang sinabi lang ni Illac, 'Nasaan ang mga resibo, at semento? Ang 1,200 bags [ng semento]?'

"Biglang nag-hysterical si Bokal Angelica Jones, nagsisigaw, pati yung nanay, si Beth Jones. Tapos nu'n, pinagsusuntok [sa dibdib] ni Bokal Angelica si Illac, habang sinasabunutan siya ni Beth Jones. Pagkatapos ng mag-inang Jones ay sumugod yung kapatid na lalake ni Bokal Angelica Jones [named Arvin Alarva] at sinuntok si Illac. Nasawata lang [sila] ng mga pulis na nandun din sa pinangyarihan.

"'Yan po ang totoong nangyari. Hindi po sumisigaw si Illac. Malumanay ang salita niya, na 'Nasaan ang semento?' At habang ipinaiimpis ni Illac ang [iba pang] semento du'n sa bodega ay lumapit si Beth Jones, sumigaw nang 'Ibalik n'yo ang mga semento, bakit [n'yo] ninanakaw?!' Sumagot yung driver ng truck na 'Hindi ho kami magnanakaw. Ipinapaayos lang po ni Mr. Illac ito...' Pero ibinalik din nila sa bodega ang mga semento...

"Para po silang mga 'Hari' nu'ng oras na yun," sabi pa ng witness ni Illac, patungkol sa mag-inang Angelica at Mrs. Beth Jones.

MORE TESTIMONIES. May iba pang witness na, ayon din kay Illac Diaz, nagpatotoo sa kanya ng tungkol sa naging kalagayan ng Bottle School Project workers "not being paid for months" at ang ginawang pagpu-put up ni Mrs. Beth Jones ng canteen sa site, "selling sardines that were food handouts [for the workers]."

Na-contact din ng PEP.ph ang naturang Laguna resident at witness (name withheld, upon request) who stated:

"I think na-pull out na po ang canteen [ni Beth Jones] sa bottle school project site; actually, ang tinda po kasi du'n ay sliced meat loaf, ginisang sardines with malunggay and papaya, and rice, which is supposed to be pang-Christmas give-away [ni Angelica Jones] for her constituents. Kaya lang po, inipit nila, at ginawang pera..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang buyer po ng food nila ay yung mga workers sa bottle school na hindi nasuwelduhan. Allocation po nila yun, as Board Member, from the budget of the provincial government."

Pinatotohanan din ng witness ang tungkol sa diumano'y kasong nakahain pa laban kay BM Angelica Jones, sa Common Good Government, Ethics and Public Accountability "for abuse of authority, conduct unbecoming and harassment" sa Sangguniang Panlalawigan, sa Laguna.

At 'eto pa ang karagdagang pahayag, mula sa Laguna resident vs. Mrs. Beth Jones.

"Good a.m., Sir. Sa info [na natanggap] ko ngayon, si Ma'am Beth Jones ay under probation na sa kasong Estafa, BP 22 (bouncing checks law) vs. Divina Abril, cousin of former Mayor Boy Aquino. I am not the only one chasing them."

May partikular pang detalye ang witness hinggil sa kaso ng mommy ni Angelica Jones:

"Mrs. Divina Abril, respondent vs. Jovita Banaag Alarva, mother of BM Angelica Jones. Mrs. Alarva was accused of Estafa case & [violation of ] BP 22, filed in 1991, Jan. 25, 95, at the RTC (Regional Trial Court) branch 30 of San Pablo City.

Dagdag-ulat, diumano, may order ang korte, na dapat magbayad si Gng. Alarva ng P32,770 every first Thursday of the month, kasabay ng pagkakulong ng 6 months. Nag-apply nga raw ng probation sa kaso si Mrs. Jones, na na-grant ng korte.

Pero kaninang umaga, dakong alas-nuwebe, nakatanggap uli ng ulat ang PEP:

"Tumakas daw po si [Mrs.] Beth Jones, gamit ang service vehicle ni Angelica Jones kasama po yung boyfriend. Mukha pong natatakot na sa kaso [niya]," sabi pa ng same witness, na hindi lang binanggit kung ang "boyfriend" na tinukoy ay kay Angelica Jones o kay Mommy Beth.

"Napakarami pong kaso ng BP 22 ng mag-inang yan, sa ParaƱaque Municipal Trial Court (MTC) and also in city of San Pablo, Laguna," sabi rin ng witness ni Illac, who knew about an apartelle owned by the Alarvas in ParaƱaque City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang pahabol pa ng witness, diumano, "May lahi pong luka-luka 'yang mag-inang 'yan dahil yun pong mother ni Beth Jones [o ang lola ni Angelica] ay nakakulong dati sa Rizal [province]..."

ACTS OF GOODWILL. Before hanging up, may pahabol pang clarification si Illac Diaz hinggil sa ilang bagay about the project.

Hinggil pa sa sinasabing 1,200 bags of cement na sa pagkakaalam ni Illac ay kailangang buo ang bilang at nasa bodega, sa huli nilang pago-audit ay napatunayang malaking bilang na ang nabawas sa mga 'yon (nasa 300 na lang), samantalang hindi na naipagpatuloy pa ang construction ng bottle schools.

"Naka-padlock ngayon ang bodega namin, hindi pa maituloy ang project, e," malungkot na pahayag ni Illac.

In place of the bottle school project na nabinbin, ang inaasikaso ni Illac at ng foundation ay ang "Isang Litrong Liwanag" project, para sa mga mahihirap at walang benepisyo ng power electricity, na nasimulan ng MSF sa iba pang lugar sa Laguna.

Through all these, parang nakakaramdam ng panlulumo si Illac Diaz at nais bumitiw.

"Sometimes, naiisip ko, are these worth all the troubles? I can always go back to being a private citizen, na matahimik ang buhay ko, and don't have to work.

"But then again, hindi ko naman ginusto magkaganito ang sitwasyon. I just got the wrong project partner... I was helpless, in San Pablo, and gave my trust to Angelica, na ayaw naman kaming bigyan ng liquidity receipts.

"So, inipit nila ako. But this shouldn't affect what we have started, and it doesn't have anything to do with [the aims of my] foundation, in the first place," sambit din ni Illac.

May binubuno mang kaaway na may kapangyarihan sa pulitika, malaki ang pasasalamat ng MSF Executive Director sa mga tumutulong, tulad ng PEP, "For giving me again a space to defend myself... and for the innocent to speak up, after all the lies and gossips... [they have perpetrated]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses sinubukan ng PEP na kunin ang panig ni Angelica tungkol sa mga bagong pahayag ni Illac.

Kahapon ng umaga, May 20, bandang 10:30 a.m., ay tinawagan namin siya sa kanyang cell phone. Bagamat sinagot niya ang aming tawag ay sinabihan niyang kaming tumawag uli pagkatapos ng isang oras.

Tinawagan namin siyang muli, gaya ng kanyang sinabi, bandang 11:40 a.m. Pagkatapos mag-ring ng kanyang telepono ng dalawang beses ay biglang naging busy ang linya.

Tumawag kami ulit ngunit ganun pa rin ang nangyari.

Sa kabila nito, mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Angelica at maging ng kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN