AJ Muhlach and Aki Torio will not leave singing group XLR8 even after bagging roles in Bagets

IMAGE 0


AJ Muhlach (left) and Aki Torio will play Ace Delgado and Hiro Galurain, respectively, in TV5's remake of Bagets.


Wala raw planong umalis sa XLR8 sila AJ Muhlach at Aki Torio kahit na kasama sila sa cast ng bagong teen series ng TV5 at Viva Entertainment na Bagets.

Ayon sa dalawa ay sobrang mahal nila ang P-pop group dahil ito raw ang nagbigay-daan para una silang makilala at mabigyan ng project sa TV.

Sabi ni Aki na nakangisi, "Ayoko naman pong iwan ang group kasi doon kami nag-start.

"Magagalit sa akin ang mga kasama ko kung balak kong umalis.

"Kaya I will will not leave them or else patay ako."

Ang kanilang management office na Viva Artist Agency ang naglagay sa kanila sa cast ng Bagets.

Pero parte pa rin daw ang XLR8 ng mga shows sa GMA-7 gaya ng Party Pilipinas, kung saan nagpe-perform sila tuwing Linggo, at Walang Tulugan with the Master Showman.

Ang nakangiting lahad ni Aki, "Magagalit sa akin si Kuya Germs [German Moreno] kapag umalis ako sa show niya.

"Doon kasi ako nagsimula talaga kaya hindi ko iiwan si Kuya Germs.

"Malaki ang naging tulong ni Kuya Germs sa akin, and he is very happy that I am doing good sa aking career.

"Kaya hindi ko iiwan ang show niya."

Nag-stand out ang Filipino-Japanese teen as Hiro Galura sa ipinalabas na pilot episode ng Bagets sa Podium Cinema noong May 12.

Si Aki ang komedyante sa buong cast.

Kung ano raw ang napapanood sa Bagets ay normal lang daw niyang reaction.

"Gusto kasi ni Direk Mark [Reyes] na natural acting lang, kung ano raw ang normal na reaction ko...Nakakatawa raw kasi ako.

"Sometimes, hindi ko alam that I am funny.

"Natural na siguro sa akin ang maging funny because of the way I talk.

"Okey lang kasi that's me," ngiti uli ni Aki.

Si AJ Muhlach naman ay bini-build up na matinee idol ng TV5 at Viva tulad ng kanyang nakakatandang kapatid na si Aga Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa 1985 movie na Bagets unang nakilala si Aga bilang isang teen heartthrob, at ito rin ang gusto ng mga tumutulong sa career ni AJ para sa kanya.

Si AJ ay gaganap bilang Ace Delgado sa TV series.

"Kahit na siguro ang kalahati ng success na narating ni Kuya Aga ay maabot ko balang-araw," ang ni AJ.

"Napaka-supportive po ni kuya at natutuwa siya dahil isa ako sa bida ng Bagets.

"Alam naman niya na I want to follow in his footsteps.

"Very proud naman po siya sa career ko ngayon.

"Sana nga matuloy ang pag-guest niya sa show namin since nasa TV5 na rin siya."

Hindi nga raw naisip noon ni AJ na papasukin niya ang showbiz.

Kahit na alam niyang nakilala sa showbiz ang kanyang mga half-siblings, gusto sana niya raw na ibang career ang tatahakin.

Pero nasa dugo nga niya ang pagiging artista at ito na raw ang tamang panahon para subukan niya ito.

"There's no harm in trying naman po. Kung talagang may mangyayari, mangyayari. Kung wala, okey lang naman. At least, sinubok natin.

"Nakakatuwa lang po kasi may mga naniwala at nagkasunud-sunod naman lahat.

"Kaya nga po from XLR8, heto at may sarili na tayong TV show.

"Thank you po talaga sa mga nagbigay ng tiwala nila sa amin," masayang pahayag ni AJ.

At tulad ni Aki, hindi raw iiwan ni AJ ang XLR8 kahit ano pa ang mangyari.

"Just like Aki po, hindi ko rin iiwan ang XLR8.

"Pinaghirapan naming mabuo ang group at hanggang sa huli ay magkasama kaming lahat."

Natutuwa siya dahil sa Bagets, mahahasa ang kanyang talento sa pag-arte.

Aniya, "Magandang opportunity kasi itong binigay ng Viva at TV5 sa akin.

"Kaya gusto ko rin na mapatunayan na hindi lang ako sa pagsayaw at pagkanta magaling kundi pati sa pag-arte.

"Unti-unti po, mararating natin ang mga matagal na nating pinagdarasal na mangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ilan pang kasama sa cast ng Bagets ay sila Josh Padilla (anak ni Gino Padilla), Rico dela Paz, Johan Laurens, Shy Carlos, Nadine Ilustre, Star Factor winner Eula Caballero at Meg Imperial.

Kasama rin sila Jao Mapa, Joy Viado, Candy Pangilinan, Bernadette Allyson, Biboy Ramirez, LJ Moreno, Ella Guevarra, Dingdong Avanzado, Aifha Medina, Cheska Inigo at Raymond Lauchengco.

Magsisimula na ito this Sunday, May 15, sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN