Shalani Soledad's "lambingan on air" with Willie Revillame returns via Wil Time Bigtime

Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg">

Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg">

IMAGE Noel Orsal


"What you see on TV, that's how we really are. Talagang mabiro kasi si Willie, e. Masaya lang talaga sa set," says Shalani Soledad about her on-air lambingan with Willie Revillame.


Matagumpay ang naging launching kahapon, May 14, ng show na ipinalit sa kontrobersiyal na Willing Willie, ang Wil Time Bigtime, na live na napanood sa TV5.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press para saksihan nang live ang show sa studio ng Kapatid Network sa Novaliches.

Damang-dama ang excitement sa loob ng studio sa mahigit tatlong oras na airing ng Wil Time Bigtime.

Siyempre, bukod sa host at co-producer ng show na si Willie Revillame, tuwang-tuwa rin ang co-host niyang si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa magandang pagtanggap ng mga tao sa Wil Time Bigtime.

"Masayang-masaya kami. Alam mo, ilang days na itong pinagpupuyatan, pinaghihirapan," pahayag ni Shalani nang makausap siya ng PEP pagkatapos ng show.

"In fact, kagabi, umuwi kami past twelve na. So, talagang pinapaganda namin at pinaghahandaan.

"So, masaya lahat kasi nakita naman natin na worth it yung mga pinagpaguran."

May creative input din ba siya sa konsepto ng Wil Time Bigtime?

"Input in terms of suggestions, meron," sagot ng main lady co-host.

"Pero yung about sa games, nag-team building kami. It was a team effort—from Willie, to our headwriter, sa staff.

"Lahat talaga hiningan ng input, pati yung title ng bagong games."

LOYAL SUPPORTERS. Thankful daw si Shalani sa supporters ng show nila na hindi bumitaw sa pagsuporta, lalo na sa loob ng isang buwan na nawala sa ere ang Willing Willie.

"They who have been sending their prayers, they who have been sending words of encouragement. Salamat.

"I would also like to thank TV5 management.

"Of course, our big boss, Mr. MVP [Manny V. Pangilinan] dahil yung support niya talaga all throughout, talagang ipinaramdam niya sa amin."

Tinukoy ni Shalani na pati mga suweldo nila ay hindi inalis sa kanila.

"Also, when we were off-the-air, inalagaan kami, kasi pati yung aming mga salaries, continuous din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you also to Wil Productions dahil tuluy-tuloy talaga yung pag-aalaga sa amin."

Ano naman ang wish niya para sa bagong show nilang Wil Time Bigtime?

"Sana magustuhan ng mga manonood natin yung mga bagong games.

"Nakita n'yo today yung aming LED flooring, which is [in] most of our games... Fifty percent of the games is based on the LED flooring."

Na-excite ba siya sa bagong features ng show?

"Of course, kasi first time ko ring makakita ng ganitong klaseng flooring na very interactive."

FOLLOWING TV5'S GUIDELINES. Alam ng lahat kung ano ang kontrobersiyang kinasangkutan ng Willing Willie na nag-ugat sa pagsasayaw ng isang six-year-old contestant na parang macho dancer.

Dahil nga rito ay pinatawan ng one month suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Willing Willie.

Pero bago pa magawa ito ng MTRCB ay pinili na ni Willie at ng TV5 na itigil muna ang pag-ere ng show.

Natapos na ang suspension period, pero bumalik nga ang show sa panibago nitong pangalan na Wil Time Bigtime.

Dahil ba sa kontrobersiya, hindi na muna sila nag-a-allow ng minors sa kahit anong segment?

"When that incident happened, TV5 came up with the guidelines regarding dun sa paglabas or pagge-guest ng mga kabataan.

"Of course, we would be following. We will adhere to the requirements and guidelines na ibinigay ng management."

LAMBINGAN ON AIR. Kapansin-pansin din sa programa ang pagbabalik ng sweet moments o "lambingan" nila ni Willie.

Ikinakilig ito ng marami sa studio audience.

Nasasanay na ba si Shalani sa mga biruan nila ni Willie? At biruan lang ba ito o may halong katotohanan na rin?

"No, no...makikita mo talaga na masaya lang kami sa set," sabi ni Shalani, na noon ay napabalitang nililigawan ni Willie.

"Everyone! Saya talaga kasi yun talaga yung disiplina na meron sa amin, na parang talagang close-knit yung family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang niregaluhan niya si Willie ng belt?

"Yes, totoo. It was a goodluck gift."

Sa isang bahagi ng programa ay sinabi ni Willie na hindi raw siya tine-text ni Shalani sa one-month break nila. Totoo ba ito?

"Siya na lang po ang tanungin n'yo. Si Willie na yung tanungin n'yo," iwas na sagot ni Shalani.

Pero may communication ba sila during that time?

"The communication lines naman have always been open. Siya na lang po ang tanungin n'yo."

E, yung sinabi niyang may ka-date na iba si Willie at nagsa-shopping pa sa Zara, totoo ba ito?

"Actually, yung shopping, nabalitaan ko lang yun sa Paparazzi," pagtukoy ni Shalani sa showbiz talk show ng TV5.

IS WILLIE COURTING SHALANI? Ano ang pakiramdam niya na tila hindi naniniwala ang mga tao na wala pang romantikong namamagitan sa kanila ni Willie?

"What you see on TV, that's how we really are.

"Talagang mabiro kasi si Willie, e. Masaya lang talaga sa set."

Paano yung ibang lalaking may interes na ligawan siya? Hindi ba hadlang yung tuksuhan nila ni Willie sa set?

"Kapag may nanligaw sa akin, babalitaan kita."

Paano niya ili-label ang status ng relasyon nila ni Willie?

"Magkasama kami sa Wil Time Bigtime!" natatawang sagot ni Shalani.

May ligawan ba talagang nangyayari?

"Naku, si Willie ang tanungin n'yo niyan."

BIRTHDAY. Nanghinayang ba siya na hindi nai-celebrate ang birthday niya noong April 27 sa show dahil off-the-air sila at that time?

"During my birthday, I guess it's more than enough, dahil lahat sila mayroong surprise party—yung Wil Productions at TV5—na hindi ko ine-expect talaga.

"So, hindi naman ako nanghihinayang because I really had fun during my birthday."

Isa sa mga wish niya noong birthday niya ay makabili siya ng sarili niyang bahay. Kailan kaya matutupad ito?

"Sana this year because I'm saving. So, sana this year matupad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nakikita niya sa kanyang sarili ten years from now?

"Ten years from now, hopefully, sana may mga anak na.

"Tapos yung career natin, in terms of political career, sana magustuhan pa ako ng mga kababayan ko sa Valenzuela pag in-offer ko pa yung serbisyo ko.

"Sana pagtiwalaan pa nila ulit ako.

"Sa TV career, right now I'm focusing on Wil Time Bigtime. Sana magtuluy-tuloy lang din at magtagal yung show."

Mapapanood ang Wil Time Bigtime mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m., at tuwing Sabado, 5 p.m. sa TV5.

Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg">


Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg"> Wil Time Bigtime " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25580/shalani-soledads-lambingan-on-air-with-willie-revillame-returns-via-wil-time-bigtime-" data-desc="Shalani thanks loyal viewers who stuck with them through Willing Willie's crisis." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36d9c1672.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN