34th Gawad Urian: a night of errors

IMAGE 0


Some of the awardees at last night's Gawad Urian: (from left) Brillante Mendoza, recipient of the Dekada Award for his films Serbis, Lola, and Kinatay (2009); Sid Lucero, Best Actor for Muli; Cherry Pie Picache, Dekada Awardee; Coco Martin, Dekada Awardee, and Pete Lacaba, recipient of the Lifetime Achievement Award.


Ang ginanap na 34th Gawad Urian awards kagabi, May 17, sa Marriott Hotel, Pasay City, ay malayo sa matatawag na "successful at ideal staging" ng isang awards night production.

Lalo pa't ito'y ang Urian Awards ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP), na hindi nakilala sa pagkakaroon ng maraming kamalian sa over-all presentation ng gabi ng parangal.

Sa loob ng mahigit tatlong dekada ng pamimigay ng parangal, tila ngayon lamang nagkaroon ng maituturing na "glaring mistakes" ang produksiyon ng Manunuri.

Maitatanong, ito ba ay nangyari dahil hindi "live airing" ang awards presentation?

Ibig sabihin, maipapalabas pa ang "edited version" ng awarding at a later date, sa isang malaganap na cable channel tulad ng Cinema One ng Sky Cable?

Ganunpaman, hindi ito masasabing kabawasan sa integridad ng local film critics group.

At the outset, ang mga pagkakamali sa awards proceedings na nasaksihan ng mga dumalo sa awards venue ay hindi tungkol sa resulta ng mga nanalo sa ilang partikular na kategorya.

Ang mga ito ay sanhi ng technical problems, na ipinamahala ng Manunuri sa Cinema One ng Sky Cable network.

CURABLE MISTAKES. Consider the following:

Sa unang kategoryang Pinakamahusay na Tunog, nang kailangan ng basahin ang pangalan ng nanalo ay wala ang envelope na nagtataglay nito.

Sabihin mang naantala ang paghahatid nito mula backstage, walang nakitang envelope na dumating at sa huli ay binanggit na lamang ni Manunuri member Lito Zulueta ang pangalan ng nagwagi.

"Manunuri naman po ako," sabi ni Zulueta, at binanggit ang winner ng kategorya—"Ang nagwagi, ang tunog ng Limbunan."

Ang pangalan ng naturang winner ay Demster Samarista, na hindi dumalo sa gabi ng parangal.

Kasama ni Zulueta na nag-present ang newcomers na sina Martin del Rosario at Charee Pineda.

Sa kategoryang Pinakamahusay na Pagganap ng Pangunahing Aktres, ang mga presenters ay ang Manunuri na si Dr. Nicanor G. Tiongson at ang veteran stars Anita Linda at Rustica Carpio (last year's Urian best actress awardees para sa Lola ni Brillante Mendoza).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa umpisa pa lamang ay nabanggit na ni Ms. Anita na hindi siya makakapagbasa ng tala ng nagwagi, kaya si Ms. Rustica ang nagbasa nito.

Ngunit ang banggit ni Ms. Rustica ay may "sabay na parangal" o tie for best actress.

Pero isa lang ang binanggit na pangalan ng nanalo—si Fe "Gingging" Hyde para sa Sheika ni direktor Arnel Mardoquio.

Akala ng mga nasa venue ay may kasunod pang pangalan na babanggitin. Ngunit wala na, at nagtagal pa sa entablado ang presenters hanggang matapos ang acceptance speech ni Direk Arnel.

Wala sa gabi ng parangal si Fe.

After the ceremonies, nakausap ng PEP si Zulueta at sinabi nitong iniwasan ng grupo na magkaroon ng "tie awards" sa taong ito.

"Na-identify na ang Urian sa pagkakaroon ng tie awards. This year, iniwasan naman ito," sabi ni Zulueta.

In fact, ang best actor winner this year na si Sid Lucero ay nagkamit ng una niyang Urian award noong 2008 para sa Selda, na ang naka-tie sa parangal ay si Jason Abalos, para sa Endo.

Sa mga kategoryang Pinakamahusay na Sinematograpiya at Disenyong Pamproduksiyon, ang binasang citation ay para sa Best Cinematography, pero ang naipalabas na video footage ng pelikula at pangalan ng mga nominado ay para sa Best Production Design.

Gayunman, itinuloy pa rin ang pagpaparangal para sa Best Cinematography.

Sa takdang sandali ng pagpaparangal sa kategorya ng disenyong pamproduksiyon ay naulit ang napanood ng footage ng mga nasa venue.

Pero naging masaya pa rin ang tumanggap ng parangal na si Christian Linaban ng pelikulang Ang Damgo Ni Eleuteria.

Sa dalawang nabanggit na kamalian, walang nagpahayag ng anumang kadahilanan, o paghingi ng paumanhin, mula sa grupo ng Manunuri at ng taga-Cinema One.

Maaaring dahil hindi iyon sinasadya at ang buong proceeding ay maisasaayos sa editing room, sa naitakdang pagpapalabas ng awards ceremonies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagay na naisatinig mismo ng magkaibigang Cherry Pie Picache at Eugene Domingo.

Sa pag-introduce ni Eugene kay Cherry Pie bilang Actor of the Decade, may palitan sila ng mga salita sa isa't isa na hindi mapapanood ng publiko sa TV airing,

Nagbibiruan sila sa bahaging iyon. Nasa harap ng entablado si Eugene at si Cherry Pie, na naiinip na sa pagtawag sa kanya bilang winner, ay sumisigaw nang pabiro sa kanyang kaibigang actress-comedienne.

Maya-maya ay nagseryoso na si Eugene, saying, "Ito na po ang mapapanood sa TV..." at tinawag na niya si Cherry Pie.

Paglabas ng aktres, patuloy pa rin ang palitan nila ng mga biro na hindi naman offensive sa sensibilidad ng live audience.

Ang ginawang "pagdidirek" nina Cherry Pie at Eugene sa kanilang sarili sa bahaging ito ng seremonya ay pagtukoy na rin sa naging sitwasyon sa simula ng pagpaparangal.

O kung hindi man, bilang "pagtatakip" sa mga naipuntong kamalian ng produksiyon.

Sa isang banda, maaari namang ipag-sentimiyento ng mga tagahanga ni Nora Aunor ang naging "trato" ng mga Manunuri sa kanilang iniidolong superstar.

Ang front cover kasi ng 34th Gawad Urian program ay ang larawan ni Nora Aunor bilang Elsa sa pelikulang Himala (1982) ni Ishmael Bernal. Ito ang eksenang nakaluhod ang karakter at nagdarasal sa aparisyon ng Birhen.

Pero ang mukha ni Elsa, o ni Nora Aunor, ay pinalitan ng isang makabagong digital video camera.

Nagmistulang isang robot, o mula sa outer space, ang karakter ni Nora.

Marahil ay may malalim na kahulugan ang konseptong ito para sa nagpabago ng naturang larawan?

Bilang pagtukoy kaya sa "mahimalang" pagpasok ng indie digital cinema sa bansa?

Pero malamang din na hindi ito kaaya-aya sa paningin ng maraming sensitibong Noranian.

Sa naturang souvenir program cover din ay naka-print ang logo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng pagpaparangal sa taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kaganapang ito, ibibilang pa rin kaya ng mga tagapamahala ng Noranian memorabilia ang latest souvenir program cover sa naturang koleksiyon?

MAINSTREAM STUDIOS "OUT." Matapang ang simula ng talumpati ng kasalukuyang Chairman ng Manunuri na si Dr. Rolando Tolentino, kasalukuyang Dean ng College of Mass Communications ng University of the Philippines.

Sabi niya, "Natatangi ang nakaraang taon dahil sa maraming naging malinaw na bagong tunguhin ng pelikulang Pilipino.

"Una, sa usapin ng makabuluhang pelikula, wala na ang malalaking studio. Indie cinema na ang namamayagpag.

"At kahit pa may tanong sa access at audience, hindi maitatatwa na ito na ang pelikulang Pilipino."

Bilang tagapagtaguyod ng independent cinema sa bansa sa nakaraang dekada at sa pagpapatuloy ng bagong milenyo, kinikilala at binibigyan ng kaukulang respeto ang Manunuri.

Ito'y sa kabila ng pag-iral pa rin ng mga mainstream movie companies, na gumagawa pa rin ng mga pelikulang kinikilala naman ng ibang local award-giving bodies.

BEST FILMS AND PERFORMANCES. Pero ang paninindigan ng grupong Manunuri ay masasalamin sa kanilang mga napiling parangalang pelikula sa taong ito.

Pawang produkto ito ng indie cinema sa Pilipinas, tulad ng mga sumusunod:

Ang Damgo Ni Eleuteria. Pinakamahusay na Pelikula, Direksiyon (Remton Siega Zuasola), Sinematograpiya (Christian Linaban), at Musika (Jerrold Tarog).

Sheika. Pinakamahusay na Pagganap/Pangunahing Aktres (Fe Gingging Hyde), Editing (Willy Apa, Jr. at Arthur Ian Garcia), at Screenplay (Arnel Mardoquio)

Muli. Pinakamahusay na Pagganap/Pangunahing Aktor (Sid Lucero)

Presa. Pinakamahusay na Pagganap/Pangalawang Aktres (Rosanna Roces)

Noy. Pinakamahusay na Pagganap/Pangalawang Aktor (Joem Bascon)

Amigo. Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon (Rodel Cruz)

Limbunan. Pinakamahusay na Tunog (Dempster Samarista).

"INDIE" STAR-STUDDED. At dahil indie cinema ang pangunahing binigyang parangal, karamihan sa mga dumalo sa 34th Gawad Urian ay mga indie filmmakers, writers, and other practitioners.

Sa mga artista, may ilang mga popular na aktor at aktres na bahagi ng indie at mainstream cinema na nagbigay-ningning sa palabas, tulad ng mga nahirang na Actors of the Decade na sina Gina Pareñno, Cherry Pie Picache, at Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaga rin sa venue ang mga nominees, like Tirso Cruz III, Jodi Sta. Maria, Joem Bascon, Meryll Soriano, at Sid Lucero.

At ang mga nominadong indie actors, the likes of Joel Torre, Ronnie Lazaro, Pen Medina, Fanny Serrano, at marami pang iba.

Kasama ni Pip ang misis niyang si Lynn Ynchausti, at kasama naman ni Jodi ang direktor niya sa Chassis na si Adolf Alix, Jr.

FILMS OF THE DECADE AWARDEES. Sa hanay ng mga filmmakers na ang mga pelikula'y binigyang-parangal bilang natatanging Films of the Decade (2000-2009), dalawang direktor lamang ang nakadalo para personal na tanggapin ang kanilang mga parangal:

Isa si Maryo J. de los Reyes ng Magnifico (2003).

Siya ay nagpasalamat sa Manunuri at humiling ng moral support para sa bidang aktor, ang dating child star na si Jiro Manio, na kasalukuyang nasa isang rehabilitation center.

At ang pangalawa ay si Brillante Mendoza para sa Serbis (2008), Lola (2009), at Kinatay (2009).

Si Mendoza ang nahirang na Best Director ng 62nd Cannes International Film Festival noong 2009 para sa Kinatay.

Kabilang naman sa mga hindi naka-attend sa event kagabi sina:

Jeffrey Jeturian, na ni-represent ng aktres ng Tuhog (2000) na si Ina Raymundo. Para naman sa Jeturian film na Kubrador (2006), also a Decade Film awardee, ang tumanggap ng parangal ay ang mga anak ni Atty. Joji Alonso, producer ng pelikula.

Lav Diaz, na ni-represent ng kanyang ina, na magiliw na nagpasalamat sa Manunuri para sa parangal na natamo ng anak na filmmaker, for his films Batang West Side (2001) at Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino (2004).

Mario O'Hara ng Babae Sa Breakwater (2003). Ang anak naman ng producer na si Arlene Aguas ng Entertainment Warehouse ang tumanggap ng parangal.

At para sa Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros (2005), ang naging representative at tumanggap ng parangal ay ang bidang aktor na si Nathan Lopez.

Ang direktor ng obra na si Auraeus Solito ay kasalukuyang nasa France para sa gala premiere screening ng bago niyang indie film na Busong (Fate), na napiling entry mula sa Pilipinas sa Director's Fortnight section ng Cannes International Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ang awards proceedings dakong ika-8:30 ng gabi at natapos makalipas ang tatlong oras na mahigit, o bago mag-hatinggabi.

Ito ay dahil sa maraming mga kategoryang binigyang-pagkilala sa taong ito ng Gawad Urian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN