Marian Rivera has no "identity crisis" even with four different acting projects at the same time

IMAGE 0


"Siguro kahit madami kang ginagawa, as long as ine-enjoy mo talaga siya, at alam mo na ito ay trabaho, trabaho. At the same time, alam mo na kung ano makukuha mo sa trabaho na yun, e, talagang pagsisikapan mo talaga," says Marian Rivera.


Bukod sa epicserye ng GMA-7 na Amaya, abala rin si Marian Rivera sa pagsu-shooting ng dalawang pelikula—ang Temptation Island ng Regal Films at GMA Films, at Ang Panday 2 ng Imus Productions at GMA Films.

Sabay-sabay ginagawa ni Marian ang tatlong proyektong ito, bukod pa sa weekly sitcom niya sa Kapuso network na Show Me Da Manny.

Kaya nga biro ng PEP.ph (Philippine Philippine Entertainment Portal) kay Marian, hindi ba siya nalilito sa dami ng characters na ginagampanan niya ngayon?

Lalo na sa Amaya na sinaunang babae ang role niya, samantalang sa Temptation Island naman ay isang modernong "babaeng bakla" ang role niya.

"Hindi naman... 'Ay, sa Temptation, ako dito si Cristina, malandi ako dito. O, pag Show Me Da Manny, si Marian lang, walang effort.

"Ang pagiging bading, walang challenge 'yan sa akin, bilang bakla naman ako sa totoong buhay!" tawa niya.

Nakausap ng PEP at iba pang piling entertainment editors si Marian sa pocket presscon na inihanda ng GMA-7 para sa aktres at leading men niya sa Amaya.

Kasama ritosina Sid Lucero at Mikael Daez kahapon, May 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.

THE CHALLENGE. "Ito yung challenge talaga sa akin," patuloy ng aktres.

"Kasi yung Temptation Island... Hindi ko sinabing nagawa ko na before, pero for the first time, tinanggap ko 'tong Temptation na si Azenith kasi doon, na ginagampanan ko dun, as Cristina G, e, pinakamalandi sa lahat.

"Maharot talaga siya, which is hindi ko naman ginagawa sa buong buhay ko sa soap opera.

"Pero dito sa Temptation, makikita nila yun.

"Ngayon lang talaga ako nagpa-sexy—na literal na sexy. Pero, sexy na nakakatawa, ginawan ko ng twist.

"Kasi noon, si Azenith, malandi lang siya na sexy.

"Ako, ginawa ko, malandi ako dito, maharot, sexy, pero nakakatawa ako."

Ang role ni Marian ay unang ginampanan ng dating beauty queen at aktres na si Azenith Briones sa original Temptation Island movie na ipinalabas noong 1980.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nagulat na kaya pala niyang gumanap ng gano'ng klaseng role?

"Nakakatawa lang kasi at ease ako, kasi kasama ko sila Lovi [Poe], sila Heart [Evangelista].

"Nagkaroon ng bonding with Solenn [Heussaff], Rufa Mae Quinto, na parang okay lang.

"Tapos, bago pa kasi nagsimula itong shooting ng Temptation, nag-one-on-one na kami ni Direk Chris."

Si Chris Martinez, na direktor ng bagong version ng Temptation Island, ang nagdirek ng critically-acclaimed films na 100 (2008) at Here Comes The Bride (2010).

Kuwento pa ni Marian tungkol kay Direk Chris, "Gusto niya ako ma-meet, na magkita kami, mag-usap kami.

"Sinabi niya mga gusto niya mangyari. Ako naman, sinabi ko yung mga hindi ko kayang gawin sa kaya kong gawin.

"So, hindi naging mahirap para sa akin na mag-adjust.

"Yun nga lang, mahirap nga lang, kasi Ilocos, straight ng straight seven days, nakabilad kami sa araw."

Sa disyerto ng Paoay, Ilocos Norte, kinukunan ang halos lahat ng mga eksena sa Temptation Island.

May proteksiyon naman daw si Marian at ang ibang cast ng pelikula sa matinding sikat ng araw: "Sunblock!"

"Kulang na lang laklakin ko yung sunblock!" tawa ni Marian.

"Wala, e, kasi ang hirap pag nag-sunburn ka. Maghihirap ka din after, masakit.

"So, proteksyon na lang sa sarili, kung ano yung mga dapat."

BABAENG HALOS WALANG PAHINGA. Wala raw reklamo si Marian kahit apat na sabay-sabay ang ginagawa niyang projects ngayon.

Aniya, "Siguro kahit madami kang ginagawa, as long as ine-enjoy mo talaga siya, at alam mo na ito ay trabaho, trabaho.

"At the same time, alam mo na kung ano makukuha mo sa trabaho na yun, e, talagang pagsisikapan mo talaga.

"Hindi naman all the time, e, marami kang projects palagi.

"Dumating din naman ako sa point na dalawa, isa lang project ko.

"E, this time, ngayon, sabi ni Lord, 'Ang tagal mo nang [wala], after Endless Love, ha. O, ito trabaho mo!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Ay, thank you Lord!' Ito, bongga!"

Sa dami ng ginagawa niyang trabaho, may naisisingit pa ba siyang araw ng pahinga?

"Oo naman. Kundi, lagot sa akin si Popoy! Subukan niya!" natatawang biro ni Marian tungkol sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.

"Hindi, example, every Sunday, dapat wala.

"Pero nakikiusap ang Panday, kasi every Thursday and Sunday lang nabibigay ko sa kanila.

"Dahil MWFS, e, nasa Amaya ako. Tuwing Tuesday, nasa Show Me Da Manny ako.

"So, may mga bagay na... Example, Saturday, itong Saturday na 'to, pictorial lang naman ako ng Women's Health.

"So after ng Women's Health, anim na layouts.

"After nun, puwede na akong magpahinga, puwede na akong kumain sa labas, o mag-ano man kasama ng family.

"Meron din naman kahit papa'no. Parang bigyan naman ako ng buhay, binibigay naman sa akin. Hindi puwedeng wala.

"Ngayon, bago ako pumunta dito, nagkita kami ni Dong, nag-lunch kami together, tapos pumunta ako dito.

"Kahit saglit lang, mahalaga magkikita pa din," kuwento ni Marian tungkol sa bonding nila ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN