Lotlot de Leon airs frustration on constant rumors against her mom, Nora Aunor

IMAGE 0


"Parang nakaka-disappoint lang because my mom is in this industry for a long, long time. Pero palaging ang napupuna sa kanya is kung anuman yung sa palagay nila ay pagkukulang niya," says actress Lotlot de Leon in defense of her mother, superstar Nora Aunor.


Itong darating na Sabado, May 21, ay magdiriwang ng kanyang 58th birthday ang Superstar na si Nora Aunor.

Bagamat malayo sa Pilipinas at sa kanyang mga mahal sa buhay, hindi naman siyempre nakakalimutan ng kanyang mga anak na batiin at kumustahin siya lalo na kapag may mahalagang okasyon.

Kahapon, May 18, sa finale press conference ng Nita Negrita, na ginanap sa Tempura Japanese Grill sa Tomas Morato, Quezon City, ay naikuwento ni Lotlot na binati niya in advance ang kanyang ina nang magkausap sila kamakailan sa telepono.

"Binati ko rin siya nung Mother's Day, and actually nag-advance happy birthday na ako," sabi ni Lotlot nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa marami kung may balak umuwi ng Pilipinas si Nora.

Matagal na kasing usap-usapan na babalik ito sa bansa subalit hindi naman natutuloy.

Kaya palaisipan pa rin kung may mangyayari ngang showbiz comeback para sa tinaguriang Superstar ng Philippine showbiz.

Maging si Lotlot ay walang tiyak na ideya kung uuwi nga ba ang kanyang ina.

Tiyak na magsasabi naman daw ito sa kanila oras na masiguro na ang pagbabalik-bansa nito.

HURT BY RUMORS. Sa kabila ng pananahimik sa Estados Unidos ay hindi pa rin tuluyang tinatantanan ng kabi-kabilang intriga si Nora.

Una na rito ang napabalitang diumano'y problema sa isinagawang facial operation na nakaapekto sa boses ng beteranang aktres.

Ito rin ang itinuturong dahilan kung bakit napurnada ang sana'y pagbabalik niya sa Pilipinas para ipagpatuloy ang naudlot na career.

Aminado si Lotlot na nasasaktan siya sa mga naririnig at nababasa niya tungkol sa kanyang ina, lalo pa't wala naman daw ito sa Pilipinas para sagutin o ipagtanggol ang sarili laban sa mga balitang lumalabas.

"Kasi, di ba, minsan, kagaya ko, ang dami kong nakikilala na kahit walang ginagawa ang mommy ko, pero kapag nagsulat sila against her, parang ginagawan na nila ng kasalanan," seryosong pahayag ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan, parang pakiramdam ko, wala naman silang ibang isusulat kundi pamimintas sa nanay ko."

Isa si Nora sa itinuturing na pinakamagaling na Pilipinong aktres base na rin sa tagumpay at kalidad ng mga pelikula na kanyang nagawa mula nang magsimula siya sa industriya nung 1967.

Ilan lamang sa mga hindi malilimutang proyekto niya ay ang Atsay (1978), Ina Ka ng Anak Mo (1979), Bona (1980), Bakit Bughaw ang Langit (1981), Himala (1982), Bulaklak sa City Jail (1984), Ang Totoong Buhay ni Pacita M. (1991), Inay (1993), The Flor Contemplacion Story (1995), at Naglalayag (2004).

Minsan daw ay naiisip ni Lotlot na tila hindi nabibigyan ng kaukulang pagpapahalaga ang mga sakripisyo at pagmamahal na ibinigay ng kanyang ina sa industriyang kinabibilangan.

"Parang nakaka-disappoint lang because my mom is in this industry for a long, long time.

"Pero palaging ang napupuna sa kanya is kung anuman yung sa palagay nila ay pagkukulang niya.

"Bakit hindi ba tayo puwedeng mag-focus sa kabutihan ng nagawa ng isang tao?

"Bakit lagi tayong naka-focus dun sa palagay natin ay faults ng isang tao?

"Meron akong narinig, there is one incident, sabi, 'Nabalitaan ko binili raw ni Nora Aunor si Kenneth [adopted son Nora] ng telepono, cell phone.'

"Sabi nung isa, 'Sigurado ka bang pera niya yung pinambili?'" paglalahad ni Lotlot, na bakas sa tinig ang pagkainis.

"Minsan nakakalungkot na rin sabihin na ganun talaga sa industriya natin."

ASSURING MOM. Iniiwasan na lang daw ni Lotlot na pag-usapan ang anumang intriga tuwing kausap niya ang kanyang ina.

Hangga't maaari ay kumustahan at simpleng kuwentuhan lang ang kanilang ginagawa tuwing magkakausap sila sa telepono, na hindi rin naman ganun kadalas.

"Gusto ko lang siya i-assure na kahit ano pa yung napagdaanan naming lahat, kaming pamilya, ang pagmamahal namin sa isa't isa, hindi nawawala yun.

"Ang respeto namin sa kanya malaki. So, hindi magbabago yun kahit ano pang mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm sure my mom is very happy, and si Mommy naman, alam ko na kahit marami siyang gustong gawin, kaya lang kung minsan dahil sa panahon o sa distansiya, mahirap gawin o mahirap ipakita.

"Pero alam naman namin na kahit saan pa siya magpunta, naiisip niya rin kami—mahal pa rin niya kaming lahat," pahayag ni Lotlot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN