Coco Martin named one of the Decade's Best Actors by the Manunuri ng Pelikulang Pilipino

IMAGE 0


Matinee idol Coco Martin was one of the three recipients of Gawad Urian's Decade's Best Actors, along with Gina Pareño and Cherry Pie Picache. Coco was recognized for his body of work from 2000 to 2009: Tambolista (2007), Jay (2008), Daybreak (2008), and Kinatay (2009).



Malakas ang palakpakan at masigla ang audience sa loob ng Marriott Hotel Ballroom noong gabi ng 34th Gawad Urian Awards, last Tuesday, May 17, nang tawagin bilang isa sa tatlong recipient ng "The Decade's Best Actors" award ang matinee idol na si Coco Martin.

Lalo't ang presence ni Coco sa stage ay sinabayan ng napakalakas na pagsigaw ng "I looove you!" bilang pagbibiro ng aktor na si Sid Lucero, na kapwa nominado ni Coco sa Best Actor category.

Si Sid, na gumanap bilang isang gay lover, ang nanalong Pinakamahusay na Aktor para sa Muli ni direktor Adolf Alix Jr., samantalang nominated si Coco, para sa Noy ng baguhang direktor na si Dondon Santos.

ACTOR OF THE DECADE. Sa kanyang nakamit na mataas na pagkilala bilang Aktor ng Dekada para sa mga taong 2000 hanggang 2009, nakahanay ni Coco Martin—Rodel Nacianceno in real life—ang dalawa pang batikang aktres na sina Cherry Pie Picache at Gina Pareño.

Sa taong ito, hindi ang bilang ng napanalunang parangal sa naturang dekada ang naging batayan ng Manunuri sa pagbibigay-karangalan sa recipients, kundi "for outstanding works."

Sa pananaw ng Manunuri, naging epektibo ang pagganap ni Coco sa mga pelikulang tulad ng Jay (2008) ni Francis Xavier Pasion, kung saang pagganap ni Coco bilang male lover ng pinaslang na TV practitioner ay nagwagi siya ng parangal sa kategoryang Pinakamahusay na Pagganap/Pangalawang Aktor noong 2009.

At sa mga pelikulang Tambolista (2007) at Daybreak (2008), na kapwa idinirek ni Adolf Alix Jr; Kinatay (2009) ni Brillante Mendoza; at Noy (2010) ni Dondon Santos, na pawang nagtamo siya ng acting nominations.

COCO'S SPEECH. Sa kanyang acceptance speech ay taus-puso ang pasasalamat na nasambit ni Coco sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Here's the full text of Coco's speech:

"Sa Urian, maraming maraming-maraming salamat po!

"Sa lahat ng [miyembro ng] Manunuri...napakalaking utang na loob ko po sa inyo dahil sa maikling panahon ko sa industriya, hindi ko po inaakalang magkakaroon agad ako ng ganitong kalaking achievement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga po, ni minsan, nung bata ako, hindi ko pinangarap na maging artista.

"Nagkataon lang po na sa isang pangarap ko, yun ang naging daan...

"Ang pinangarap ko dati, na magpunta sa abroad, at ginamit ko ang pelikula para maging daan ito [para] makapunta ako sa abroad.

"Na ngayon po'y naging dahilan kung bakit ako nandito.

"Gusto ko po sanang pasalamatan ang mga taong naging dahilan kung bakit ako ngayon nandito.

"Ngayong gabi, nandito ako, gusto kong pasalamatan, unang-una, si Direk Dante Mendoza, sa lahat ng mga tiwalang ibinigay niya sa akin, sa lahat ng mga pelikula [na ginawa namin], sa lahat ng suporta at pagtuturo, at gabay na ibinigay niya sa akin.

"Kay Ihman Esturco [Coco's former manager], kay Ferdie Lapuz, kay Mr. Ed Instrella, kay Armando "Bing" Lao, kay Nanay Johven [Velasco], na nawala na po ngayon...

"At sa lahat po ng mga naging direktor ko sa indie—kay Direk Adolf Alix, kay Raya Martin [Next Attraction], kay direk Francis Pasion...

"At sa lahat ng mga artista at mga staff na nakatrabaho ko. Sa mga 'nanay' ko—kay Nanay Gina Pareño, kay Mommy Cherry Pie Picache, kay Ms. Jaclyn Jose—kay Kuya Alan Paule at kay Julio Diaz.

"Maraming-maraming salamat po sa lahat ng gabay na ibinigay Niya sa akin.

"Para po ito sa lola ko, na ngayon ko lang mapapasalamatan sa lahat ng mga award na natanggap ko.

"Dahil every time na tumatanggap ako ng award, gusto ko agad bumaba [ng stage] sa sobrang hiya," nakangiting sabi rin ni Coco.

"Ngayon, sobrang ipinagmamalaki ko, '''La, para sa 'yo 'to!"

Coco turned misty-eyed sa pagbanggit niya ng mga pasasalamat para sa kanyang lola.

"Sa lahat ng paghihirap at pagmamahal na ibinigay mo sa akin, thank you so much...and God bless po sa inyong lahat!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EMOTIONAL. Ayon din kay Coco, sa post-awards interview niya para sa TV5 sa hotel lobby, tungkol sa naging madamdamin niyang acceptance speech, "Medyo nahiya ako...parang ayokong maging madrama at emotional.

"Pinasalamatan ko lang [ang lola ko] sa stage... Ito na yata yung pinakamalaking award na natanggap ko, kaya dun ko na inilabas."

Coco missed mentioning onstage his Noy director Dondon Santos, na kanya ring pinasalamatan afterwards.

Ano ang feeling ni Coco na ka-level niya sa parangal ng Manunuri ang mga respetadong aktres ng industriya, like Gina Pareño and Cherry Pie Picache?

"Ay, masarap po!" sambit ng 29-year-old actor.

"Kumbaga, sabi ko nga, napakabata ko pang aktor para makuha ang ganitong award.

"And then, yung makasama sila, sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng blessings."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN