Maxene Magalona proud of doing her own stunts for My Lover My Wife in Baguio

IMAGE 0


Maxene Magalona gives her brother Frank, a showbiz newcomer, a lot of sound advice on handling himself in the industry. Her way of surviving showbiz intrigue: "I've never had a scandal because I choose not to make pansin the issue."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene Magalona sa last taping day ng My Lover My Wife sa Mabayo Pier sa Morong, Bataan, noong Lunes, May 16.

Ang una naming itinanong kay Maxene ay kung ano ang maituturing niyang most unforgettable na eksena niya sa naturang afternoon soap ng GMA-7.

"Kanina, yung nakahiga ako sa uling... Ano pa ba? A, sa Baguio, I did my own stunts, kunwari mahuhulog ako sa cliff, ako mismo [ang gumawa]!" proud na kuwento ni Maxene.

Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang naturang eksena?

"Ginawa ko na, para tapos na. Mataas, 20 to 30 feet," sabi niya.

"May double, kaya lang yung closer shots ko, ako mismo yung nakasabit."

Ito ang pinaka-dramatic show na nagawa niya.

"'Tsaka ang ganda ng story, lahat-lahat," dagdag ni Maxene.

What has she learned from doing this heavy drama?

"Basta yung basahin yung script na mabuti and read between the lines, kung ano ba talaga yung hinihingi ng character.

"Ang mga dayalog dito, hindi ko pa naman nae-experience sa totoong buhay.

"Araling mabuti yung character."

DRAMATIC ACTRESS. Nagulat ba siya na may mga emosyon pa siyang nahuhugot, lalo na sa crying scenes niya sa My Lover My Wife?

"Hindi ako nagulat, kasi sanay na ako e.

"Talagang iyakin ako, kahit noong bata pa ako," sabi niya.

Kailan siya huling umiyak sa totoong buhay?

"Kailan ba? Nung isang araw lang...hindi ko maalala, e.

"Sa pagod yata. Sa buhay. Hindi, hindi lang yun, parang ..."

Ma-senti ba siyang tao?

"Oo, super!" pag-amin niya.

Nang tanungin ng PEP si Maxene kung sino ang kasama niya nang umiyak siya nang araw na 'yon, tawa lang ang isinagot sa amin ng young actress.

Basta biglaan lang siyang umiyak?

"A, hindi, galing yata ako ng taping nun, parang may natira pa akong emosyon.

"Tapos I was about to get my period, so very emotional ako," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Dala-dala niya ang emosyon niya hanggang pag-uwi?

"Mahirap bitawan, e."

After My Lover My Wife na magtatapos na sa May 27, hindi pa alam ni Maxene kung ano ang next project na ibibigay sa kanya ng Kapuso network.

Pero gusto ba niya ay drama ulit, o fantaserye o comedy naman?

"Kahit ano, kung ano yung ibigay nila sa akin. Ganun naman ako palagi, e," sabi niya.

Ano naman ang dream role niya?

"Kontrabida!" mabilis niyang sagot.

"Never pa akong naging kontrabida at all. Siguro something like...

"E, kasi naman, forever na akong mabait, so para naman something new.

"But I don't wanna do that forever, okay ako sa ganito forever.

"Pero yung pagkokontrabida, just to try something new."

FRANK MAGALONA. Bukod kay Maxene, nasa showbiz din ang iba pa niyang mga kapatid na sina Saab, Elmo, at Arkin. At ang latest nga ay si Frank Magalona, na kasama sa cast ng bagong afternoon series ng GMA-7 na Blusang Itim bilang isa sa leading men ni Kylie Padilla.

Ano ang masasabi niya sa pagpasok ni Frank sa showbiz?

"Very, very proud, sa lahat ng mga kapatid ko.

"Natutuwa ako kasi si Frank yung talagang hindi ko in-expect. Tahimik lang yun, e," sabi ni Maxene.

May iba pang career si Frank bukod sa pag-aartista.

"He designs for FMCC, yung T-shirt company naming," banggit niya.

Nagulat ba siya nang nalaman niyang mag-aartista na si Frank? Kinausap ba siya ni Frank bago ito pumasok sa showbiz?

"Hindi. Sila lang ng mommy ko ang nag-uusap.

"Tapos nung finally nakuha na siya, tuwang-tuwa ako."

Walang hinihinging tip or advice sa kanya si Frank?

"Humihingi naman."

Ano ang ibinigay niyang payo sa kapatid?

"Be yourself, 'tsaka sabi ko, yung mga intriga, know how to answer, yun.

"Tapos pagdating sa acting, basta natural ka lang, ganun."

Wala bang pressure o sibling rivalry sa kanilang magkakapatid na pare-parehong mga artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala at all," mabilis na sagot ni Maxene.

"Pinipilit nga ng ibang tao, pero wala, wala talaga.

"Kasi ako, ang tagal-tagal ko na dito, ten years na ako, e, since 15 ako, hindi ko pa kina-count yung AngTV days.

"Pero since 15 ako, ito na yung ginagawa ko.

"So now that yung siblings ko naman ang nandito, happy ako, happy kaming lahat.

"Basta lagi kong sinasabi, just be yourself.

"And pagdating sa question and answer with the press, answer very nicely, know what to say and what not to say, 'yon.

"'Tsaka always have a pleasing personality and learn how to carry yourself well.

"Kasi being an artista, it's not only about the acting, it's about the whole package."

ON HER MOM MARRYING AGAIN. Payag ba si Maxene na mag-asawa ulit ang mommy niyang si Pia Magalona?

Dalawang taon na kasi ang nakalilipas nang pumanaw ang ama ni Maxene na si Francis Magalona dahil sa leukemia.

"Opo naman!" sambit ni Maxene.

"Kung saan magiging masaya mommy ko, she's still very young, so okay lang sa akin."

Ang mommy niya ay 46 years old pa lang naman, 'ika ni Maxene.

Siyempre, kikilatisin muna raw niya ang manliligaw sa mommy niya.

"Oo, 'tsaka if we see naman na he takes good care of her, e, di okay sa amin."

MAXENE'S BOYFRIEND. Masaya naman ang lovelife ni Maxene with her boyfriend Neil Arce.

May balak na ba silang magpakasal?

"Not anytime soon. But definitely...I'm getting much older so—" bitin na sagot ng 24-year-old actress.

Anong ideal age niya to get married?

"I don't know, but when the time comes na na-feel ko na...

"Pero preferably gusto ko 30, and I'm turning twenty- five this year."

Bago kay Neil ay na-link si Maxene sa Kapuso stars na sina Dominic Roco at JC Tiuseco.

Pero natatawa niyang sabi, "Wala po akong ever inamin dati!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never po kaming naging kami ni Dominic, never pong naging kami ni JC Tiuseco."

Pero ngayon ay in love si Maxene.

"Opo, meron po talaga akong boyfriend ngayon.

"Pero si JC 'tsaka si Dom, never akong nagsabi ng kahit ano na naging kami."

Si Neil lang ang inamin niya?

"Oo, kasi he deserves to be acknowledged.

"Kasi he's very, very nice and he takes good care of me, and he makes me very, very happy."

Sa tingin ba niya, mas okay ang non-showbiz boyfriend?

"It doesn't matter for me, even if you're in the same field, even if you're not.

"It's always the personality that matters, kasi si Neil is also part of... he's also in the limelight.

"His family owns Arce Dairy.

"He's the number one poker player in the Philippines, he owns the Metro Card Club.

"So, he's very, very, popular din in his own field.

"So, you know, it doesn't matter kung kilala ka o hindi.

"As long as you love each other and you take good care of each other, that's what matters."

INTRIGUES. Paano hina-handle ni Maxene ang mga intriga o negative write-ups?

"For me, it's always, you know, as long as you know the truth.

"And that's the reason why in my 10 years, I've never had any issue.

"I've never had a scandal because I choose not to make pansin the issue.

"Hindi ko pinapatulan, hindi naman kailangan, e.

"And I always believe na I'm still in this business, and I still have this career, despite the fact that I've never been a part of an issue.

"Alam kong hindi ko kailangan," sabi ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN