Zoren Legaspi on his 10-year-old twins: "Iyong babae, hula ko mag-aartista; yung lalake, mukhang sa sports."

IMAGE 0


When will showbiz couple Zoren Legaspi (above) and Carmina Villaroel finally tie the knot? "Ha? Huwag muna, mainit ngayon," the actor-director says, laughing.


Three months munang magpapahinga from work si Zoren Legaspi after ng afternoon drama series nilang Nita Negrita na last taping day na sa Monday, May 23, pero hanggang June 3 pa sila mapapanood sa GMA-7 after ng Blusang Itim.

"Ganoon na ang routine ko after each project," nakangiting kuwento ni Zoren sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong last presscon ng Nita Negrita sa Tempura Japanese restaurant along T. Morato in Quezon City last Wednesday, May 18.

"Ginagawa ko iyon para fresh-looking ulit ako sa susunod kong project, na pwedeng baguhin ko ang hairstyle ko depende sa role na gagampanan ko.

"So far kasi, ang Nita Negrita ang emotionally tiring soap na nagawa ko. Pagkakuha ko pa lamang ng script, pinag-aaralan ko nang mabuti at pagkatapos ng isang dramatic scene, nakakapagod talaga.

"Mag-asawa kami rito ni Mira (Lotlot de Leon), pero lagi kaming nag-aaway dahil sa adopted daughter naming si Misty (Lexi Fernandez) at sa anak niyang si Nita (Barbie Forteza) at sa pakikialam ng mother kong si Andrea (Lollie Mara) at sister na si Alex (Bubbles Paraiso) at ni Danica (Diana Zubiri) na gustong sirain ang family ko.

"At ito rin ang time para maka-bonding ko naman nang matagal si Carmina [Villaroel] at ang mga anak naming sina Cass [Cassandra] at Mavy [Maverick], lalo ngayon na school vacation."

At 10 years old ng twins, nakikita ba niyang may susunod sa yapak nila ni Carmina?

"Iyong babae, hula ko mag-aartista. Mahilig siyang sumayaw at kumanta, malambing ang boses niya. Kaya sabi ko kay Cass, kapag nag-artista siya dapat image ni Sharon [Cuneta]. O di kaya, dahil malambing ang boses niya, pwede siyang newscaster na tulad ni Vicky [Morales].

"Pero si Mavy, mukhang sa sports siya, sa ngayon, sumasali na siya sa mga tennis competitions. Next week may semi-finals nga siya sa Toby's in Rizal. Si Carmina, half-hearted pa kung papayagan niya si Cass pero siguro, doon din mapupunta iyon. At ang masasabi ko lamang, magiging stage father ako," natatawang wika ni Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero huwag muna ngayon, kasi Grade 5 pa lang naman sila."

Ang kambal daw, hindi rin maiiwasan na hindi sila nagkakasundo, nakikita ba niya iyon sa mga anak nila?

"Paminsan-minsan ganoon nga, pero napansin ko sa kanila, napakamaunawain nila sa isa't isa. Kapag may pinagalitan kami sa isa sa kanila, ipagtatanggol ng isa.

"Saka kapag may rule kaming ibinigay sa kanila, hindi sila bumabali roon. Di kamukha ko, gumagawa ako ng rule, pero bumabali ako. Hindi mo rin sila mariringgan ng bad words na sasabihin sa isa't isa."

Kung bibigyan ba siya ng chance, gusto niyang magkaroon ulit ng isang talk show?

"Yes, gusto ko ulit mag-try pero gusto ko isang thinking talk show at saka ako lang. Si Carmina kasi, gusto niya iyong casual lang, kaya noong may show kami, madalas kaming nagtatalo dahil hindi kami magkasundo sa mga opinions namin."

Kumusta namang ka-trabaho for the first time ang mga bagets na sina Barbie, Joshua (Dionisio) at Lexi?

"Mababait at tahimik sila. Wala silang reklamo kahit alam mong pagod na sila.

Si Barbie, nakakabawas ng pagod, kasi lagi siyang nakangiti. Kahit ang mga parents nila, naroon lang sila, hindi nakikialam.

Lumalapit lamang iyong mga mommy nina Barbie at Joshua kapag may kailangan sa kanila ang mga anak nila."

Kinulit ng PEP si Zoren kung kailan na sila magpapakasal ni Carmina? Hindi kasi natuloy ang promise noon ng show nilang Love Ni Mister Love Ni Misis na ipakakasal sila pagdating ng first anniversary ng show, pero hindi naman umabot ng one year ang talk show nila.

"Ha? Huwag muna, mainit ngayon," natatawang wikang patapos ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN