Aki Torio, who joins cast of Bagets, is happy people are starting to recognize him: "Gagawin ko pong lahat. Singing, dancing and acting."

IMAGE 0


Aki Torio talks about his childhood dream — to be a policeman. "Yun nga lang po, sa Japan, bawal akong mag-pulis kasi, half-Japanese lang ako. Dapat po kasi pure Japanese. Kaya pilot na lang po. Kaso, hindi pa po ako nag-aaral dahil wala pa po akong oras."


Natural comedian palang talaga si Aki Torio. Isang half-Pinoy at half-Japanese na member ng grupong XLR8 at isa sa cast ng bagong Bagets ng TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Aki sa Viva office noong Huwebes, May 19 at halos karamihan ng kumausap sa kanya ay naaaliw sa kanya.

Three years na rin si Aki sa Walang Tulugan With The Master Showman at regular naman silang featured sa Party Pilipinas. Parehong sa GMA-7 ipinapalabas ang dalawang programa.

Kuwento ni Aki that lately, people have started to recognize him.

"Nakikilala po ako sa group namin, sa XLR8. Pero sa higher na po, uy, sa Walang Tulugan 'yun ah! Ganoon po. "

Kahit nasa Bagets na sa TV5, hindi raw niya iiwan ang Walang Tulugan kunsaan siya nagsimula at sa grupo nilang XLR8. Wala rin daw siyang nararamdamang sapawan or patalbugan sa kanilang limang cast ng Bagets.

"Pantay-pantay po kasi kami. Wala naman po kaming inggitan sa isa't-isa."

Ang parents at kapatid ni Aki ay nasa Japan pa rin nakatira. Nagpapasalamat lang daw siya na walang napinsala sa mga kapamilya niya after the devastating earthquake and tsunami. Pero medyo nagkakaroon na raw siya ng fear dahil ang talagang bahay raw nila, malapit sa ilog.

"Pero kailangan ko pong bumalik, kasi malapit na pong mag-expire ang passport ko — by August po," nakangiti niyang sabi.

Ang term ni Aki sa work ng daddy niya, who is an architect in Japan, ay "nagsusulat ng building."

Ang pangarap naman daw sana niya ay ang mag-pulis.

"Yun nga lang po, sa Japan, bawal akong mag-pulis kasi, half-Japanese lang ako. Dapat po kasi pure Japanese. Kaya pilot na lang po. Kaso, hindi pa po ako nag-aaral dahil wala pa po akong oras."

Pero sa ngayon, enjoy raw si Aki sa pag-arte.

"Gagawin ko pong lahat. Singing, dancing and acting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung meron man crush si Aki sa showbiz, si Marian Rivera raw yun.

Ayon kay Aki, "Sobrang mabait po siya at saka magaling sumayaw."

Dini-dare ng press si Aki kung bakit daw nito nasabing sobrang mabait si Marian at kung nakilala na nga ba niya ang Kapuso actress.

"Nag-guest po kasi ako sa Show Me Da Manny. At kahit nagkamali po ako, nakangiti lang [siya]. Tinuturuan pa niya ko."

Nakakaaliw ang mga reaction ni Aki kaya para siyang pino-provoke ng mga press kung paano ito magre-react. Hindi raw niya nakitang nagtaray si Marian.

"Talaga po? Totoo po ba 'yun? Parang ayoko pong maniwala. Kasi, kasama rin po ako ng Pop Girls, pumasok po kami sa isang dressing room. E, dressing room niya pala. Nakangiti po siya. Nag-sorry kami na lalabas na lang kami. Sabi niya, sige lang, diyan na lang kayo. Tapos magbibihis daw po siya. Kaya sabi namin, sorry po, lalabas na lang kami. Sabi niya, okay lang, diyan na lang kayo. Sa c.r. na lang daw po siya magbibihis. Talagang ang bait talaga ni Marian."

Biniro pa si Aki na kung walang Dingdong Dantes, posible bang ligawan niya si Marian?

"Ay hindi po puwede," nakangiti na sagot niya na tila nahihiya. "Mas bagay po silang dalawa."

Bukod kay Marian, crush din daw ni Aki si Kylie Padilla. Pero sabi namin, may Aljur Abrenica naman na nali-link dito.

"Hindi ko po alam, e," natatawa niyang sabi. "Si Meg Imperial po siguro. Saka siya rin po partner ko sa Bagets."

Minsan pa lang daw nagkaroon ng girlfriend si Aki, sa Japan pa raw yun. Pero na-realize daw niya na hindi niya kayang pagkasyahin ang oras niya sa career at girlfriend.

Type niya raw sa babae ang masayahin.

Tawa ng tawa ang entertainment press sa mga natural reaction ni Aki sa bawat tanong sa kanya. Tulad na lang sa tanong kung virgin pa ba ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, opo!" walang malisya at nakangiti pa niyang sagot.

Kung magkakaroon man daw siya ng experience, ang gusto raw niya, kasal muna sa isang babae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN