Arthur Solinap's family has met Rochelle Pangilinan: "Kapag naipakilala ko sa family, ibig sabihin ibang level na yun."

IMAGE 0


Arthur Solinap describes Rochelle Pangilinan: "Actually, ibang-iba siya. Kasi ang image niya, medyo kikay, maingay. Kapag sa labas ng trabaho, sobrang tahimik. At kapag manamit, lola manamit. E, sa shows, palagi siyang sexy, pero sa labas, hindi. Pero sobrang maalaga siya sa pamilya. Doon din ako na-impress sa ugali niyang yun," he says.


Tuloy-tuloy lang daw si Arthur Solinap sa taping ng Pepito Manaloto habang naghihintay pa sa magiging next series niya sa GMA-7 ngayong magtatapos na ngayong linggo ang I ♥ You Pare.

Sa series, si Arthur ang love interest ni Sarsi, played by Tirso Cruz III (a.k.a. Pip).

"Masaya at saka, lately, nagiging comfortable ako sa mga comedy roles. Galing nga sa Pepito Manaloto, sa mga guestings.

"Tapos si Tito Pip pa, ang tagal ko nang kakilala kaya sobrang kumportable ako sa show," ang kwento ni Arthur sa PEP.ph (Philippines Entertainment Portal).

After being cast in a romantic-comedy na surrounded sila ng gays, mas na-open ba ang pag-iisip niya sa third sex?

Aniya, "Marami naman talaga akong friends na gay. So, hindi ako naiilang kapag nakakatrabaho ko ang mga gays.

"Actually, masaya nga silang katrabaho, e."

When it comes to his relationship with former SexBomb girl Rochelle Pangilinan, mabilis naman ang sagot ni Arthur na okay at masaya pa rin daw sila.

Gaano na nga ba sila katagal?

"Basta hindi na namin iniisip yung kailan pa, kung ano ba... siguro, more than two years na rin kaming lumalabas."

Wala ba silang plans to settle down?

"Wala pa...marami pa siyang pangarap. Actually, ako rin, kaming dalawa, marami pang pangarap.

"At saka, ayokong maging sagabal sa mga goals niya in life.

"Napag-uusapan naman namin yung mga pangarap, mga plano.

"Umabot na rin kami sa point na malalim na ang mga kuwentuhan, sa mga buhay-buhay, okay naman.

"Sinabi ko naman sa kanya na ituloy lang niya ang mga goals niya."

Napag-usapan na rin nila ang tungkol sa kasal?

"Sa wedding hindi pa, more on life," sabi ni Arthur.

"Siguro kung ano yung gusto namin sa kasal, pero hanggang biruan lang.

"Walang seryosong usapan pa sa ganoon."

Minsan ba, sumasagi na rin sa isip niya ang mag-propose?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa, hindi pa sa ngayon. Hindi pa pumapasok sa isip ko, e," sagot ni Arthur.

"Madali na yun. Kapag nakita ko na ang right time, madali ko nang maisip yun, kung paano ako magpo-propose."

Arthur admitted that at first, hindi raw siya yung tipong believer sa kasal.

Aniya, "Actually, tinanong ko nga sa sarili ko if marrying type ako.

"Dati kasi, hindi...siguro nga hindi pa 'ko naniniwala sa marriage dati.

"Hindi ko pa lang siguro kasi nahahanap."

Arthur said he supports Rochelle's decision to leave the management of Joy Cancio.

"Ako naman, nagbigay lang ako ng mga suggestions sa kanya kung sino ang puwede niyang kausapin.

"Sabi ko sa kanya, huwag niya akong tatanungin kung ano ang desisyon niya.

"Dapat manggaling sa kanya yun."

We asked Arthur kung may difference na sa relationship nila after two years.

"Siguro ang difference ngayon, mas lumalim at mas nakikita ko siya.

"Dati kasi, labas lang, dinner lang. Parang mababaw lang.

"Ngayon kasi, mas malalim na. Kasama ko siyang magsimba.

"Naipakilala ko na rin siya sa family, at para sa akin, kapag naipakilala ko sa family, ibig sabihin ibang level na yun.

"Kasama na siya sa family affairs. Nakilala na niya ang mga tita ko, tito, mga pinsan."

Tanong ng PEP: As a girlfriend, how's Rochelle?

"Actually, ibang-iba siya.

"Kasi ang image niya, medyo kikay, maingay.

"Kapag sa labas ng trabaho, sobrang tahimik.

"At kapag manamit, lola manamit.

"E, sa shows, palagi siyang sexy. Pero sa labas, hindi.

"Pero sobrang maalaga siya sa pamilya.

"Doon din ako na-impress sa ugali niyang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN