Zsa Zsa Padilla "free at last" to marry Dolphy; court finally grants her petition for annulment of marriage

IMAGE 0


"I waited for ten years and when it finally happened, I still couldn't believe it. Ang tagal-tagal na kasi, e!" says Zsa Zsa Padilla about receiving a copy of the Decree of Finality which grants her petition of annulment from her marriage to Dr. Modesto Tatlonghari.


Maaari nang magpakasal ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at ang Comedy King na si Dolphy.

Ito ay pagkatapos ma-grant ng korte ang petition for annulment of marriage na inihain n Zsa Zsa sa kanyang dating asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Sampung taon ang pinaghintay ni Zsa Zsa para makuha ang desisyong ito mula sa korte.

"I'm free again... I'm free, at last!"

Ito ang sambit ni Zsa Zsa sa exclusive interview sa kanya ng entertainment editor-TV host na si Ricky Lo. Lumabas ang interview sa column ng Startalk host na "Funfare" sa Philippine STAR ngayong araw, May 21.

Natanggap daw ni Zsa Zsa ang magandang balita noong Huwebes ng hapon, May 19.

Kuwento ni Zsa Zsa, "Our house was being fumigated that afternoon so I stayed inside the car.

"I couldn't believe it! I got the copy of the Decree for Nullity earlier that afternoon and I kept looking at it.

"I kept on saying, 'Ito na ba talaga, Lord? Totoo na ba talaga ito, Lord? Thank you, Lord, thank you!'"

May isang anak si Zsa Zsa sa dentistang si Dr. Tatlonghari—ang singer-actress ding si Karylle.

Ayon kay Zsa Zsa, pinakiusapan siya ni Karylle noon na hintayin muna niya itong makatapos ng kolehiyo bago siya nag-file ng petition for annulment noong 2001.

Unang ikinasal si Zsa Zsa at ang ama ni Karylle sa isang civil ceremony noong August 1980, at pagkalipas ng isang buwan ay ikinasal sila sa simbahan.

Sixteen years old lang noon si Zsa Zsa, samantalang si Dr. Tatlonghari naman ay 35.

Noong 1987, sa edad na 22, ay nakipaghiwalay si Zsa Zsa sa kanyang asawa. Nasa showbiz na noon ang singer-actress.

Taong 1989 naman nang mapaibig ng Comedy King na si Dolphy si Zsa Zsa. At mula noon ay nagsama na sila. May dalawa silang anak na babae.

Noong 2004 ay ini-schedule nina Zsa Zsa at Dolphy ang kanilang kasal sa Las Vegas dahil sa pag-aakalang maaaprubahan na ng korte ang petition for annulment ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi nga ito natuloy.

"It was heart-breaking," sabi ni Zsa Zsa sa panayam sa kanya ni Ricky Lo.

"Everything was set. The invitations had been printed."

Noong 2005 ay naaprubahan na ng simbahan ang annulment ng kasal nina Zsa Zsa at Dr. Tatlonghari. Pero natagalan ang annulment ng kanilang civil marriage dahil sa ilang "technicality."

"I waited for ten years and when it finally happened, I still couldn't believe it. Ang tagal-tagal na kasi, e!" sabi ni Zsa Zsa.

Bagamat anti-climactic na ang final court decision dahil sinabihan na siya ng kanyang abogado tungkol sa "notice of finality" noong December 2010, hindi pa rin makapaniwala si Zsa Zsa nang makuha niya ang "Decree of Finality" noong Huwebes.

Ang unang tinawagan daw ni Zsa Zsa nang makuha niya ang kopya ng dokumento ay si Dr. Tatlonghari.

Sabi niya, "I asked naman Dolphy's permission before I called my 'ex.'

"I really want us to be friends.

"Since he also knew about the 'finality' last December pa, I guess tanggap na rin naman niya 'yon."

Dagdag pa ni Zsa Zsa, "I don't want to harbor ill feelings.

"I'm not the type na mapagtanim. Besides, what for?

"We are not getting any younger.

"It's not healthy to be carrying that kind of emotional burden."

Nang tanungin kung itutuloy na nila ni Dolphy ang naudlot nilang pagpapakasal, ito ang naging sagot ni Zsa Zsa: "No plans yet."

"Up to now, it hasn't sunk in yet," tila hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Zsa Zsa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN