Lexi Fernandez and Bea Binene have reconciled and are friends again

IMAGE 0


Lexi Fernandez (above) Bea Binene had a falling out over Jhake Vargas. They have been ignoring each other for weeks until they decided to talk things out. "So it's better na we both talk na kami lang para maayos namin ang problem. After the talk, okey na kaming dalawa. We're good friends again," Lexi says.


Pagkatapos ngang aminin ni Lexi Fernandez na nagkaroon ng gap ang friendship nila ni Bea Binene nang dahil kay Jhake Vargas, ngayon ay okey na raw sila ni Bea at magkaibigan na sila ulit.

Sa kuwento nga ni Lexi sa final presscon ng top-rating afternoon series na Nita Negrita last May 18 sa Tempura Japanese Restaurant along Tomas Morato in Quezon City, nagkausap na raw sila ni Bea after ng ilang weeks na hindi sila nagpapansinan sa set ng Reel Love Presents Tween Hearts.

Ang sabi ni Lexi, hindi na raw importante kung sino ang unang lumapit sa kanilang dalawa. Ang maganda raw ay nagkaroon sila ng pagkakataon na magkausap nang maayos at maibalik ang dating pagkakaibigan nila.

"Nag-usap po talaga kami ni Bea. Kaming dalawa lang talaga. Masyado na kasing lumaki yung issue tungkol sa amin. Pareho kasi kaming nagpa-interview and we both said something naman na medyo na-misinterpret ng maraming tao.

"So it's better na we both talk na kami lang para maayos namin ang problem. After the talk, okey na kaming dalawa. We're good friends again," ngiti pa ni Lexi.

Pinakanatuwa nga raw ay ang mga magulang nila Lexi at Bea dahil muli na namang bumalik ang pagkakaibigan ng dalawa.

"Alam kasi ng mga mommies namin kung gaano kami ka-close ni Bea noon. Tapos nga biglang hindi na kami friends, kaya medyo na-bother din sila.

"Pero noong malaman nilang okey na kami ni Bea, natuwa naman sila. At least now, okey na kaming mag-work with one another. Hindi na kami maiilang sa isa't isa," dagdag pa ni Lexi.

Ano naman daw ang sabi ni Jhake Vargas sa pagbabati nilang dalawa?

"Hindi ko alam kasi hindi ko naman nakakausap na si Jhake. Tsaka, it's between me and Bea lang naman. Nagkataon na na-involve si Jhake. Kaya for sure, feeling guwapo siya kasi nga nag-start ang issue namin ni Bea because of him, di ba?" tawa pa ni Lexi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I'm sure, natuwa na rin siya na okey na kami ni Bea. Hindi na rin siya maiilang na batiin or kausapin ako ngayon. Sa totoo lang naman, wala namang dapat na gano'ng issue sa aming tatlo. Anyway, tapos naman na iyon kaya let's all be friends na, di ba?"

Ginamit nga ang love triangle nilang tatlo sa storyline ng pagsasapelikula ng Tween Hearts ng GMA Films.

"Sa story namin nila Bea and Jhake, si Bea may gusto kay Jake, pero si Jhake may gusto sa akin. Sabi nga nila, 'Parang totoong nangyari 'yan!' Kaya nagtawanan na lang kami.

"Puwede na naming pagtawanan yung nangyari sa amin ngayon. Kaya okey lang na gamitin nila sa story ng Tween Hearts movie. Sigurado ako, na si Jhake ang pinakanatutuwa kasi dala-dalawa ang partner niya sa movie."

Anyway, mami-miss nga raw ni Lexi ang taping nila ng Nita Negrita dahil three weeks na lang eere ang kanilang series. Naging very close daw silang lahat. Lalo na raw kay Barbie Forteza kahit na siya ang kontrabida nito sa series.

"Kami ni Barbie, we're really good friends. We always look forward sa taping namin. Kahit na bad girl ako sa series, alam naman ni Barbie na trabaho lang ang lahat. After our taping, we hang out as barkada.

"Ever since naman, okey naman kami ni Barbie. Kontrabida rin niya ako sa Tween Hearts, e, but we both get along. Mas naging close kami when we did Nita Negrita. Kaya we both feel so sad na matatapos na ang show. We have good memories of the show at mababait lahat ang mga taong nakatrabaho namin," ngiti pa niya.

Kung papayagan nga raw si Lexi, after ng Nita Negrita ay gusto niyang magbakasyon sa Australia para mabisita ang kanyang ama.

Last year daw silang huling nagkita ng kanyang ama noong magbakasyon siya roon. Pero mabilisan lang daw dahil may mga naka-schedule siyang mga taping noon for Ilumina at Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I really want to take a vacation to see my dad. Okey naman kay mommy (Maritoni Fernandez) pero it depends on my workload. Nag-start na kasi kaming mag-shoot for Tween Hearts: The Movie.

"Though wala pa naman akong bagong show after Nita Negrita, I still need to know the schedule for the shooting para walang problem. I really miss my dad at sana mabigyan ako ng chance na makapagbakasyon to be with him."

Kuwento nga ni Lexi na eight years old daw siya noong maghiwalay ang kanyang daddy at mommy. Hindi raw niya maintindihan pa noon ang nangyayari pero napansin niya na hindi na nga raw umuuwi ang daddy niya sa bahay.

"Before I would always ask my mom kung nasaan si daddy? My mom would give me different answers. Maybe because hindi niya alam kung paano i-explain sa akin. It wasn't until I was 10 or 11 years old na naintindihan ko na ang situation nilang dalawa.

"Hindi naman ako nagalit. Basta tinanggap ko na lang. Constant naman ang communication ni dad sa amin and friends naman sila ni mommy. Kapag may chance nga, nagbabakasyon kami sa Australia to be with him."

May ibang asawa na nga raw ang daddy ni Lexi sa Australia pero wala pa raw siyang kapatid dito. Ang mommy naman daw niya ay wala na raw balak na mag-asawa ulit.

"Yun ang alam ko for now. Mom has no plans daw to get married again. Tama na raw yung kami na lang ng brother ko ang inaasikaso niya. I don't know if she's dating somebody. Siya na lang ang tanungin n'yo siguro.

"Hindi po kasi ako nagtatanong sa mom's personal life. Kung may ikukuwento siya sa akin, hintayin ko na lang 'yon, " pagtatapos pa ni Lexi Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN