Mickey Ablan breaks his silence on "lovers' quarrel" with Iwa Moto

IMAGE 0


After eluding the press for the past few weeks, Mickey Ablan finally grants an interview to air his side on the controversy he and Iwa Moto created on the premises of GMA-7.


Pagkatapos ng insidenteng panunugod ni Mickey Ablan sa townhouse ni Iwa Moto noong Linggo, May 22, kaagad na inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa housemate ni Iwa Moto na si Justine Ferrer kung itutuloy nito ang pagsampa ng kaso laban sa dating kasintahan ng seksing aktres.

Nagpa-blotter na nga raw si Justine sa Quezon City Police Station 10 at pinag-iisipan niyang magdemanda.

Gusto raw kasi niyang mag-file ng TRO laban kay Mickey para hindi na ito makalapit sa kanila.

Nailathala sa PEP Alerts ang insidenteng ito noon ding araw na yun.

Ilang beses tinawagan ng PEP si Mickey para mahingan ng sagot kaugnay sa gulong iyon, pero hindi nito sinasagot ang aming tawag at text.

Nalaman na lang namin sa Twitter account nito na nasangkot pa pala siya sa gulo sa isang party noong Sabado ng gabi, May 21.

Dito ay napukpok siya ng bote sa ulo at kailangan pang tahiin ang malalim na sugat na tinamo nito.

Sa Twitter account naman ni Iwa, napag-alamang lumabas din siya noong Sabado ng gabi, kasama ang kapwa Kapuso actress na si Chariz Solomon at ilang kaibigan.

Tinawagan ng PEP si Chariz para alamin ang mga nangyari.

Lumabas nga raw sila ni Iwa at pumunta sila sa Tides sa may Panay Avenue, Quezon City.

Hindi rin daw sila nagtagal dun, lumipat sila ng Excess sa may Timog Avenue, Quezon City.

Maya-maya, nagpaalam na raw si Iwa na uuwi na siya.

Mag-isa lang daw umalis ang StarStruck alumna at nag-drive ng kanyang kotse.

Mag-uumaga na raw, panay na ang tawag ni Mickey kay Chariz at hinahanap si Iwa.

Wala naman daw siyang masabi dahil ang pagkakaalam niya umuwi na ito.

Noong Linggo ng tanghali na nalaman ni Chariz ang nangyaring panunugod ni Mickey, kaya nag-text daw ito kay Mickey para alamin kung ano nga ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sumagot daw sa kanya gamit ang cell phone ni Mickey, na nasa hospital daw ito at nasa ICU dahil "comatose."

Hindi na pinansin ni Chariz ang text na natanggap dahil tingin daw niya ay hindi ito totoo.

Pagkalipas ng ilang oras, nakatanggap din ng text message ang writer na ito mula sa cell phone ni Mickey na nagpakilalang mommy daw niya ito.

Nasa hospital pa raw ang kanyang anak, pero sasabihan daw niyang tawagan kami.

Isa pang text sa amin, "Yes, nagpunta siya sa townhouse. Just ask Iwa what provoked him. Thank you."

OUT OF LOVE. Kinagabihan, nakatanggap na kami ng tawag mula kay Mickey.

Pumayag na itong magpa-interview sa amin. Magkita raw kami sa Il Terrazo sa may Tomas Morato, Quezon City.

Nadatnan namin si Mickey sa isang snack bar sa Il Terrazo, kasama ang ilang kaibigan.

Ikinuwento niya sa aming kagagaling lang niya ng hospital dahil tinahi raw ang sugat niya sa ulo.

Napaaway pa raw siya bago siya pumunta sa townhouse na tinitirhan ni Iwa.

Duguan pa nga raw ang ulo niya nang pumunta siya sa bahay ni Iwa, ngunit dahil sobrang nami-miss daw niya ang dating kasintahan ay tumuloy pa rin siya.

"Wala akong balak na takutin or everything.

"Ang akin lang, na-miss ko lang si Iwa. Out of love yun.

"So, yun lang na instance na ginawa ko yun," paliwanag ni Mickey sa pagpunta niya sa tinitirhan ng Kapuso star.

Kuwento pa ni Mickey, nag-break nga raw sila ni Iwa noong December. Pero nagkabalikan daw sila noong April nang pumunta sila sa Boracay.

Pagkagaling ng Boracay, nag-away raw sila uli at muling naghiwalay.

Magmula nun, sobrang apektado na raw siya sa breakup nila at hirap daw siyang tanggapin ang kanilang paghihiwalay.

"IT'S MY FAULT." Ang mga nangyaring gulo nila ni Iwa ay kasalanan daw niya lahat, kaya humihingi siya ng paumanhin, lalo na sa mga nadamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nangyari kasi sa kanya, yung mga fault ko, siya yung nadya-judge na mali.

"Na ganito siya, ganito, ganyan. Siya kawawa sa nangyayari sa amin.

"Ako, hindi naman ako artista, so wala naman ako dapat na ipagtanggol ko sarili ko.

"Naawa ako kay Iwa."

Dagdag pa ng mixed martial arts fighter, "Wala kami ni Iwa. Pero in love ako kay Iwa hanggang ngayon.

"Pero, hindi to the point na para manggulo ako.

"Magka-boyfriend man siya, maging happy ako para sa kanya.

"Maging happy ako in a sense na happy siya kasi.

"Pero sana makahanap siya ng lalaki ng mas higit sa akin."

Nilinaw namin kay Mickey kung ano ang ibig sabihin ng text ng kanyang mommy.

Matatandaang sinabi rito na tanungin na lang daw namin si Iwa kung ano ang nakapag-provoke sa anak upang sumugod sa townhouse ng young actress noong Linggo ng umaga.

"Provoke siguro...mahal ko kasi yung tao, e. Nami-miss ko lang talaga yung tao.

"Kasi si Iwa naman, ka-miss-miss naman talaga siya," sagot ni Mickey.

NOT MARRIED. Nang sumugod daw si Mickey sa townhouse ni Iwa, may sinabi pa raw siya na ilalabas na raw niya ang marriage certificate nila para malaman ng lahat ang tungkol sa kanila ni Iwa.

"Hindi kami married," tanggi ni Mickey.

"Sana married kami, pero hindi, e.

"Kung puwede lang, married na sana kami."

Aniya pa, "Hindi ako para mag-threat dahil wala akong ilalabas in the first place.

"Second, mahal ko si Iwa.

"Ang wini-wish ko para sa kanya, maging maayos siya, maging mabuti, maging maganda ang work niya.

"Maging okay siya as a person, mag-grow siya.

"So, hindi ako para mag-threat... Siguro minsan pag nagselos ako.

"Pero hindi naman yung parang high school.

"Ang tanda-tanda ko na, e. Hindi ako nagti-threat."

FOR THE SAKE OF IWA. Kaya raw siya pumayag nang magpa-interview dahil naaawa na raw siya kay Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naaapektuhan na raw ang trabaho ni Iwa dahil sa mga nangyari sa kanilang relasyon.

"Siguro normal yun sa mga tao na nag-aaway, e.

"It so happened na artista siya.

'Yun lang yung mali, yung may mga nabasag na kotse.

"Pero nama-magnify lang kasi, e.

"Si Iwa, mabait na tao iyan.

"May mga nagagawa man 'yan, may mga nasasabi man 'yan, alam ko sa sarili ko, kilalang-kilala ko 'yan.

"Sa four years na nakasama ko 'yan, never niya na-mean na maka-hurt, o makasakit ng ibang tao.

"Totoo kasi siyang tao," saad niya.

Humihingi na lang si Mickey ng paumanhin sa ibang taong nadamay sa gulo nila ni Iwa.

Nagsu-sorry siya kay Justine na nabulabog nang sumugod siya sa kanilang townhouse.

Wala naman daw siyang magagawa kung idedemanda siya ni Justine.

Haharapin naman daw niya ito kung sakali.

Humihingi rin siya ng paumanhin sa GMA-7, sa handler ni Iwa sa GMA Artist Center na si Cris Ojeda dahil nabalitaan daw niyang tumaas ang blood pressure ni Cris at isinugod ito sa hospital.

"May mali ako, inaamin ko lahat yun.

"Mahal ko si Iwa.

"Kailangan ko magpakalalaki. Kailangan ko tanggapin.

"Ang family ko, nasasaktan. Family ni Iwa, nasasaktan.

"Nag-a-apologoize ako sa family ni Iwa. Nag-apologize ako sa family ko.

"Maraming nadadamay," madamdamin niyang pahayag.

Sisikapin daw niyang magkabalikan sila ni Iwa, pero nasa aktres na raw yun kung tatanggapin pa siya nitong muli.

"Ako, tina-try ko, sobra.

"I'm trying to fix this, pero na kay Iwa na lahat.

"I'm trying to fix this in a civil manner.

"Hindi parang yung nangyaring incident kanina, sobrang nagsisisi ako dun.

"Gusto kong maayos ito sa maayos na paraan.

"Mag-start over again, hindi para magkaroon ng gulo or anything.

"Kung magka-boyfriend man siya ngayon, hiwalay kami, good.

"Happy ako para sa kanya. Sana maging happy din siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung sakaling mapagbigyan daw siya at magkabalikan sila uli ni Iwa—yayayain na raw niya itong pakasal.

"Gusto ko na siyang pakasalan. Yayain ko na siyang pakasal," nakangiting sabi ni Mickey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN