Mike Tan hones his acting skills while awaiting big break from GMA-7

IMAGE 0


"Natutuwa ako kasi natuto ako in a hard way. Na ngayon, alam ko na kung papaano siya i-handle. Sabi ko nga, kung hindi sa akin nangyari 'to, hindi ako mag-i-improve. Baka hanggang ngayon, ganoon pa rin ako," says Mike Tan about his showbiz career.


Halos anim na taon na ang nakalilipas mula nang maitanghal bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 2 si Mike Tan.

Sa loob ng panahong 'yon, hindi pa talaga nama-maximize ang puwedeng ipakita ni Mike pagdating sa mga role na ibinibigay sa kanya.

Pero ayon sa young actor, masaya pa rin siya dahil ngayon ay mas nakikita niya ang importansiya ng trabahong pinasok niya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mike kahapon, June 1, sinabi niyang madalas siyang matanong kung nanghihinayang ba siya na pagkatapos niyang manalo sa artista search ng GMA-7 ay hindi pa siya nabibigyan ng sapat na oportunidad.

"Actually, natutuwa rin po ako na ganoon ang nangyari," nakangiting sagot dito ni Mike.

"Although, may panghihinayang noong nandoon na ako, hindi ko pa na-grab.

"Natutuwa ako kasi natuto ako in a hard way. Na ngayon, alam ko na kung papaano siya i-handle.

"Sabi ko nga, kung hindi sa akin nangyari 'to, hindi ako mag-i-improve.

"Baka hanggang ngayon, ganoon pa rin ako."

THE REALIZATION. It took years din daw bago nag-sink in sa kanya ang trabahong pinasok niya.

"Ang alam ko lang noon, kahit sa workshop, kailangan ko lang gawin 'to para mag-improve.

"Hindi ko alam kung paano ko pa rin gagawin. Hindi ko pa rin maintindihan.

"Hanggang sa gumawa ako ng play, yung Pamaypay, Kutsilyo at Yantok under Tanghalang Pilipino.

"Pero simula po nang maturuan ako ni Tata Nanding Josef, nang mag-monologue kami, doon ko nagsimulang malaman kung ano ang importante sa akin.

"Doon ko na-realize kung gaano ko kamahal ang trabahong ito.

"May pinapagawa siya sa akin. Ang sakit kung iisipin, pero sinabi niya sa akin na, 'Kung hindi mo ito magagawa, wala kang karapatang maging artista.'

"Nagawa ko po siya at naging maganda po ang reaction ng mga nanood kaya, yun po, sobrang natuwa naman po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas iba na nga raw ang mindset niya pagdating sa kanyang career ngayon.

"Mas iba po ang focus ko ngayon pagdating sa acting," sabi ni Mike.

"Every time na may scene, mas maganda kung nababasa ko agad ang script.

"Iniisip ko kung paano siya gagawin, pag-atake, pag-deliver, kailangan alam ko.

"Dati hindi ako conscious kahit sa camera, kung saan nakapuwesto.

"Kaya ngayon, mas aware ako. Mas kumportable rin ako na mag-throw lines muna.

"Ngayon, mas seryoso talaga."

Ngayon lang ba niya na-realize na magseryoso sa trabaho?

"Well, ang tingin ko po do'n, parang galing mag-aral, galing sa walang alam sa showbiz, sa simbahan lang, biglang napasabak lang.

"Sa akin, gusto ko ang pasok ng pera, pero hindi ko alam. Hindi ko alam paano i-sustain," sabi ng dating sakristan.

CAPTAIN BARBELL. Si Mike ay si Teban at Anino sa fantaserye ng GMA-7 na Captain Barbell.

First time daw niyang sumabak sa action.

"Ngayon, ipinapakita na naguguluhan na, may mangyayari po sa character ko rito [Captain Barbell]."

Natutuwa raw siya sa impact ng character niya, lalo na sa mga bata.

Kuwento nga ni Mike, "Actually, yung mga bata po, masaya naman ako, minsan out-of-town show, magtatanong ang mga tao, 'Kaya mo ba talagang tumagos sa wall?'

"Sasabihin ng mga bata, 'Kuya Teban, patingin ng powers mo,' or 'Anino, patingin.' Minsan naman 'shadow,' ini-English nila.

"Masaya kasi iba ang tingin nila sa 'yo. Parang bumabalik yung dati.

"Palagi rin po ako sa mga Silka event nationwide.

"Like this Saturday, nasa Dumaguete naman po ako, ako yung nagse-serenade sa mga contestant.

"Yun po, nakakatuwa, ang daming nakaka-recognize," kuwento niya.

Nanghihinayang naman si Mike sa hindi pagkakatuloy ng drama series nila noon ni Maxene Magalona. Leading man sana siya ro'n kung natuloy.

Pero iniisip na lang daw niya na may darating pa ring kapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEADING-MAN MATERIAL. Kung sa hitsura lang din ang pagbabasehan, puwedeng-puwedeng i-groom si Mike bilang leading man ng Kapuso network.

Umaasa rin ba siyang darating ang panahong 'yon sa kanya?

"Para sa akin, ang tingin ko, lahat naman siguro ng artista, pinangarap na maging leading man, maging bida sa isang soap.

"Siguro sa akin, naghintay lang ako at hanggang ngayon, naghihintay lang ako.

"Sa akin, trabaho basta may kaya akong gawin. Kaya kong maipakita yung kakayahan ko.

"Nandoon ako palagi na kailangan kong mai-prove palagi yung sarili mo sa kahit anong ibigay nila sa 'yo.

"Kung kaya mong sobrahan, sobrahan mo. Nandoon ako stage na yun."

Ilan sa StarStruck winners na nai-launch na ng Kapuso network ay sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Jackie Rice, Aljur Abrenica, Kris Bernal, and even the late Marky Cielo.

Kapag nakikita niya yung ibang winners ng StarStruck na nagkaroon na ng launching projects, ano ang napi-feel niya?

"Sa totoo lang, hindi na ako magpakaka... I mean, nakakainggit," pag-amin ni Mike.

"Nakakainggit kasi alam mo sa sarili mo na, siguro... Alam ko sa sarili ko na kaya ko rin naman.

"Siguro, naghihintay lang ako. Naghihintay pa rin ako.

"Kailangan ko lang sigurong paghandaan para kung ibigay nila sa akin, hindi ako magsisisi na ibinigay nila.

"Sisiguraduhin ko na kaya ko kahit anong ibigay nila," seryosong pahayag ni Mike.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN