Part I. PEP EXCLUSIVE Jolina Magdangal describes Mark Escueta's wedding proposal to her as "magic"

IMAGE 0


"Naiisip ko, sana hindi ito panaginip. Sana walang gumising sa akin, sana totoo. Tapos habang tumatagal, pauwi ng bahay, kinabukasan, tinitingnan ko ulit yung ring. Kapag natutulog ako, dapat may nararamdaman akong tumutusok-tusok. Iba, iba ang feeling..." says Jolina Magdangal about the engagement ring that Mark Escueta gave her.


The wedding proposal happened on May 21, 2011, and the announcement was made on June 5, 2011 at Party Pilipinas.

Bagamat naghintay muna sila ng dalawang linggo bago ipaalam sa publiko ang kanilang engagement, hindi naging maramot ang multi-media artist na si Jolina Magdangal at ang musician na si Mark Escueta sa pagbabahagi ng napakaimportanteng kaganapang ito sa kanilang relasyon.

At ngayon nga ay handa na silang ibahagi sa publiko, lalo na sa kanilang mga tagahanga, kung paano naganap ang wedding proposal ni Mark kay Jolina.

Kahapon, June 6, ekslusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Trinoma Mall ang soon-to-be bride and groom na sina Jolina at Mark.

Kahit ilang linggo na ang nakalilipas, kitang-kita pa rin sa aura ng dalawa ang kilig dulot ng marriage proposal at pagmamahal nila sa isa't isa.

TELLING THE PARENTS. The proposal was secretly and romantically planned by Mark himself.

Kailan sinimulan ni Mark ang planong wedding proposal at gaano niya ito katagal pinagplanuhan?

"From the start naman, inisip ko na yun. Pinag-ipunan ko lang kaya tumagal!" natawang sabi ng Rivermaya drummer

"Pero alam ko na, matagal ko nang iniisip. Siyempre, sasabihin ko muna sa parents niya."

Jolina's parents, Jun and Paulette Madangal, are staying in Tagaytay, managing their restaurant there. Timing daw na umuwi sila sa Manila at nagkataong bumibisita si Mark kay Jolina sa bahay nila dito.

Kuwento pa ni Mark, "Nasa akin na kasi ang ring no'n. May na rin that time.

"Sakto naman na may pinakuha si Jolina sa akin sa mommy at daddy niya.

"Pero bago ako bumaba, nag-text na rin ako sa kanila na meron nga akong ipapaalam.

"Sinabi ko na more than two years na kami. Plano ko nang mag-propose kay Jolina.

"Siyempre, nagulat sila.

"Tapos, ipinakita ko ang ring sa mommy niya. Natuwa naman si Tita Paulette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, sabi niya, 'I guarantee, iiyak siya [Jolina].'

"Tapos sabi niya, 'Ipakita natin kay Daddy.'

"Happy naman sila.

"Tapos, nag-thank you sila sa akin kasi mula naman noong umpisa, trinato nila ako na...naramdaman ko na part of the family ako agad."

Pinatotohanan naman ito ni Jolina, na at that very moment ay hindi itinatago ang kilig na nararamdaman, lalo na't naririnig niya ang mga sinasabi ni Mark.

Ayon kay Jolina, "Minsan nga tinatanong siya [Mark] sa akin. Basta, kinakamusta siya agad.

"Tinatanong kung meron akong show. Kasi gusto ni Daddy, siya na rin ang magpi-picture sa akin. Yun."

Ano naman ang naging reaction ni Daddy Jun?

"Ano rin, natuwa. Nakangiti siya agad," sagot ni Mark.

"Sinabi ko naman na wala pa namang details.

"Siyempre, hindi pa nga siya [Jolina] umo-oo.

"Pero noong magpaalam ako sa parents niya, hindi ko pa rin alam kung kailan ako magpo-propose.

"Yun lang, sinasabi lang nila that they are happy for the both of us."

Magaling din daw magtago ng sikreto ang parents ni Jolina dahil wala silang naging pahiwatig sa actress-singer na may alam sila.

Bumalik din daw kasi ng Tagaytay ang mga ito nang madaling-araw.

Ayon kay Jolina, "Sila Mommy, feeling ko, gusto rin nila ang moment na akin, yung ma-surprise ako.

"Wala akong [idea]... Kahit sa PPL Entertainment, sa parents niya, sa mga kapatid niya, sa family ko, wala."

Pero bago ang parents ni Jolina, ang daddy raw Mark na si Mr. Eduardo U. Escueta, vice chairman and commissioner of National Police Commission, ang unang taong pinagsabihan niya ng kanyang intensiyon na pakasalan na si Jolina.

Ayon kay Mark, "Ang daddy ko kasi, siya yung madalas magtanong sa akin na, 'O, ano na ang plano n'yo?'

"Talagang tinatanong niya ako kung ano ang plano.

"Sinasabi na nga, siya na raw ang bahala sa gastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sinabi ko nga sa kanya na nahanap ko na yung ring na gusto ko. At tingin ko, magugustuhan din niya.

"Sumunod ang mom ko [Mrs. Rockey P. Escueta].

"Actually, noong kinuha ko ang ring, sinamahan ako ng mom ko at sister ko.

"Lahat sila, happy."

THE ENGAGEMENT RING. At 35 years old, si Mark ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Kung sakali, siya rin ang unang mag-aasawa sa kanila.

Siyempre pa, proud na suot-suot ni Jolina ang engagemeng ring na ibinigay sa kanya ni Mark noong gabi ng May 21.

Ayon kay Mark, matagal niya itong hinanap.

"Ano kasi kami, since from the start, yung common sa amin talaga, gusto namin, kung ano ang gagawin namin, basta simple.

"Yung slogan namin—simple at masaya," nakangiti niyang sabi.

Dagdag niya, "Naisip ko, pagdating sa ring, alam ko na kapag nakita ko, simple lang din siya.

"At the same time, nai-imagine ko na, siyempre, magustuhan din niya."

Hirit naman ni Jolina habang natatawa, "Hindi naman ako choosy, e. In fairness!"

Nang makita na nga raw ni Mark ang para sa kanya ay "perfect" engagement ring, meron lang siyang ilang pinabago at may phrase na ipina-emboss sa loob that says, "Ikaw buhay ko..."

Sabi pa ni Mark, "Actually, nahirapan nga ako. Marami pa kasing puwedeng ilagay ro'n.

"Pero para sa akin, yun kasi talaga ang nagde-describe ng lahat."

THE ONE. No specific date daw para sa kanila para sabihin na yun ang unang araw na naging sila.

Ang binilang daw nila ay nang magkakilala sila, which is two and a half years ago na nga.

Ayon kay Mark, "Kahit yung mga kaibigan ko, tinatanong ako, sinasabi ko na first time ako na ma-in love na ganito.

"Siyempre, pareho naman kaming may past, pero totoo yung sinasabi nila na malalaman mo talaga kapag siya na. Malalaman mo talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi mo pa yun naramdaman before."

Sinegundahan ito ni Jolina sa pagsasabing, "Oo, totoo. Kasi minsan, sinasabi mo sa sarili mo, alam mo, siya na. Pero, ikaw lang ang nakakaalam ng totoo.

"Ang daling sabihin na siya na, pero ang sikip ng dibdib mo. Ang sikip ng dibdib mo pag-uwi mo."

Sabi naman ni Mark, "Yung iba nga, umaabot ng six years, ten years na engaged, pero hindi pa rin sila sigurado."

Naalala ni Jolina noong unang beses silang nakita ng karamihan ng mga kaibigan nila sa showbiz sa birthday party ng kanyang manager na si Perry Lansigan.

Isa ang namayapang talent manager na si Wyngard Tracy sa nagsabing nararamdaman nito na sina Jolina at Mark na ang magkakatuluyan.

Kaya kung buhay pa raw siguro si Wyngard, sigurado raw si Jolina na isa ito sa masaya para sa kanila.

CLUELESS. Clueless naman daw si Jolina na noong araw na mag-propose si Mark sa kanya ay may espesyal at sorpresang magaganap.

In fact, kahit daw matagal na palang dala ni Mark ang ring, hindi man lang siya nakahalata o nakaramdam sa plano nito.

"Manhid yata ako!" sambit ng 32-year-old actress-singer-TV host.

"Wala akong kakutob-kutob noong araw na yun.

"Alam mo kung bakit? Noong hapon pa nga na yun, meron kaming mga pinagkukuwentuhan na mga proble-problema sa mga bagay-bagay...hindi sa aming dalawa, ha.

"May mga pinagdidiskusyunan pa kami na mga nangyayari sa paligid namin.

"So, wala talaga akong kakutob-kutob.

"Then, nag-aya siya kung gusto kong mag-dinner.

"Sabi niya, parang late na raw yata para ma-ready sa bahay nila.

"So, sabi niya, 'Parang gusto kong mag-burger.'

"Sabi ko, 'Alam mo na! Kung ano ang gusto natin kapag burger.'

"Pero matagal na naming gustong mag-park."

Tatlong beses na raw supposedly sila nagpaplanong magpunta ng park, pero hindi natutuloy.

Madalas, ang reason ay dahil sa weather.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mark, "Yung araw na yun, hindi ko pinilit.

"Medyo pangit din ang weather ng araw na yun. Ulan nang ulan.

"Isa sana sa plano, sa UP (University of the Philippines), sa Sunken Garden."

Nagtataka na raw si Jolina kung bakit lately, bago ang proposal, palaging pinapansin ni Mark ang pag-ulan na dating hindi naman nito ginagawa.

Ani Jolina, "Pero still, hindi pa rin ako nakaisip.

"Tapos, day after niyang mag-propose, saka ko lang nakita ang post niya sa Facebook na, 'No rain tonight' at 'Thank God it didn't rain!'" natatawang kuwento ni Jolina.

May bahagi rin ang scrapbook na ginawa at ibinigay ni Mark kay Jolina sa naging proposal nito.

Kuwento ni Jolina, "Yung scrapbook, palagi ko yun tinitingnan.

"Kapag minsan nalulungkot ako, or kung anuman ang iniisip ko na mabigat ang loob ko, tinitingnan ko yun para gumaan ang loob ko.

"Or kapag wala siya [Mark], out-of-town, parang tinitingnan ko yun kapag nami-miss ko siya."

Ayon naman kay Mark, "Actually, noong una, hindi ko pa alam ang gagawin.

"Pero definitely, ang gusto ko, kaming dalawa lang.

"So, definitely, hindi siya TV. Hindi siya restaurant.

"Basta ang gusto ko, kaming dalawa lang.

"Kasi, bukod do'n sa proposal, yung wedding, for everyone na yun.

"Gusto ko yung kami lang.

"Hindi ko pa rin alam kung paano.

"May cabinet kami na maliit na nandoon ang mga gamit namin."

"Relationship cabinet" daw ang tawag nila rito.

Patuloy ni Mark, "Nandoon ang scrapbook na ibinigay ko sa kanya, two years before pa.

"Tapos, nakita ko, may tatlong blank pages pa.

"Kaya dalawa ang itinatago ko—yung scrapbook at saka yung ring."

Hindi rin daw napansin ni Jolina na "kinupit" ni Mark ang scrapbook sa relationship cabinet nila.

THE ACTUAL PROPOSAL. Kinuha na rin daw ni Mark na pagkakataon ang pagbili ng burger sa Tropical Hut para makabili siya ng wine na hindi alam ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay ikinuwento na niya kung paano naganap ang proposal niya kay Jolina.

"Inaya ko na siya sa [Tahanan Village] park.

"Tapos, yun ang unang beses na lumabas yung moon.

"Hindi na rin siya nagtaka na dala ko ang tripod at camera na malaki.

"Bago pa yata kami kumain, nag-setup na ako ng camera. Tine-testing-testing ko na.

"Tapos, kumain na kami. Dala ko ang iPod ko para may music na mai-play.

"After kumain, sabi ko, 'May surprise ako sa 'yo.'

"Pumunta ako sa car, kinuha ko ang scrapbook.

"Nagulat siya na nasa akin.

"Tapos, magkatabi kami, tapos tiningnan namin from the start.

"Yung sa unang dalawang pages, may sinulat lang ako.

"Yung pangalawa, medyo naluluha na siya.

"Yung third page, may picture ng kamay ko na nakabukas yung palm. Tapos, nakapatong ang ring sa picture.

"Medyo naluluha pa nga siya kaya hindi pa niya nakita.

"Kaya noong luminaw na, lalo pa siyang naiyak.

"Nasa lap namin ang scrapbook at nasa ilalim ang kamay ko.

"Pagsara, nandoon na agad ang ring."

Natatawang kuwento naman ni Jolina, "Alam mo ang reaction ko? 'Ay!' Tapos, naiyak na ako.

"Tapos mamaya, paluhod na siya, naisip ko, 'May langgam dito, ano ba 'to?'

"Kaya noong sinasabi niyang 'Will you marry me?,' wala pa ang 'me,' 'Oo, yes,' na ako!

"Iyak lang ako nang iyak."

IT'S LIKE MAGIC. Paano ba ilalarawan ni Jolina ang eksaktong naramdaman niya nang sandaling yun?

"Sabihin niyo na sa akin na baduy or anuman, at alam ko na yun na yun—magic. Magic talaga.

"Hindi mo mae-explain kung papaano.

"Parang siguro sa nanay, hindi mo mararamdaman ang sakit kapag nanganganak ka.

"Lalo na siguro na hindi mo ini-expect, wala kang kakutob-kutob... Iba, iba.

Kuwento pa ni Jolina, "E, di nabigay na niya [yung ring], sinabi na niya, 'Huwag kang mag-alala, alam ito ng parents mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong sine-setup niya ang camera, napapatulala ako.

"Naiisip ko, sana hindi ito panaginip. Sana walang gumising sa akin, sana totoo.

"Tapos habang tumatagal, pauwi ng bahay, kinabukasan, tinitingnan ko ulit yung ring.

"Kapag natutulog ako, dapat may nararamdaman akong tumutusok-tusok.

"Iba, iba ang feeling na kahit alam ko na, kahit kami na ang mangsu-surprise sa Party P, sa mga tao, parang mapapaluha ka pa rin at naise-share mo sa mga tao.

"Na baka nang araw na yun, may pinagdadaanan sila, ma-uplift man lang sila ng time na yun."

Hindi napigilan ni Jolina na muling maluha during the interview.

Aniya, "Para sa akin, do'n ko napatunayan na itong taong ito, e, siya na ang hinahanap ko.

"Maraming pagkakataon, maraming ibinigay sa akin na sign.

"Na ito ba ay magiging kakampi ko kapag ganito na ka-down ang situation.

"Hindi ko sinabi sa kanya na parang yun ang nagiging basehan ko, at hindi ko naman gustong magkaroon ng basehan talaga.

"Nagkataon lang na sobra na akong ganito.

"Mababaw man or malalim na sitwasyon, tumaba man ako nang bongga or magkamali man ako ng galaw, hindi ba ako idya-judge nito?

"Nagawa niya yun sa akin, and still, hindi pa rin ako nag-e-expect. Mahirap, e.

"Mahirap mag-expect kaya rin siguro ako ganoon na na-surprise dahil hindi ko inaakala na noong time na yun siya magpo-propose."

THE ANNOUNCEMENT. Ang mommy raw ni Mark ang unang nakaalam na nag-propose na siya kay Jolina.

Nang bumalik daw sila ng bahay nina Mark, ipinakita ni Jolina ang engagement ring sa magiging mother-in-law niya.

Binati raw siya nito at niyakap.

Umiyak din daw ang best friend ni Jolina na si Jepoy nang ipagtapat niya ang naganap.

After their announcement on Party Pilipinas, tila lahat ay masaya para sa kanila.

Tinanong ng PEP sina Jolina at Mark kung ano ang feeling na positive halos lahat ang reaction sa engagement nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jolina kay Mark, "Kanina lang, pinag-uusapan natin, di ba? Noong biyahe?

"Sabi ko, 'Alam mo, in fairness, lahat happy sa atin. Hindi sila naartehan sa Party P na OA na OA naman.'

"At saka, ayoko rin naman na lumabas na showbiz."

Ayon naman kay Mark, "Actually, malaking part din ng pag-announce namin, para sa fans niya.

"Lalo na siya, sobra siyang thankful sa kanila.

"Talagang malaking part no'n, para sa kanila dahil buong buhay nila halos, kasama niya ang fans niya.

"Kung meron man dapat makaalam ng ganoon kaimportanteng bagay, sila yun."

The funny part is talagang ang gusto raw ni Jolina, sila ang mang-surprise sa lahat, kahit na sa ilang staff ng Party Pilipinas, sa mga fans, at sa mga kaibigan nila.

Kaya nang maging guests noong Sunday, June 5, ang mga kaibigan niya since Ang TV days na sina Roselle Nava at Jan Marini, buong-akala raw ng mga ito, surprise guests sila for Jolina.

Walang ideya ang mga ito na sila actually ang masu-surprise sa announcement ng engagement ng kaibigan kay Mark.

Pahayag ni Jolina, "Kami kasi ang magkakasama, mga dalaga pa ang mga 'yan.

"So, in a way, kahit na hindi kami palaging nagkikita, yun ang mga barkadang nakagisnan mo naman sa showbiz, siyempre, alam mo ang naging buhay nila at alam nila ang sa akin.

"Nagkaroon kasi ng time na nag-reunion kami, parang ako lang ang time na walang partner. Parang nag-aalala sila.

"Kaya, di ba, sabi ni Jan, 'Kami ang nagwo-worry sa 'yo.'

"So, may mga moment na kami na ganoon.

"Kaya sabi ko, kailangan nandito sila dahil gusto ko silang i-surprise.

"Hindi nila alam, ako ang nag-request sa kanila.

"Gusto ko pa nga sana nandoon si Lindsay [Custodio], kaya lang hindi siya puwede... Sina Nikki Valdez, Carol Banawa.

"Although sa Party P, si Kyla talaga ang unang nakaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam, close kami sa mga seryosong usapan.

"Siya rin kasi, ako ang una niyang sinabihan na ikakasal [na siya], umiyak nga ako noon, e.

"Tapos yung sa Party P, ako talaga ang may gustong kumanta kasama ang mga fans.

"Kasi nga, sobra akong thankful sa kanila for my 21 years [in showbiz]."

CLICK HERE to read Part II


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN