Alessandra de Rossi returns to Kapuso network; willing to work even with former "enemy" Rhian Ramos

IMAGE 0


"Nakokompromiso ang values ko as a person. Hindi ako nakikipaghalikan sa kung kani-kanino sa totoong buhay. So, what's the point na makipaghalikan ako for work?" explains Alessandra de Rossi about not doing kissing scenes.


"I'm back!"

Ito ang bonggang sagot ni Alessandra de Rossi nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya na balik-Kapuso network na siya, sa press conference ng afternoon series na Sinner or Saint na ginanap kagabi, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Dugtong pa niya, "Masaya. Kagabi, guest ako sa Arnold Clavio.

"Sabi ko, natuwa lang ako. I'm an artista with papeles. For the first time in my career."

GUARANTEED CONTRACT. Talaga bang first time niyang magkaroon ng kontrata sa isang network?

"Oo! Totoo!" bulalas niya.

"Well, nagka-contract naman ako sa ABS-CBN noong Star Circle Batch 7 ako.

"That was...13 lang ako. Thirteen years ago.

"Pero hindi naman nila ako ginamit, di ba, isang show lang nabigay sa akin."

Two years guaranteed contract daw ang pinirmahan ni Alex sa GMA Network.

Pero ang offer ba na ito ng network sa kanya ay biglaan?

"No, actually, last year, nag-uusap na kami ng manager ko [Manny Valera].

"Kasi nga, palagi kaming nagkakaroon ng problema sa sobrang laki ng mga binabayaran ko.

"Wala namang guarantee na bukas, may trabaho ako, di ba?

"So, parang sabi niya, 'Gusto mo ba ialok na kita kahit saan na puwede kang bigyan ng guaranteed contract?'

"Sabi ko, 'Kahit saan, go!'

"Para nga for two years, hindi na ako magdarasal sa Diyos na, 'Ano ang kakainin namin bukas?'

"Basta ako, hindi ko talaga alam ang nangyayari hanggang sa matapos ang Green Rose. Hindi ko na alam ang nangyayari.

"Gumagawa na ako ng indie films, yun lang ang ginagawa ko.

"E, ang indie films, wala namang pera do'n 'no! Obviously, art lang yun."

Ang indie film na tinutukoy ni Alex ay ang Busong na naipalabas sa Cannes International Film Festival.

Kuwento pa niya, "Pagdating ko ng Cannes, biglang pak! Nabasa ko na lang sa Twitter, 'Ay, true! Totoo na nga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RHIAN RAMOS. May impression noon na kaya lumipat si Alex mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN ay dahil maganda ang offer sa kanya sa Kapamilya network at may guaranteed contract siya.

Pero paglilinaw ni Alex, "No, lumipat lang ako do'n dahil wala akong work sa GMA."

Kasabay ng paglipat niya noon ang isyu sa kanila ni Rhian Ramos. Isa rin ba yun sa dahilan ng naging paglipat niya?

"Hindi naman, hindi naman dahil do'n," tanggi ng aktres.

Walang naging apprehension sa kanya ang pagbabalik niya sa GMA-7, lalo na't nang umalis siya ay may bagsakan ng cell phone pa? (CLICK HERE to read related story.)

Ani Alex, "Wala naman nang issue sa akin, tagal na.

"Good karma naman ako palagi kaya dapat magpasalamat na lang palagi."

Willing ba siyang makipagtrabaho kahit na sinong Kapuso stars?

"I think so. Wala pa namang umaaway sa akin, di ba?" tawa niya.

Kahit na kay Rhian?

"Okay lang, basta tama ang project.

"Alam n'yo naman ako, hindi ako nagpapagamit kahit kanino," sagot niya.

NO KISSING SCENE. Wala naman problema kay Alex kahit naging papalit-palit ang nakasama niyang cast sa Sinner or Saint. Mula kasi kay Iza Calzado ay napunta ang role kay Bianca King.

"Like I've said, trabaho ang ipinunta ko rito," diin niya.

"Walang para magtanong kung sino ang makakasama ko, ilang araw ako... No!

"Ang tanong lang diyan: Magkano ang talent fee ko?

"Okay na! Happy? Ha ha ha!

"May kissing scene ba? Wala po. Okay!"

Walang kissing scene?

"Nai-discuss na namin 'yan, hindi ako gumagawa niyan.

"Sinabi ko, compromise na lang po.

"Kung anuman ang kaya kong ibigay, yun lang naman ang hihilingin n'yo for me. Hindi talaga, e.

"Yun din ang dahilan kung bakit ang dami kong napapalampas na trabaho, kaya hindi ko tinatanggap dahil ayoko talaga."

Sa palagay niya, time will come na magiging ready rin siya to do kissing scenes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, noong last year na nawalan ako halos ng pera, hindi ko pa rin tinanggap yung mga proyektong ganoon. Yes.

"Yung prinsipyo ko, yun ang hindi mabibili.

"Hindi ko talaga trip, I'm so sorry," sabi niya.

Pero marami ang nanuksong press kay Alessandra nang ipakita ang trailer ng Sinner or Saint, at makita ang kissing scene nila ni Dennis Trillo.

"Etchos" at "palaka" raw siya dahil nakipag-kissing scene naman pala siya.

Nagpaliwanag agad si Alessandra.

Aniya, "Sabi ko naman, basta walang passion na kiss.

"Like yung sa amin nga ni Dennis, yung first scene namin na nag-kiss siya, hinalikan niya ako, pero wala namang passion.

"Hindi sa hinding-hindi gagawin, pero as much as puwede kong iwasan, iniiwasan ko talaga.

"Kahit naman sa Green Rose, kung nakita n'yo, wala kaming kissing scene.

"Kahit passionate ang role ko, puro daya."

Ang Green Rose ang huling telserye na ginawa ni Alex sa ABS-CBN.

Ano ang ayaw niya sa kissing scene?

"Nakokompromiso ang values ko as a person," paliwanag ng aktres.

"Hindi ako nakikipaghalikan sa kung kani-kanino sa totoong buhay.

"So, what's the point na makipaghalikan ako for work?"

Puro biro naman si Alessandra kay Dennis, na hindi halos makapag-react sa mga biro niya: "Sabi ko nga sa kanya, 'Naku, Dennis, apat na taon kong hinihintay 'to! Ikaw pa rin!'

"E, si Dennis, tawa lang nang tawa. Alam naman niyang sira-ulo talaga ako."

Sabi ni Dennis, "babaeng bakla" raw siya. Ano ang reaksiyon ni Alex dito?

"Puwes, kaya kong magbago!" natatawang biro niya.

SINNER OR SAINT. Tinanong ng PEP si Alex kung sinner or saint ba siya.

"Or!" mablis niyang sagot.

Pero aniya, "Mas saint ako than sinner. That's for sure.

"Pero sinner naman din ako."

Paano niya nasabing mas saint siya?

"Ay, tanungin n'yo ang pamilya ko, mga kaibigan ko kung gaano ako kabait, 'no!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dyusko, nakakaiyak ang kabaitan ko!

"So, I guess I'm a saint.

"Pero sinner yung nakikita sa labas.

"I have a wall, e. Pasensiya!" natawa pa niyang sabi.

ZERO LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, wala pa rin daw siya nito.

"Wala!" sambit niya.

"Like I've said, kapag wala akong work, nasa bahay lang ako. Twitter lang ako nang Twitter.

"So, imposible namang magka-boyfriend ako sa Twitter, 'no!

"Wala talaga!

"Maraming times na nagkagusto ako sa iba.

"Na-in love ako. Nagustuhan ko talaga ang taong 'to.

"Pero hindi talaga puwede. Umalis, nangibang bansa. Iniwan ako. Iniwan ko.

"Pero, wala akong naging boyfriend.

"Ayoko namang paasahin ang tao di ba?

"Napaka-user ko naman nun!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN