Alessandra de Rossi sets limits on villain characters she accepts for TV; wishes she would be offered more versatile roles

IMAGE 0


"Ang galing ko namang mag-comedy, marunong akong kumanta. Ang dami kong puwedeng gawin, bakit laging other woman? Naiintindihan ko naman kasi doon nanggagaling ang pera, doon ako kumikita, so tinatanggap ko siya. Kaya lang minsan, hindi n'yo rin maiaalis sa akin, kahit sinong tao pag araw-araw yun ang ginagawa, wala na siyang dating," says Alessandra de Rossi.


Balik-Kapuso na nga si Alessandra de Rossi at ang una niyang project ay ang bagong afternoon soap ng GMA-7 na Sinner or Saint. Kasama niya sa main cast sina Bianca King, Polo Ravales, at Dennis Trillo.

Kontrabida ulit ang role ni Alessandra sa naturang soap bilang si Corrine.

Sa presscon nga ng Sinner or Saint na ginanap last June 7 sa Kamayan restaurant sa West Ave., Quezon City, tinanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya nagsasawa sa kontrabida role.

"Nagsasawa. Aminado naman ako doon.

"Kasi naman, honestly, hindi naman ako nangangarap magbida sa TV. Kasi feeling ko naman, hindi siya bagay sa akin, e.

"Yung mga kinakawawa na, 'Huwag po, huwag po!' O kaya yung laging umiiyak.

"Sapakin kita, e! Pukpukin kita ng vase, di ba?" biro ni Alex (palayaw ni Alessandra).

Dahil kontrabida nga ang kadalasang role ni Alex, madalas din na namamatay ang character niya.

Gaya na lang ng nangyari sa character niya sa huling teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN, ang Green Rose.

Inalam niya ba sa production kung mamamatay si Corrine sa Sinner or Saint?

"Feeling ko naman, lagi namang mangyayari yun. Wala naman yatang show na nabuhay ako.

"Ang weird kasi sa taping, sabi ko nga sa direktor, lahat kaya kong ibigay, huwag n'yo lang akong pagawin ng tulug-tulugan at saka patay-patayan, hindi ko talaga siya kaya.

"For some reason kasi, gumagalaw talaga yung mata ko.

"Ang kaso, sa tuwing malapit nang matapos yung show, yun ang palaging problema ko.

"Naku, patay-patayan na naman ako! Sasabihin sa akin ng direktor, 'Sige, ipi-freeze ko na lang 'yan o malayo ang shot.'"

Pero may hangganan din naman daw ang pagtanggap niya sa kontrabida role.

"Sa pagpili ng project, doon lang ako sa bad kung bad yung role.

"Pero ayoko na doon sa tipong psycho na siya, o yung pag pinanood ng bata matatakot siya o baka gayahin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag ganun, hindi ko na ginagawa kasi responsible ako as an entertainer," saad niya.

NOT KONTRABIDA IN REAL LIFE. Ano naman ang masasabi niya na ang tingin ng iba sa kanya ay kontrabida siya in real life?

"Ay, hindi totoo 'yan!" bulalas niya.

"As in, ilalaban ako nang patayan ng mga taong nakapaligid sa akin, ang mga mahal ko, mga katrabaho ko.

"Never ever in my life akong naging kontrabida.

"Kahit to the point na puwede ko namang agawin yung lalaki, hindi ko kaya. Magtitiis na lang ako."

HOPING FOR OTHER ROLES. Sana raw ay mabigyan naman siya ng ibang role na maipapakita niya yung iba pa niyang kayang gawin.

"Kung magagawan ako ng project na babagay sa akin, gaya ng isang rock 'n roll na babae, o isang makulit at matalinong abugado.

"E, wala namang ganung kuwento, e.

"Laging bida sa atin yung mahirap, yung kinakawawa.

"Sa movie, kaya kong magbida.

"Sa TV na araw-araw mo akong panonoorin, I don't think magki-click ako.

"Siguro bagay sa akin yung tipong My Sassy Girl. Pero hindi rin naman ako eye-candy, e.

"Aminado naman ako doon, e, na yung mukha ko...hindi ganda yung ibinebenta mo sa akin for sure."

Talent ba ang ibinebenta sa kanya?

"More than that...beyond that!" sabay tawa nang malakas ni Alex.

"So, yun, naiintindihan ko naman yun.

"Ang sinasabi ko lang is sana bigyan naman ako ng ibang gagawin.

"Ang galing ko namang mag-comedy, marunong akong kumanta.

"Ang dami kong puwedeng gawin, bakit laging other woman?

"Naiintindihan ko naman kasi doon nanggagaling ang pera, doon ako kumikita, so tinatanggap ko siya.

"Kaya lang minsan, hindi niyo rin maiaalis sa akin, kahit sinong tao pag araw-araw yun ang ginagawa, wala na siyang dating."

Ano ang gusto niyang ipanawagan sa GMA-7?

"Wala. Honestly, wala talaga. Bahala na sila sa akin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH DENNIS & BIANCA. Happy naman si Alex na sina Dennis at Bianca ang kasama niya sa Sinner or Saint.

Nakasama na raw niya ang dalawa sa ilang projects sa GMA-7 bago pa siya lumipat sa ABS-CBN.

At ngayon ngang balik-Kapuso siya ay excited siyang makasama ulit ang dalawa dahil alam naman niyang magagaling na artista rin sina Dennis at Bianca.

Friends ba sila ni Bianca?

"Oo naman. I mean, magkasama kami noon sa out-of-towns.

"Sa Super Twins, magkasama rin kami. Mabait naman siya sa akin."

Since pareho naman silang single ni Dennis, ayaw niya bang mahalin ang aktor?

"Si Dennis, naku, no! Pinagtitripan ko lang siya lagi sa taping.

"Sabi ko, 'Dennis, apat na taon kong hinintay itong pagkakataong ito.'

"Pero siyempre, joke-joke lang namin yun.

"Friends naman kami bago pa ako umalis sa GMA noon.

"Nagkasama kami sa Darna, sa Super Twins.

"Marami na ring pinagdaanan ang career naming dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN