Sam Pinto reveals her Top 3 list of sexy men: Aljur Abrenica, Fabio Ide, and Rocco Nacino

IMAGE 0


As of June 25, si Sam Pinto ang nasa No. 1 spot ng sexiest women of the world poll ng FHM men's magazine.


Live na nag-guest si Sam Pinto sa Startalk TX kahapon, June 25 at ang unang itinanong ng host na si Manay Lolit Solis ay kung ano ang pakiramdam ng female star sa award na nakuha niya mula sa very first Yahoo OMG Philippines award.

"Sobrang thankful po kasi kaka-one year ko pa lang sa industry na ito tapos biglang napasama na ako sa OMG/Yahoo Awards, so super thankful naman po."

Sa FHM naman, as of yesterday, June 25 ay si Sam ang nasa No. 1 spot ng sexiest women poll ng naturang men's magazine.

"Last year po No. 32 ako tapos this year, unofficially No. 1 kaya sobrang na-surprise ako. Sa lahat ng bumoto sa akin, na nagtitiwala na kaya ko palang maging No. 1, maraming salamat po."

Tinanong naman ni Joey de Leon kung may ginagawa si Sam para maging seksi."

"Siyempre ano po, Fitrum," ang tumatawang sagot ng dalaga.

Napag-usapan rin ang sinabi ni Sam sa isang interview na gusto niyang maging leading man si Aljur Abrenica.

"Actually naka-work ko na po si Aljur sa Spooky Nights Present The Ring Tone. Okay naman po yung chemistry namin, masaya naman sa set, so why not?"

Tinanong muli si Sam ni Manay Lolit kung single ba ang dalaga ngayon at paano kung ligawan siya ni Aljur?

"Yes, single po ako ngayon. And paaano kung ligawan ako ni Aljur? Ay naku, kakapalabas lang, meron siyang Kylie Padilla," ang muling natatawang sinabi ni Sam referring to a taped interview ni Aljur na ipinalabas bago ang live guesting ni Sam.

"For me naman po, we'll get to know each other first."

Naitanong naman kay Sam kung sino para sa kanya ang tatlong pinakaseking male stars...

"Ah puwede po si... siyempre kasama dun si Aljur. Si Fabio [Ide], guwapo siya, para siyang Ken doll. Puwede si Rocco [Nacino] po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After her interview ay inimbitahan ni Sam ang viewers na panoorin ang sexy production number niya sa Party Pilipinas today, Sunday, June 26.

Bago rin matapos ang interview ay tinanong ni Joey si Sam kung ano ang real name nito at sinabi ng dalaga na...

"Samuelle po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN