NEWBIE: RJ Salvador looks up to his uncle Phillip Salvador

IMAGE 0


"Hindi dahil tito ko po si tito Ipe, Phillip Salvador, pero mula po bata nilu-look up ko po siya bilang actor," says RJ.


Tulad ng ibang artista, nagsimula sa paggawa ng commercials ang neophyte actor na si RJ Salvador.

Lumabas siya sa ilang mga commercial ng Magnolia at Nescafé.

Si RJ ay anak ng producer na si Ramon Salvador, pamangkin ni Phillip Salvador at Deborah Sun, at pinsan ni Maja Salvador.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RJ kamakailan sa isang coffee shop sa Ayala, Makati City.

Dito'y ikinuwento niya na noong una'y hindi pabor ang kanyang ama na pumasok siya sa mundo ng showbiz.

Gayunman, isa ang kanyang ama sa naka-impluwensiya sa kanya na pasukin ang showbiz.

"Actually, si papa parang nung una ayaw niya kasi yun nga daw magulo ang buhay sa showbiz.

"So, medyo mas naging challenge para sa akin.

"Pero, para sa akin parang dito na din ako lumaki, e, na nakita kong mundo na puwede kong galawan.

"Nakita naman niya, e, nakita niya na nagpupunta ako sa mga audtions, nage-extra ako.

"So, eventually pumayag din siya."

BEFORE SHOWBIZ. Bago nakipagsapalaran sa showbiz, nag-aral muna ng Culinary Arts si RJ sa OB Montessori, Greenhills, San Juan.

Ngunit, "Sa ngayon po medyo nag-stop po ako, e, dahil nagsunod-sunod po yung trabaho.

"Siguro po pag nagkaroon ng pagkakataon ipagpapatuloy ko po para matapos ko siya.

"Actually, meron siyang two years course.

"Parang gusto ko muna tapusin yung two-year course tapos siguro after that puwede ko na ituloy yung management course na four years."

Nasubukan na rin maging production staff si RJ. Kasama siya sa production team ng music video ni Pop Princess, Sarah Geronimo.

Kuwento niya, "Actually, po nag-a-apprentice po ako minsan sa mga assistant directors pag meron po akong makukuha na projects sa commercial po as production [staff].

"Actually po yung mga music video po ni Sarah Geronimo, nag-a-assistant director po ako dun."

ON PHILLIP SALVADOR. Dahil sa ibang interes noon ni RJ, medyo nagulat ang kanyang mga kamag-anak nang pumasok siya sa paga-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, naging supportive naman ang mga ito sa kanyang desisyon.

"Sobrang supportive sila, sobrang natuwa naman sila na ganun yung ginawa ko," nakangiting ibinahagi ni RJ.

"Actually, parang tinutulungan pa nila ako na mabigyan ng mga projects.

"A, like wala naman akong formal training from workshops pagdating sa acting, pero nakita naman siguro nila na sobrang pursigido akong matuto.

"So, yun, kahit konti tinuturuan nila akong umarte, mga dapat gawin."

Pero, kung idolo sa pag-arte ang pag-uusapan, ang tito niyang si Phillip Salvador ang kanyang tinitingala.

Aniya, "Hindi dahil tito ko po si tito Ipe, Phillip Salvador, pero mula po bata nilu-look up ko po siya bilang actor.

"Hindi po dahil sa kamag-anak ko, pero nagagalingan po talaga ako sa kanya."

Sa unang tingin, makikita ang pagkakahawig ni RJ sa kanyang tito Ipe, at tingin ni RJ ay "ang suwerte" niya dahil dito.

Bukod sa pagiging inspirasyon ng beteranong aktor, ito din daw ang hinihingan niya ng payo pagdating sa pag-arte.

"Palagi po ako humihingi ng advice," saad niya.

"Actually, minsan 'pag nasa shoot ako, 'pag meron akong parang dilemma, questions, tinatawagan ko po siya.

"Nagtatanong ako paano ba i-project yung ganitong situation, paano reaction."

FAMILY OF CELEBRITIES. Bilang mula sa isang pamilya ng mga showbiz personalities, inamin ni RJ na pressure ito para sa kanya.

Gayunman, ayaw niya daw ito masyadong isipin.

"Andun po yung pressure," pag-amin niya.

"Andun po yung pressure pero hindi ko po siya tina-take as ganun kabigat.

"Lagi ko na lang po iniisip na, lagi ko na lang po sinasabi sa sarili ko na... Meron akong, although andun ung pamilya ko, meron akong sariling talent po, meron akong sariling craft.

"So, sa tingin ko naman hanggat ginagawa ko yung ginagawa ko, maaabot ko din siya, yung [narating nila]."

Dagdag pa niya, kahit papaano ay natatakot din siyang maikumpara siya sa kanyang mga kamag-anak na matagal na sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, medyo po natatakot ako, pero hindi po ganun ka-[takot].

"Kasi iniisip ko naman po na meron naman po akong siguro sariling style.

"Siguro yung passion ko nandun, so kahit nandiyan yung mga takot na yun I know na kaya ko pong ma-overcome."

Pero tulad niya, madaming bagong artista ngayon na nagmula din sa kilalang pamilya sa showbiz.

Gayunman, tingin niya kahit papaano'y may masasabi na siyang lamang sa mga ito, lalo na pagdating sa pag-arte.

"Ako po, siguro simula nung bata ako wala na po akong ibang ginawa kundi manood ng TV, manood ng mga tao, marami po akong pinagdaanan, madami na po nangyari sa buhay ko na hindi po normal.

"I mean, hindi po tipikal.

"Tingin ko po pagdating sa acting marami po akong mapapakita, marami po akong mapaghuhugutan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN