Will Devaughn speaks his mind on network transfers

IMAGE 0


"Transferring from network to network, okey naman. If you're happy with the network and they're doing things for you, stay there," says Will.


Nitong mga nakaraang buwan, ilang mga artista ang lumipat sa ibang network upang palaguin pa ang kanilang career.

Ilan sa kanila'y sina Paulo Avelino, Aga Muhlach, at Nadine Samonte.

Katulad nila, noong 2010, mula sa Kapamilya network ay lumipat ang aktor na si Will Devaughn sa Kapuso network.

Nagsimula ang kanyang career dito sa Pilipinas noong sumali siya sa reality TV show ng ABS-CBN, Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 (2007). Naging fourth placer siya rito.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Will kamakailan sa isang coffee shop sa Ayala, Makati City.

Kaugnay ng mga nangyayaring paglipat ng istasyon, inalam namin ang kanyang opinyon sa network transfer.

Aniya, "Para sa akin okey lang yun. I mean, for example, if you're in another network at wala pang trabaho para sa'yo, anong gagawin mo? May pamilya ka.

"You can't get out of the network dahil you got two years pa.

"Tapos andun ka lang, anong gagawin mo? Hindi ka puwede lumipat sa ibang network dahil may kontrata, parang ano yun?"

Dagdag pa niya, wala naman daw siyang nakikitang masama sa paglipat ng istasyon, kung ito naman ang makabubuti para sa career ng isang artista.

"Parang they're monopolizing the system and I think that's not fair," saad niya.

"Ganun din, marketing.

"Let's say for example I do commercials, and then I can't do the commercial for competing project or competing brand for a year. Bakit?

"As long as a person has work, and he's in good work, his work is beneficial for him or the family or anyone else, I think its okay.

"Transferring from network to network, okey naman. If you're happy with the network and they're doing things for you, stay there."

HAPPY WITH GMA-7. Sa ngayon, masaya daw si Will sa ginagawa ng GMA-7 para sa kanyang career.

Matapos kasi ang kanyang telefantasya na Dwarfina (2011), may kasunod na project na ito, ang upcoming show na Kung Aagawin Mo Ang Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy!" bulalas ni Will.

"Happy talaga ako sa GMA.

"Parang ano, e, parang pamilya dun.

"Iba yung aura, basta iba yung aura doon sa GMA, masaya at hindi siya yung kabigat.

"Parang relax lang. Oo, trabaho naman pero relax."


BATTING FOR LESS OVERWORK. At nang kanyang mabanggit ang salitang "relax," hindi na napigilan ni Will na magbigay ng opinyon tungkol sa oras ng trabaho ng mga nasa show business.

Kadalasan kasi, ang isang celebrity at iba pang miyembro ng production ay nagtatrabaho ng higit pa sa walong oras, lalo na sa mga taping ng palabas.

"Yung ano sa akin, yun scheduling," banggit niya.

"We weren't born to work 24 hours a day, we weren't born to work 15 hours a day, we were born, maybe, maybe to work 8 hours a day.

"Dapat hindi ganun kasi we will get sick, we will get sick and we can't buy health back, once you're sick, you're sick, e.

"Yeah, you can probably make yourself better by drinking vitamins, supplements, eating food and working out—but the damage was done.

"So, I think that should be changed, the scheduling of the people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN