Kris Aquino clarifies rumor linking her to Senator Chiz Escudero; "dedma" on James Yap-Marie Digby rumored romance

IMAGE 0


Kris Aquino is clueless as to why she's being linked to Senator Chiz Escudero, who is rumored to have split up from his wife Christine Elizabeth "Tintin" Flores. The TV host said on her Twitter account, "We've been linked for no reason that I can think of- didn't see him thru out campaign last yr, only saw him June 9, 2010 in PNoy's Batasan Proclamation."


Walang ideya ang TV host-actress na si Kris Aquino kung paano at saan nagsimula ang isyu na nagli-link sa kanya ngayon kay Senator Chiz Escudero.

Kaya naman sa kanyang Twitter account noong Martes, May 31, nilinaw ito ni Kris.

Ito ay matapos siyang tanungin tungkol dito ng ilang miyembro ng media na dumalaw sa music video shoot ng "Love Moves in Mysterious Ways," na kasama sa kanyang music album na My Heart's Journey.

Sa unang Twitter post nito, sinabi ni Kris: "Done w/ our shoot. Can I jump the gun? TV Patrol was plugging my clarification abt Sen Chiz & myself- overtime so puro teaser, no answer."

Pagkatapos ay sinundan niya ito ng: "We've been linked for no reason that I can think of- didn't see him thru out campaign last yr, only saw him June 9, 2010 in PNoy's Batasan Proclamation."

Si PNoy ay ang kapatid ni Kris na si President Noynoy Aquino.

Sa sumunod na Twitter post ni Kris, sinabi niya na wala siyang ideya sa mga bali-balita tungkol sa paghihiwalay umano ni Senator Escudero at ng asawa nito of 10 years na si Christine Elizabeth "Tintin" Flores.

Sabi ni Kris, "I have no 1st hand knowledge abt his personal life & wouldn't dare intrude- but he did agree to tape w/ me as my 1st guest for my new talk show- our sked is June 13-14. That's it- pancit."

Nakatakdang mag-taping ang grupo ng Today With Kris Aquino sa Sorsogon dalawang linggo mula ngayon para sa guest appearance ni Senador Escudero sa programa.

NO COMMENT ON JAMES YAP'S LOVELIFE. Samantala, sa panayam naman ng SNN kay Kris, na ipinalabas noong Martes din, iniwasan ng TV host ang magbigay ng anumang pahayag tungkol sa mga balitang may kaugnayan sa dati niyang asawa na si James Yap.

Usap-usapan kasi kamakailan na ang bagong nililigawan daw ni James ay ang dating YouTube Sensation na si Marie Digby, na minsan na ring na-link kay Sam Milby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kris, "Doon, dedma talaga ako. Kung kay PNoy dedma, mas dedma diyan!

"Kasi, let him [James] have his privacy. The very fact na we're hiwalay already gives him some measure of privacy that he didn't have when we were married."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN