Gardo Versoza uses Hollywood films and actors as peg for his role as Rajah Mangubat in Amaya

IMAGE 0


Gardo Versoza plays Rajah Mangubat in GMA-7's epicserye Amaya. "Yung sa characterization ng role ko, ang nakikita ko dun, yung kay Mel Gibson sa Braveheart at Ken Watanabe sa The Last Samurai. Mas maingay si Mel Gibson... Si Ken, mas palaging nasa loob [ang fierceness], pero kinatatakutan," says Gardo about his role.


Hindi na bago kay Gardo Versoza ang gumanap na kontrabida sa mga teleserye.

Pero aminado ang aktor na naiiba ang ginawa niyang pagkokontrabida sa Amaya, na tinaguriang "epicserye" ng GMA-7 dahil sa laki ng scope nito, na napakaraming artista at mga extra ang involved.

May panayam ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gardo hinggil sa partisipasyon niya sa bagong action-adventure drama series ng Kapuso network, kung saan ginagampanan niya ang papel ng lead villain na si Rajah Mangubat.

Dalawa ang anak na lalake ng character ni Gardo—ang mga tauhang ginagampanan nina Sid Lucero at Buboy Villar.

Playing Rajah Mangubat's wife is singer-actress Ayen Munji-Laurel.

Proof na napakalaking produksiyon ng Amaya, kuwento ni Gardo, sa taping ng isang malaking battle scene sa Bolinao, Pangasinan, ay buong araw ang itinagal nila ng mga artista at ng napakaraming extra na gumaganap na "Mangubat's warriors."

"Sa isang side lang yun," namamanghang pagbanggit ng aktor.

"Kaya yung mahabang strip ng tabing-dagat, mapupuno ng warriors na dapat salubungan 'yon!

"Maglalabanan, tapos ang background yung dagat!"

Bagamat isang work of fiction, may historical references ang kuwento ng Amaya.

"May sinusundan silang historical accounts, may kino-consult ding historians," sabi ni Gardo.

"Maganda yung thrust ng story. Magkalaban kami ng tatay ni Marian [Rivera as Amaya], si Raymond Bagatsing ang gaganap [as Datu Bugna].

"Nagkaroon kami ng malalim na tampuhan, hanggang sa puntong kailangang ilikida o patayin ko siya, na nalaman ni Amaya. Kaya may gagawin siyang paghihiganti para sa tatay niya.

"Meron ding istorya sa amin ni Amaya, na lalabas lang pag nagpang-abot na kami."

May pagka-Herodes din ang character ni Rajah Mangubat sa sobrang lupit nito.

"Ayoko hangga't maaari na maipanganak si Amaya," kuwento pa ni Gardo.

"Kasi, may babaylan na nanghula sa akin, sabi may isisilang na sanggol na balang-araw, yun daw ang makakapagpaalis sa akin sa kapangyarihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya gusto kong unahan. Gusto kong mapatay lahat ng buntis sa tribu para hindi na isilang ang sanggol na binanggit sa hula.

"Sa mga katribu ko, okey ako. Pero sa kabila, yung kalaban, walang konsensiya ang character," paglalarawan pa niya sa kanyang role.

PREPARING FOR THE ROLE. Kumpara sa iba niyang nagawa, mas mahabang panahon ang ginugol ni Gardo bilang paghahanda sa papel na ginagampanan niya sa Amaya.

"Siguro, like mga a month or so. Diet, workouts...

"Dapat mga 160 pounds lang ang timbang ko [sa taas na 5'10"] o 155 pounds. Baka magbawas pa ako ng five pounds."

Ang kanyang girlfriend at manager na si Ivy Vicencio ang nagpapaalala raw kay Gardo hinggil sa pagda-diet, lalo't may mga taping at pictorial na kailangang makitang in shape siya.

Sinusunod naman ni Gardo ang advice ng manager niya, kaugnay ng tamang physical requirements ng trabaho.

"Kung minsan, nagbabaon pa ako ng barbel sa set," banggit niya.

USING FOREIGN ACTORS AS PEG. Malimit banggitin ng mga aktor sa interview kung sino o anong uring character ang nagiging batayan nila sa ginagampanang tauhan, o pansariling pag-interpret sa papel na naitoka.

Ito yung tinatawag nilang peg, o pinagbabatayan, o physical/psychological reference ng isasabuhay na character.

In Gardo's case, mga foreign movies and actors ang naging peg niya para sa Rajah Mangubat villain role niya sa Amaya.

"Ang mga pinanood ko para mag-prepare, yung Braveheart (1995) ni Mel Gibson; The Last Samurai (2003) starring Tom Cruise, pero yung role ni Ken Watanabe (as Lord Katsumo Moritsu) ang peg; 300 (2007), at Gladiator (2000) ni Russell Crowe."

Puro action-adventure drama na may historical references ang mga pinag-aralang pelikula at performances para maging basehan ni Gardo sa tribal leader role niya sa Amaya.

Bakit foreign action-adventure o war films and actors, at hindi pelikulang Pilipino at karakter ang ginawa niyang peg para sa tauhang gagampanan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa local, parang...hindi kasing-detalyado ang background at nuances ng characterization sa klase ng pelikulang pinanggalingan ng character.

"Kaya ako nag-peg ng gano'n, para mas maliwanagan ko rin yung ipu-portray ko.

"Kung magpe-peg kasi ako, tapos maguguluhan din ako, hindi siya makakatulong, di ba?

"Like yung sa characterization ng role ko, ang nakikita ko dun, yung kay Mel Gibson sa Braveheart at Ken Watanabe sa The Last Samurai.

"Mas maingay si Mel Gibson... Si Ken, mas palaging nasa loob [ang fierceness], pero kinatatakutan.

"Sa akin, yun ang binubuno ko. Kumbaga sa damit, pagdating mo sa set, yun ang isusuot mo," paliwanag ni Gardo.

WORKING WITH DIREK MAC. Amaya is helmed by Mac Alejandre, isa sa resident directors ng GMA-7.

"Gamay na kami ni Direk Mac," natutuwang banggit ni Gardo.

"Before pa, nagkagamayan na kami sa Kung Mahawi Man ang Ulap.

"Ang kaibhan lang, contemporary ang kuwento ng Kung Mahawi.. Itong Amaya, period drama naman.

"Ang character ko dito bilang kontrabida, kung sisigaw man siya, kailangan lang dahil magko-command siya sa mga tao niya.

"Maganda naman, tinotono rin ni Direk Mac, e.

"Like, may mga times na pag kinakapa ko pa yung character ko, may tendency na sa sobrang intense, nadadala na lang sa mata, pero hindi palaging nanlilisik o nandidilat.

"Ang maganda kasi, kinokontrol ako ni Direk Mac. Titimplahin niya [ang emosyon], so nagiging mas totoong tao ang character.

"Kasi may nakikita din si Direk kung ano yung gusto niyang palitawin sa role ko. So, yun ang pinagtatagpo ko.

"Masarap, kasi open si Direk, e.

"Nabanggit niya na bibigyan ka niya ng freedom na maglaro basta within the box.

"Pagka inilabas ka na niya sa box, dun na siya papasok, kokontrolin ka na niya.

"So, nalalaro ko yung character ko," saad ni Gardo.

Bilang direktor, masayahin si Direk Mac at lalo itong nakakapagpagaan ng pakiramdam ng mga artista sa set, pag-obserba pa rin ng naging kaibigan ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Gardo, "Sa isang taping namin, pag kinukunan yung eksena, na malalaki yung eksena, battle scene, pag sumigaw na siya ng 'Action!' at nagro-roll na, nawawala raw yung pagod niya at sakit ng ulo.

"Pero pag nag-'Cut!' na ako," Gardo V. then quoted Direk Mac, "bumabalik ang pagod ko, sumasakit na naman ang ulo ko!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN