Ex-couple Jennylyn Mercado and Patrick Garcia turn into friends for the sake of their son

IMAGE 0


Jennylyn Mercado and Patrick Garcia agreed to a photo shoot together with their son, Alex Jazz. "Ang concept, happy family. Na kahit na hindi kami together ni Patrick at meron kaming kanya-kanyang mga buhay, pinipilit naming maging normal ang buhay namin na maging magulang para kay Jazz," says Jennylyn.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama ang dating magkasintahan na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, pati na ang kanilang anak na si Alex Jazz para sa isang family pictorial.

Ginawa ang pictorial para sa isang magazine.

Kuwento ni Jennylyn sa Showbiz Central, "Ang concept, happy family. Na kahit na hindi kami together ni Patrick at meron kaming kanya-kanyang mga buhay, pinipilit naming maging normal ang buhay namin na maging magulang para kay Jazz."

Pagpapatunay lang daw ito sa mabuti nilang pagkakaibigan ngayon ni Patrick sa kabila ng kanilang kakaibang setup.

Sabi pa ni Jennylyn, "Wala, kasi parati naman kaming nagkikita, e.

"Sa bahay pag sinusundo niya si Jazz, sa school...

"Nagkikita kami sa school, ganyan, so wala nang ilangan."

Ayon naman kay Patrick, "Okay naman, nag-uusap naman kami, wala namang problema, magkaibigan naman kami.

"Madalas ko nang nakakasama si Jazz ngayon.

"I always make it a point na almost every day nakikita ko siya."

Kasabay ng mga bagong intriga, ito rin ang unang pagkakataon na nakapagbigay-reaksiyon naman si Patrick sa makulay na lovelife ngayon ni Jennylyn.

Naging mapait ang breakup ng actress-singer kay Dennis Trillo, pero ngayon ay tila nagkakamabutihan na sila ni Luis Manzano.

Ayon kay Patrick, "Nabalitaan ko. Kung saan siya masaya, di susuportahan ko siya.

"Jen deserves to find the right guy for her.

"[My message] kay Jen, sa dami ng pinagdadaanan mo ngayon, sana makatagpo ka rin ng lalaking para sa 'yo.

"At huwag na huwag mong kakalimutan, at alam ko namang hindi, ang anak nating si Jazz.

"At lagi naman akong nandito for advise and I'll always be your friend."

Sa kabila ng mga darating pang mga bagong isyu, ang pinaghahandaang mabuti ngayon nina Jen at Patrick ay ang bagong kabanata sa buhay ng kanilang anakā€”ang pagpasok nito sa eskuwela sa susunod na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Papasok na...mag-e-enroll na siya this coming school year," balita ni Jennylyn.

"Excited kaming lahat kasi kaklase niya si Kendra, yung anak ni Cheska [Garcia, Patrick's sister]."

Patunay na ang maganda nilang ugnayan ay labas sa kanilang mga personal na buhay at nakasentro lamang sa pinakamahalagang tao kina Jen at Patrick ngayon.

Sabi ni Patrick, "Usually naman pag tumatawag ako kay Jen, tungkol naman kay Jazz palagi."

Ayon naman kay Jennylyn, "Basta ang pinag-uusapan lang namin about AJ. Future ni AJ, school ni AJ...lahat puro si AJ."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN