Alex Gonzaga "intimidated" by veteran co-stars in Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"

Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">

IMAGE 0

"Sa dati kong show sa [ABS-CBN], kunwari sabihin, 'Uy, napapanood kita sa...' 'A, okay.' Pero dito sa TV5 pag sinabing, 'Uy, napapanood kita sa TV, ang ganda ng Hampaslupa.' Parang mas naaano ka, wow, mas nasa-shock ka. Kasi parang given na sa ABS. So, feeling ko dito, mas na-attach ako sa network," says Alex Gonzaga.

Nagiging kapana-panabik ang mga eksena sa primetime drama show ng TV5 na Babaeng Hampaslupa. Kaya naman na-extend ito magmula nang ipalabas ito noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isa sa mga bida ng serye na si Alex Gonzaga, sa set nito sa Malabon noong May 24, sinabi niyang tuwang-tuwa siya sa tagumpay ng kanilang palabas.

"Sobrang happy kasi siyempre first teleserye ng TV5, di ba, napansin, may mga sumuporta talaga," pahayag niya.

Ginagampanan ni Alex sa Babaeng Hampaslupa ang karakter ni Grace Elizabeth Wong, ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Wong.

TURNING SERIOUS. Isang malaking proyekto ang palabas na ito para sa Kapatid network, kaya naman maging si Alex ay may mga ginawa ring paghahanda, bukod pa sa payo ng management sa kanya.

Aniya, "Alam ko for this project malaki talaga yung ni-risk ng TV5.

"Alam kong it's a really big project, so may responsibility ako as an actress na kailangan kong sundin yun kasi tinanggap ko 'to, di ba?"

Kuwento ni Alex, may ilan siyang binitawang mga programa o kung hindi naman ay binawasan ang appearances niya dahil sa Babaeng Hampaslupa.

"Tinanggal po ako sa Lokomoko U," banggit ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

"Tapos sa Juicy, pina-lessen na sa akin yung panggagaya, yung mga skit, yung mga patawa.

"Kinausap nila [management] ako, 'wag na muna [magpatawa] kasi nga para mabuo sa tao na pag nakikita ako dito [sa Babaeng Hampaslupa], seryso."

WORKING WITH VETERAN STARS. Hindi mapagkakaila na malalaking artista ang kasama ni Alex sa programang ito, gaya nina Susan Roces, Eddie Garcia, Alice Dixon, Freddie Webb, at Jay Manalo.

Ano ang nararamdaman niya tungkol dito?

"Kinakabahan talaga ako!" bulalas niya.

"Minsan, parang nai-intimidate talaga ko.

"Oo, okay kami sa set, pero ang hirap nun dahil binibigay nila yung best nila bawat eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paano yung best mo hindi makasabay sa best nila?"

Pero kahit nakakaramdam siya ng kaunting takot, hindi naman daw niya hinahayaan na makaapekto ito sa performance niya.

"Siyempre, you have to overcome yung intimidation.

"Parang grace under pressure.

"Mabait naman po sila, kaya lang siyempre gusto mo pag nag-roll na yung camera, kung ano yung binibigay nila, ganun din ibibigay mo.

"Kasi parang sobrang galing nila, tapos ikaw, ikaw yung maging panira."

Naikuwento rin ni Alex na ang mga eksenang may sigawan at sampalan ang pinakamahirap para sa kanya, lalo na kapag ang mga beteranong artista ang kanyang kaeksena.

Kaya naman pinipilit ni Alex na mapagbuti ang kanyang pag-arte.

"Talagang nagpe-prepare ako, tapos tatanungin ko sino kasama.

"Talagang beforehand, babasahin ko na yung script.

"Maganda naman po sa kanila, may actor's cue, hinihintay po talaga nila, tinutulungan po nila ako," saad ni Alex.

BLOOMING CAREER. Masasabing ang Babaeng Hampaslupa ang naging big break ni Alex sa kanyang showbiz career.

Matatandaang sa ABS-CBN unang lumabas si Alex. Ilan sa mga palabas na ginawa niya rito ay Let's Go!, My Girl, at Tiny Tony.

Hanggang sa tuluyan nang lumipat ng Kapatid network si Alex at lumabas sa ilang comedy shows nito, tulad ng Lokomoko at Everybody Hapi.

And this year, tinanggap ni Alex ang drama series na Babaeng Hampaslupa.

Hindi ba siya nahirapan na mula sa pagiging comedienne ay nag-drama siya?

"Nahirapan din," pag-amin niya.

"Kasi may iba talaga na tingin sa akin talaga comedy, nagpapatawa.

"So, nahihirapan akong mas maging serious yung tingin sa akin."

Ganun pa man, hindi pinanghihinaan ng loob ang aktres. Ang mga puna pa nga raw ng iba ang nagiging motivation niya.

"Minsan nakakarinig pa din ako ng criticism, tinatanggap ko na lang yun kasi talaga namang bago pa lang ako.

"Tapos kung may natutuwa sa akin at nagagalingan sa drama, siyempre natutuwa ako dahil as a newcomer and newbie sa drama, parang natanggap nila agad so yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, hindi naman lahat mapi-please mo agad."

BATTLE OF THE NETWORKS. Marami ang nakapuna na magkasabay na nag-bloom ang career ni Alex at ang pag-angat ng ratings ng TV5. Kaya sinasabi ng iba na isa siya sa pioneer artists ng Kapatid network.

Ngayon ngang nakakasabay na ang Kapatid network sa Kapuso at Kapamilya networks, ano ang reaksiyon niya rito?

"Proud ako, sobrang saya ko," nakangiting sagot ni Alex.

Tingin din niya, katulad ng TV5, siya ay nag-mature bilang aktres dahil na rin sa Babaeng Hampaslupa.

"Hindi ako nagbabasa ng script dati!" natatawang kuwento ng aktres.

"Ito sa Hampaslupa siguro, kasi yung mga roles na binibigay sa akin [dati], ako na.

"Di ko ma-experience yung actor's cue, yung motivation, wala akong ganun, wala ako nun.

"Ngayon, nagbabasa ako. From page to page kailangan alam mo, aware ka."

Kaya naman masasabi niyang kakaibang fulfillment at attachment ang naramdaman niya sa Kapatid network, lalo na't sunud-sunod na ang kanyang mga palabas.

"Thankful ako kasi hinihintay 'to ng bawat ano, e, na gusto mo sa career mo, madami kang trabaho.

"So, thankful talaga ako," sabi ni Alex.

Dagdag niya, "Sa dati kong show [ABS-CBN], kunwari sabihin, 'Uy, napapanood kita sa...' 'A, okay.'

"Pero dito sa TV5 pag sinabing, 'Uy, napapanood kita sa TV, ang ganda ng Hampaslupa.' Parang mas naaano ka, wow, mas nasa-shock ka.

"Kasi parang given na sa ABS. So, feeling ko dito, mas na-attach ako sa network

"Na pag madami kaming commercial, ang saya-saya namin. Mataas ang rating n'yo, masaya kami.

"Kasi parang together nakita mo talaga yung growth ng TV5, tapos kasama ka.

"Siguro ganun din yung mga veterans ng [ABS-CBN] and GMA."

Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">
Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">
Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">

Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">
Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">
Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">
Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25739/alex-gonzaga-intimidated-by-veteran-co-stars-in-babaeng-hampaslupa-but-works-with-grace-under-pressu" data-desc="Alex feels she has matured as an actress." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/db1345787.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN