Rocky Gutierrez hops to TV5; says Gutierrez brothers are often "misunderstood"

IMAGE 0


"Pag sinabi kasing Gutierrez, nakadikit doon yung misunderstood, e. Misunderstood kami ng mga tao. May impression na sa amin ang mga tao kahit hindi pa kami kilala. Pero kapag nakilala mo naman kami, lalo na ako, sinasabi nilang, 'Sobrang iba ka pala no'ng nakilala ka namin,'" says Rocky Gutierrez about him and his brothers.


Mula sa Kapuso network, lumipat na rin sa TV5 si Rocky Gutierrez, ang isa sa mga anak na lalake ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Si Rocky ay nakatatandang kapatid nina Richard at Raymond, at nakababatang kapatid naman ni Ruffa.

Ang The Sisters, na pinagbibidahan ng dati ring Kapuso na si Nadine Samonte at idinidirehe nina Joyce Bernal at Argel Joseph, ang unang dramaserye ni Rocky sa TV5.

Isa uling kontrabida ang role niya rito.

Wala pang kontrata si Rocky sa TV5, pero umaasa itong mapapansin ang kanyang kakayahan bilang character actor at maalukan siya ng exclusive contract.

Umaasa rin si Rocky na makilala siya sa sarili niyang kakayahan at hindi sa anino ng kanyang kapatid na si Richard.

"Sana maka-build ako ng sarili kong pangalan sa Kapatid network.

"Gusto ko mga offbeat roles or character roles.

"Kung ano ang puwede sa akin, okey lang," pahayag ni Rocky sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Sisters kagabi, July 12, sa C3 Events Place.

PACKAGE DEAL. Karamihan sa mga nagawang proyekto ni Rocky sa GMA-7 ay pinagbidahan ni Richard, gaya ng Kamandag, Zorro, at Asero.

Hindi naman itinatanggi ni Rocky na "package deal" silang mga Gutierrez brothers sa TV projects ni Richard.

"Siyempre, bilang kapatid ni Chard, gusto ko ring makasama sa mga shows niya. Gusto ko para mas makapag-bonding kami, mas masaya.

"Pero ngayon kasi, gusto kong makilala on my own kahit mga kontrabida.

"Hindi ko naman pinangarap na magbida dahil 30 [years old] na ako, e.

"Okey na sa akin yung mga character roles," saad niya.

Pinagtatatakhan ng marami kung bakit parang ngayon lang nagkainteres na pasukin talaga nang husto ni Rocky ang showbiz.

Paliwanag niya, "Wala e. Kasi hindi maiwasan, siyempre ang mommy ko, sinasabi araw-araw, 'Mag-showbiz na kayo! 'Yan lang ang ipapamana ng tatay n'yo sa inyo—ang showbiz!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, eventually, inisip ko, tutal maganda naman, para kang nagbi-business.

"You get paid a lot of money just to act and try to entertain people. Okey naman.

"Dati, gusto kong mag-baskeball, pumasok sa PBA.

"Sa States, yun talaga ang ginagawa naming magkakapatid.

"Kahit si Richard, pangarap niya maging basketball player.

"Pero na-injure ang tuhod ko."

Sa edad ni Rocky, wala pa raw siyang balak mag-asawa kahit dalawang taon na sila ng non-showbiz girlfriend niya, na owner ng mga restaurant.

GUTIERREZ BROTHERS. Hindi raw porke mga lalake sila, ligtas na sila sa kanilang Mommy Annabelle, lalo na pagdating sa trabaho.

"Hindi naman siya masyadong nakikialam, pero nagbibigay siya ng advice na maging professional kami.

"Actually, siya ang laging gumigising sa akin pag may taping. Kinakatok niya ako.

"Marami naman akong natutunan sa kanya," sabi ni Rocky.

Magkakahawig man ang tunog ng kanilang mga boses at maging sa pananalita, magkakaiba pa rin daw ang mga ugali nilang magkakapatid na lalake, ayon kay Rocky.

"Ako kasi, tahimik lang naman. Pag hindi mo ako kinakausap, hindi ako magsasalita.

"Simpleng tao lang naman ako.

"Kung ano ang ipinapakita mo sa akin, yun ang ibibigay ko sa iyo.

"Kung mayabang ka, mayabang din ako.

"Mabait naman ako. Actually, mabait kami in general," sabi niya.

Hindi man madalas, pero may mga pagkakataong nasasangkot sa mga gulo ang Gutierrez brothers.

Paliwanag naman ni Rocky dito, "Pag sinabi kasing Gutierrez, nakadikit doon yung misunderstood, e.

"Misunderstood kami ng mga tao.

"May impression na sa amin ang mga tao kahit hindi pa kami kilala.

"Pero kapag nakilala mo naman kami, lalo na ako, sinasabi nilang, 'Sobrang iba ka pala no'ng nakilala ka namin.'"

ON RICHARD. Sa mga magkakapatid, sini-single out ni Rocky ang "kabaitan" ni Richard.

Ani Rocky, "Si Richard, kahit sinasabing bad boy siya, mabait talaga si Richard. Naba-brand siya kasing gano'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga magkakapatid, siya talaga yung madaling lapitan. Saka yun talagang maraming naitulong sa akin... Actually, hindi naman financially

"Kaming magkakapatid, importante sa amin yung advice sa isa't isa, yung mga bondings namin.

"Si Chard, kahit busy siya, he makes it a point na mag-bonding kaming magkakapatid, e."

Mahilig din daw mag-sorpresa si Richard, gaya na lamang ng biglaan nitong pagbibigay ng mamahaling gamit.

Kuwento ni Rocky, "May ibinigay sa aking bisikleta si Richard two weeks ago. Kasi, medyo we're into racing ngayon sa bikes.

"Medyo nagulat ako dahil mahal yung bike, parang balewala lang sa kanya... around P165,000.

"Hindi ko alam kung bakit umabot ng gano'n.

"Sobrang gaan niya. Halos hindi mo maramdaman. Carbon fiber yung frame niya, parang plastic, sobrang gaan.

"Yun ang nakakahiligan namin ni Chard," patuloy niya.

"Gusto naming mag-triathlon, e. Pangarap niyang sumali sa Iron Man.

"Pag kaya ko, sinasamahan ko siya. Kaya lang, batak ang katawan ni Chard, nagdyi-gym siya every day.

"Ako, medyo chubby na kaya hirap ako. Now, nagpapakundisyon na ako."

Kursunadahin ba talaga sila sa mga bar na pinupuntahan nila kaya sila nasasangkot sa gulo?

"Nagkakataon lang naman kasi yun, e," sabi ni Rocky.

"Like yung idinemanda sa amin, talagang wala kaming kasalanan doon."

THE CASE. Ang tinutukoy ni Rocky ay ang pambubugbog diumano nila ni Richard sa radio jock na si Arnel Cruz at sa stylist na si Ram de Vera sa parking lot ng The Fort, Taguig City noong January 30, 2005. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Rocky, "Napag-tripan lang talaga kami.

"Actually, ang nangyari doon, si Chard, birthday celebration niya.

"Sinasabing ang tsismis doon, parang initiation ng isang fraternity. Inutusan na suntukin si Richard habang nagbi-birthday party.

"Ang nangyari, parang may sumuntok sa kanya [Richard] out of nowhere.

"Usually, yung mga nangyayaring gano'n, nagkakataon lang.

"Alam mo naman ang tao, hindi mo naman maiiwasan kung ano ang puwede nilang sabihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalang na raw ang mga gimik nilang magkakapatid, lalo na raw si Richard.

"Actually, bibihira kaming lumabas ngayon para gumimik.

"Mas nagku-concentrate kami sa mga activities, like sa pagba-bike, pagba-basketball," sabi ni Rocky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN