Jolina Magdangal and Mark Escueta torn between church and garden wedding

IMAGE 0


"Ako yung pinakamakulit. Pero si Mark, hindi naman siya yung tipong, 'O, sige, ikaw na ang bahala diyan.' Talagang tinatanong ko sa kanya minsan. Makulit akong magtanong sa kanya. Hindi puwedeng ako lang, ano rin yung gusto mo. Gusto ko pareho kaming kumportable," says Jolina Magdangal about wedding plans with husband-to-be Mark Escueta.


Tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ni Jolina Magdangal sa kanyang musician boyfriend na si Mark Escueta.

Excited ngang ibinahagi mismo ng bride-to-be ang ginagawa niyang paghahanda para sa kanilang kasal sa interview ng In The Limelight na ipinalabas sa GMA News TV Channel 11 noong Martes, July 19.

Pabirong sabi ni Jolina, mahirap palang mag-ala-wedding planner para sa kanyang dream wedding.

"Ang dami palang kinu-consider pag ganun. Parang nahihilo ako palagi, nama-migraine.

"Sa ngayon, ang inaasikaso ko lang talaga yung mga license. Me mga ganun pa pala!" natatawang sabi ng actress-singer.

WEDDING THIS YEAR. June 5, 2011 nang gulatin nina Jolina at Mark ang lahat, isapubliko nila sa programang Party Pilipinas na sila'y engaged na. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon, wala pang definite wedding date, pero plano nila na ngayong taon na magpakasal.

"Meron pa rin kasi akong iba pang inaayus-ayos. So, hindi pa talaga namin napagdedesisyunan kung anong date.

"Pero gusto sana namin talaga this year," sabi ni Jolina.

Torn between garden at church wedding din daw sina Jolens at Mark.

"Garden, kailangan mong tingnan ang mga possibilities, may ulan, di ba? May mga takong ang girls, may mga ganun, e.

"Pagka naman church, one year pala ang booking."

MOTIF & GUESTS. Pagdating naman sa wedding motif, type daw ni Jolina ang girlie-girlie theme.

"Pero gusto ko girlie. Si Ate Reg [Regine Velasquez], red e, di ba?

"Ako naman, medyo dun ako sa medyo pastel side, pumi-peach na pumi-pink, ganun.

"Ayoko sana ng puting-puti, sana lang. Off-white or beige, ganyan," sabi ni Jolina.

Sa mga bisita at entourage, mukhang pinag-iisipan pang mabuti ni Jolina ang mga iimbitahin for her special day.

"Basta lahat, sinusulat ko muna lahat siyempre. Basta lahat nandoon. Lahat ng nakasama ko.

"Hindi pa nga yun tapos, e. Basta naka-groupings yun."

Kahit mas mabusisi raw si Jolina sa wedding preparations kaysa sa kanyang soon-to-be-husband na si Mark, hinihingi pa rin daw niya ang opinyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako yung pinakamakulit. Pero si Mark, hindi naman siya yung tipong, 'O, sige, ikaw na ang bahala diyan.'

"Talagang tinatanong ko sa kanya minsan. Makulit akong magtanong sa kanya.

"Hindi puwedeng ako lang, ano rin yung gusto mo. Gusto ko pareho kaming kumportable."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN