Angelica Panganiban says she's no longer "anti-Father's Day"

IMAGE 0


"Nakakapanibago dahil iiwan ko na ngayon ang 'samahang walang ama' kasi nga, may ama na ako," says Angelica Panganibam when asked how she will celebrate Father's Day. The young actress met her father for the first time last year.


Kung dati ay hindi binibigyang pansin ni Angelica Panganiban ang Father's Day, ngayon ay masaya na niya itong alalahanin.

Matatandaan na bago matapos ang taong 2010, malugod na isinalaysay ni Angelica ang pagkikita nila ng kanyang long-lost father (CLICK HERE to read related article.)

Dahil dito, ngayong taong ito ang unang pagkakataon na ipagdidiwang niya ang Father's Day. Pero dahil nasa States ang kanyang ama, baka sa telepono na lamang sila makapag-usap.

"Tatawagan ko lang siya. Ang pangit naman mag-celebrate alone," sabi ni Angelica sa interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Aminado ang 24-year-old actress na hindi siya sanay na gawin ito dahil simula noong bata siya ay hindi niya nakapiling o nakilala man lang ang tunay na ama.

Kwento pa ng Kapamilya actress, "Siyempre, nakakapanibago kasi dati anti-Father's Day ako.

"[Tinatanong ko], bakit may Father's Day pa, pwede namang Mother's Day na lang ang mangyayari, di ba?

"So, ngayon nakakapanibago dahil iiwan ko na ngayon ang 'samahang walang ama' kasi nga, may ama na ako."

Katulad niya, natutuwa rin naman ang kanyang ama na nagngangalang Mark Charlson sa kanilang pagkakakilala.

Sabi ni Angel, "Siyempre, happy siya. Hindi ko nga alam kung magiging happy siya kasi mas kaunti ang time na nakakausap ko siya.

"Pero, siyempre, mas nangingibabaw ang happiness niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN