Rey "PJ" Abellana and daughter Carla Abellana patch things up: "Everything's normal again... okey na ulit kaming dalawa."

IMAGE 0


"Nagkaroon naman kami ng chance na magkausap and we patched it up. Na-clear na ang lahat ng issue kaya nandito ako with her now," says Rey "PJ" Abellana. The former matinee actor surprised his daughter, Carla Abellana, when he showed up at her birthday celebration and fans' day on June 17 at SM North EDSA.


Sinorpresa ng dating matinee idol na si Rey "PJ" Abellana ang anak na si Carla Abellana na nag-celebrate ng kanyang birthday sa pamamagitan ng isang fans' day na ginanap last June 17 sa SM North EDSA.

Marami ang nakasaksi sa muling pagkikita ng mag-ama. Sa naging panayam namin kay Carla mismo, matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap dahil sa sobrang busy nito.

Naging daan ang fans' day ni Carla para muling makasama sila ng kanyang ama.

Kung matatandaan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama dahil sa mga nasabi ni PJ sa kanyang mga interviews tungkol sa pakikipagrelasyon ni Carla kay Geoff Eigenmann.

"Everything's normal again. After the time na may nangyaring intriga with regards sa comments ko sa lovelife niya, okey na ulit kaming dalawa," ang sabi ni PJ sa PEP.ph (Philippines Entertainment Portal).

"There was a time noong lumabas 'yan, wala kaming communication. Hindi kami nagkikita. We were both very busy kaya we didn't have the chance to talk. Mahirap kasi yung hindi kayo nagkikita talaga.

"Nagkaroon naman kami ng chance na magkausap and we patched it up. Na-clear na ang lahat ng issue kaya nandito ako with her now."

DADDY'S GIRL. Naikuwento ni PJ na ang pinaka-close daw sa kanya ay si Carla, kumpara sa Ate Erica nito. Daddy's girl raw si Carla at marami silang mga magagandang pagsasama noon kahit na naghiwalay na sila ng asawa niyang si Rea Reyes.

"Very affectionate si Carla sa akin compared sa Ate niya. Even when they were young, mas close talaga si Carla sa akin. More of Papa's girl 'yan.

"Marami kaming memorable na mga lakad. They are very fond of fishing. Everytime we go fishing, they enjoyed it. Marami kaming mga exciting fishing trips noong mga maliliit pa sila," pag-alala pa niya.

Ayon kay PJ, si Carla ang pinakatahimik sa dalawang anak niya kay Rea. Hindi raw ito masyadong nagpapakita ng kanyang mga nararamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Carla is the reserved type. Quiet siya talaga. But she is very loving. Minsan tago ang mga thoughts and feelings niya, pero I know that deep inside, she is a loving person. Hanggang ngayon gano'n pa rin siya."

Inamin ni PJ na marami siyang naging pagkakamali kaya lumaki sa isang broken home si Carla at ang Ate nito. Pero gayun pa man, he tries na hindi mawala ang communication sa kanyang mga anak.

"All those years na hindi kami magkasama, I always see to it na nandiyan ako at nagpapakita ako sa kanila. Nasusundo ko sila at nagkakasama kami from the time na mga babies pa sila hanggang sa paglaki nila.

"Kaya sobra akong natutuwa because Carla has grown into a lovely woman. I thank God dahil nabigyan ako ng isang maganda, matalino at mapagmahal na anak.

"Kaya nandito ako para sa birthday celebration niya. And at the same time, fans' day pa niya. Nag-birthday siya last June 12, hindi pa kami nagkikita. Ngayon lang talaga kaya excited din akong makilala ang mga fans niya. Sila ang sumusuporta sa anak ko and sana ipagpatuloy lang nila iyon dahil mamahalin din sila ni Carla," aniya.

Muntik na ring maiyak si PJ nang makita niyang umiyak si Carla habang niyakap siya nito.

"Nararamdaman kong naiiyak siya. Ramdam ko rin at parang naiiyak din ako!" tawa pa niya.

"Bihira kaming magkita ng anak ko, kahit na yung mag-usap sa phone ay hindi namin nagagawa. Kaya I miss her.

"That's why I am happy that she is doing well sa kanyang career. But at the same time ay nalulungkot ako kasi nawawalan na siya ng oras para sa aming pamilya. Gusto ko rin na nagkakasama kami.

"Things were never the same noong nag-artista siya. Mas naging madalang na ang pagkikita namin unlike before na regular kaming nagkakausap. I just miss her and I thank God for giving us this time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa issue nila ng boyfriend ni Carla na si Geoff, sinabi ni PJ na naayos na raw iyon.

"Kami ni Geoff, we are okay. Wala kaming gap or anything. I just don't know kung naapektuhan siya sa naging intriga na iyon. Sa akin, wala naman. And I know that Geoff is a good boy. Nandiyan ang mother niya, si Gina Alajar, na nagga-guide sa kanya."

Ano ang birthday wish niya para kay Carla?

"Marami akong wishes for Carla. Unang-una ay huwag siyang makakalimot magpasalamat sa Diyos for all the blessings na natatanggap niya.

"I always tell her kahit na noong mga bata pa sila na don't forget to pray and be thankful for all the blessings. In spite of her busy and hectic schedule, I pray that she will not forget to have time for her family.

"I wish for Carla na humusay pa sa kanyang craft. I wish for her more ideal projects," pagtatapos pa ni Rey "PJ" Abellana


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN