John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao are now "bulletproof" against intrigues

IMAGE 0


"Kahit sabihin mong malaking parte ng pagkatao ko ang trabahong ito, I don't think kaya akong paikutin ng sabi-sabi. Natutunan namin sa isa't isa, yung mga bagay na yun definitely helped us to make our relationship stronger kahit na ano ang dumating. Hopefully, dahil sa mga nangyaring ito, sa mga natutunan namin sa isa't isa, mas makakatulong yun para sa amin," says John Lloyd Cruz about intrigues.


Isang buwang nagbakasyon ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa Europe.

Napuntahan nila halos lahat ng pinakasikat na tourist spots sa Europe. Kabilang na rito ang Louvre at The Queen's Hamlet sa France; Piazza San Marco at ang famous gondolas sa France.

Kung titingnan, it was an ideal romantic vacation para sa showbiz couple na sina John Lloyd at Shaina.

Sa panayam ng The Buzz kahapon, June 12, kay John Lloyd, nag-share ito ng ilang experiences nila ni Shaina sa kanilang European vacation.

"Naging maganda ang experience namin. Napakasaya.

"Parang pag-uwi mo from Europe, parang napakarami mong alam bigla.

"Nagkataon lang na yung pinsan ko at partner niya, yung asawa niya, pupunta ng Europe.

"In a way, medyo naki-hitch na lang kami," lahad niya.

Pero sa kanilang pagbabakasyon na yun, may kakambal na agad itong isyu.

Isa na rito ang diumano'y nag-propose na raw si John Lloyd kay Shaina sa Europe.

Pangalawa, sa tagal nilang nawala, diumano'y buntis si Shaina.

Pero ayon kay John Lloyd, "Nabuntis... ewan ko... Ngayon naman, engaged na raw kami.

"Sa dami na ng pinagdaanan, mga sinabi, mga binato sa amin, tanggap naman namin na parte 'yan ng trabaho namin.

"Pero sana, matuto silang tumahimik na dahil wala naman kaming ginagawa kung sinuman ang mga nag-iimbento."

At sa loob naman daw ng isang taon nilang relasyon, natuto na raw silang huwag magpaapekto sa mga intriga.

"Bulletproof na kami," sabi ni John Lloyd.

"Yung mga ganyang bagay, tanggap na namin na part ng trabaho natin.

"Naririnig namin, tatawanan natin.

"Lalo na ako, kilala n'yo naman ako, hindi naman diyan umiikot...

"Kahit sabihin mong malaking parte ng pagkatao ko ang trabahong ito, I don't think kaya akong paikutin ng sabi-sabi.

"Natutunan namin sa isa't isa, yung mga bagay na yun definitely helped us to make our relationship stronger kahit na ano ang dumating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, dahil sa mga nangyaring ito, sa mga natutunan namin sa isa't isa, mas makakatulong yun para sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN