Joshua Zamora on reported sighting of brother Jason shopping with the wife of Senator Chiz Escudero: "Ayokong mag-comment kung hindi rin naman ako sigurado."

IMAGE 0


Ilang buwan na ring pinag-uusapan ang umano'y paghihiwalay nina Senator Francis Joseph "Chiz" Escudero (above) at ng asawa nitong si Christine Elizabeth Flores. Ngunit hanggang sa mga araw na ito ay tikom pa rin ang bibig ng dalawa tungkol sa isyu.


Ilang buwan na ring pinag-uusapan ang umano'y paghihiwalay nina Senator Francis Joseph 'Chiz' Escudero at ng asawa nitong si Christine Flores.

Citing an unnamed source, StarTalk TX host and entertainment editor Ricky Lo reported last April 19 ( in his Funfare column in The Philippine Star) na limang buwan na raw hiwalay ang dalawa.

Kinabukasan, April 20, the senator relayed a rejoinder of sorts: "Leave us alone!" Ito ang headline ng sumunod na artikulo ng kolumnista.

Hanggang sa mga araw na ito ay tikom pa rin ang bibig nina Chiz at Christine hinggil sa isyu.

Sa gitna ng mga ulat hinggil sa umano'y high profile break-up, lumutang ang pangalan ni Jason Zamora, ang dancer at choreographer na miyembro ng grupong Maneouvres.

Si Jason ang lalaking iniuugnay sa misis ng senador.

Sa kolum ng showbiz reporter na si Jojo Gabinete sa PEP.ph, he claimed to have personally sighted Christine and Jason habang namimili sa isang mall sa Quezon City noong March 27.

Giving a more detailed account, Gabinete wrote...

"Si Christine nga ang babae na aming nakita. Nakasuot siya ng white blouse at khaki shorts. White shirt, fatigue shorts at cap naman ang suot ni Jason.

"Si Jason ang nagbayad ng mga pinamili nila ni Christine sa Healthy Options dahil pumunta ang huli sa Marks & Spencer store. Pagkatapos magbayad, sinundan ni Jason si Christine sa tindahan na pinuntahan nito."

Samantala, last May 6, 2011, sa artikulong pinamagatang "Wife Out-Manoeuvres Chiz," sinulat ng business columnist na si Victor Agustin sa Manila Standard Today ...

"The wife apparently has found in her rebound a partner to help her run a small business, a dance studio that the senator had funded to keep his then new wife busy."

Sa kabila ng sunud-sunod na balita, not a word was heard from the senator, his wife and the rumored third wheel.

Earlier this week, StarTalk TX caught up with Jason's brother and fellow Manoeuvres' member Joshua Zamora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa ng StarTalk TX si Joshua hinggil sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kapatid.

"Actually nabalitaan ko na rin yan pero ako kasi, mahirap mag-react kung hindi mo masyadong alam pa yung sitwasyon. And ako naman, on behalf of my brother, I cannot speak naman for him, di ba? Kasi kumbaga entitled naman siya magsalita on his own."

Patuloy pang pahayag ni Joshua sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX.


"Siyempre senator yan, nire-respect ko our senator di ba? Tsaka mahirap, masyadong delicate na ano yun. Wala naman akong alam, hindi ako sigurado, di ba?

"Mahirap magbigay ng conclusion.

"Ayokong mag-comment kung hindi rin naman ako sigurado."

Bagamat aktibo pa rin sa Manoeuvres, Jason has been doing choreography for commercials. Si Joshua naman ay abala ngayon bilang mentor ng mga bata sa bagong kiddie talent search ng GMA, ang I-Shine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN