Roxanne Barcelo goes topless in two projects; not yet ready to settle down with non-showbiz boyfriend

IMAGE 0


"Hopefully kapag dumating na lang sa tamang panahon, malalaman naman natin yun. Tsaka hindi ko po naman itatago yun. At saka alam ko hindi pa ako papayagan ng aking mga managers," says Roxanne Barcelo when asked if she's ready to settle down.


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lovelife ng young actress na si Roxanne Barcelo nang makausap namin siya sa grand launch ng Amaya last week.

Isang non-showbiz guy, businessman, ang boyfriend ni Roxanne ngayon.

"Masaya naman, non-showbiz... Oo, tahimik," sambit niya.

"He lives a very quiet life, out of the spotlight. Ka-age ko, Pinoy siya," banggit pa ng 25-year-old actress.

"Tapos, matagal na kaming magkakilala, college pa lang.

"Two years akong single, tapos niligawan niya ako nang matagal.

"Talagang sabi ko [sa sarili ko], 'Sandali, gusto ko pang maging single!'

"Kasi, mas marami kang... Parang wala kang iniisip kapag single ka.

"Pero at the same time, very supportive siya, so hindi naman siya nakakahadlang sa career ko.

"Hindi naman siya hindrance kasi very supportive siya, parang...

"Napag-uusapan naman namin nang very openly yung mga ginagawa ko [sa showbiz].

"Ang sabi niya pa nga, 'Just do your best.'"

Magtu-two and a half years na ang relasyon nila.

ON SETTLING DOWN. Hindi pa ba nagyayayang magpakasal ang boyfriend niya?

"Hindi pa," sagot ni Roxanne.

"Puro pabiro, tinitingnan niya siguro yung reaksiyon ko."

Ano ba ang magiging reaksiyon niya kung sakali?

"E, pa-joke niyang sinasabi, so tumatawa ako.

"Pero may mga times na napag-uusapan namin na seryoso naman.

"Ano, in time, when the right time comes," sabi niya.

Paano kapag biglaang magyaya ng kasal ang boyfriend niya na seryoso?

"Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong mangyayari!" ang natatawang sagot ni Roxanne.

Ready na ba siyang mag-asawa?

"Hopefully kapag dumating na lang sa tamang panahon, malalaman naman natin yun.

"'Tsaka hindi ko po naman itatago yun.

"Atsaka alam ko hindi pa ako papayagan ng aking mga managers."

Sina Joe Barrameda (movie columnist na manager din nina Jillian Ward at Kevin Santos) at si Jacky Woo (Japanese actor/producer) ang managers ni Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOPLESS. Kasama si Roxanne sa epicserye ng GMA-7 na Amaya. Gumaganap siya rito bilang si Kayang, ang uripon (alipin) ni Marikit (Rochelle Pangilinan).

May ginawa ring pelikula si Roxanne, ang Haruo.

Kung sa Amaya ay topless siya, sa pelikulang Haruo ay nag-topless din si Roxanne.

"Yung first [topless] sa Haruo po, pero wala rin po namang makikita talaga. Kumbaga, ingat na ingat.

"Yung Haruo is a Japanese film na dito po ginawa sa Pilipinas.

"Pangalan po siya ni Jacky Woo.

"Sa story po, bale tumira po siya dito sa Pilipinas after ng isang crime na nangyari."

Bakit siya nag-topless doon sa Haruo?

"A, meron po kasing love scene doon," sabi ni Roxanne.

Hindi raw siya nagdalawang-isip to go topless, both for Haruo and Amaya.

"Trabaho po 'yon, parte ng trabaho, kaya wala naman po akong nakikitang masama," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN