Angelu de Leon pregnant with her third child; her first with non-showbiz husband

IMAGE 0


"After 10 years, I'll have another baby. Sarap lang ng feeling when I told my husband, he hugged me tight and kissed me. Tapos naka-smile lang kami the whole day," says Angelu de Leon about her third pregnancy.


Kagabi lang, June 2, nalaman ni Angelu de Leon na siya ay nagdadalang-tao muli.

Pangatlong anak na ni Angelu ang kanyang ipinagbubuntis ngayon. This time, sa napangasawa niyang non-showbiz guy na si Wowie Rivera.

Ang panganay ni Angelu na si Nicole ay anak niya sa kanyang dating boyfriend na si Joko Diaz, samantalang ang pangalawa niyang anak na si Louise ay sa businessman na si Jojo Manlongat.

Wala halos pagsidlan sa kaligayahan si Angelu dahil after nine months of marriage, masasabi raw niyang mas kumpleto na ngayon ang pamilya niya sa pagdating ng kanilang bagong baby.

"I just found out last night. Magpapa-ultrasound pa ako in two weeks to find out exactly how many weeks na ako," sabi ni Angelu sa text message na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naging kontrobersiyal ang dalawang nakaraang pregnancy ni Angelu. Kaya tinanong namin siya kung ano ang difference ngayon nang malaman niyang buntis na siya sa una nilang anak ng kanyang mister.

"Sobrang excited and nerbiyos din," sagot niya.

"After 10 years, I'll have another baby.

"Sarap lang ng feeling when I told my husband, he hugged me tight and kissed me.

"Tapos naka-smile lang kami the whole day.

"Sabi ko nga, after almost nine months of being married, after nine months, I'll be a mom and we'll have a complete family."

Sa kasalukuyan, gumaganap na ina ni Jackie Rice si Angelu sa afternoon series ng GMA-7 na Sisid.

Mukhang hindi naman daw maaapektuhan ang pagtatrabaho niya, lalo pa't nasa early stage of pregnancy pa lang naman si Angelu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN