Aiko Melendez pays a visit to Bulacan where she is persona non grata: "Hindi po ako binato ng itlog, binato po ako ng pagmamahal nila."

IMAGE 0


"I think there's no basis," ang unang pahayag ni Aiko Melendez nang nakausap siya ng StarTalk TX sa isang taped interview sa Malolos na ipinalabas kahapon. The actress was referring to the libel case filed by her ex-boyfriend Bulacan Mayor Patrick Meneses.


Isang buwan matapos siyang sampahan ng kasong libelo ng dating nobyo, nag-file na nitong Lunes si Aiko Melendez ng kanyang counter-affidavit sa Malolos Fiscal's Office.

Sagot ito sa asuntong inihain ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses noong April 28 kaugnay ng mga mapanirang direct messages sa pagitan umano ni Aiko at ng isang kaibigan sa Twitter.

"I think there's no basis," ang unang pahayag ni Aiko nang nakausap ng StarTalk TX sa isang taped interview sa Malolos na ipinalabas kahapon.

Ayon naman sa abugado ni Aiko na si Atty. Peter John Javier...

"We're not at liberty to discuss the details of what we filed but again, just to say, there's no truth to the allegations. We're quite confident... we're hoping that this will be dismissed."

Inamin ni Aiko na may pag-aalinlangan siya bago tumuntong ng Malolos. Ito'y dahil na rin sa isang resolusyong nagdedeklara sa kanya bilang persona non-grata sa buong lalawigan ng Bulacan.

"Kanina nanlalamig po ang aking mga kamay, na baka ako po ay hindi matanggap ng mga Bulakenyos.

"I think you know, ang mga Bulakenyos, malaki ang puso nila, at hindi sila mapaghusgang tao.

"Hindi po ako binato ng itlog, binato po ako ng pagmamahal nila."

Sa katunayan, nakapag-taping pa raw si Aiko sa isang bayan doon.

"Yes, in San Miguel, Bulacan and I'd like to take this opportunity, of course, to thank Mayor Eric Tiongson, he welcomed me with loving arms."

Patuloy pang pahayag ni Aiko...

"Like what I've said, I've never said anything bad about the province.

"Nakikiusap lang po sana ako doon sa 21 mayors ho na nag-sign po ng persona non grata sa akin, alam naman ninyo, mga mayors, na wala pong basis po.

"Ito po ay something personal.

"Haharapin ko po yung libelo po na finile po sa akin ng aking ex-boyfriend po na si Mayor Patrick Meneses at ng kanyang kaibigan na si Mayor Enrico Roque."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On Aiko's side, pinagbigyan sila ng isang Quezon City court sa hiling na temporary protection order or TPO para sa aktres.

Sinabi ni Atty Javier na...

"It's something that we cannot discuss this afternoon, it's before the courts of Quezon City so let's just wait for the outcome of that case.

"But definitely, Aiko is just protecting her rights. Mayor Meneses cannot communicate directly with Aiko or visit her, go to her house, go near her."

Positibo ba si Aiko na maaayos din ang kaso nila ng dating nobyo?

"I want this to end na in such a way na maayos lahat and I will end this not only to satisfy my family and my supporters but I will end this with dignity."

Tinawagan ng StarTalk TX ang tanggapan ni Mayor Meneses nguni't tumanggi itong magbigay ng pahayag dahil nasa korte na raw ang usapin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN