Jennylyn Mercado and Patrick Garcia reunite as friends and parents to their son

IMAGE 0


Ex-lovers Jennylyn Mercado and Patrick Garcia faced each other in a one-on-one interview at Showbiz Central yesterday, June 5. They openly talked about their past relationship, their son Alex Jazz, and even Jennylyn's present lovelife.


Live na nag-guest si Patrick Garcia sa Showbiz Central kahapon, June 5, at ang nag-interview sa kanya ay ang mismong ex-girlfriend niya na si Jennylyn Mercado, na guest co-host ng showbiz talk show ng GMA-7.

Pero bago ang one-on-one interview ni Jennylyn kay Patrick, isang video clip ni Jennylyn ang ipinalabas kunsaan binalikan niya ang kanilang nakaraan ni Patrick:

"Alam ninyo ngayon pa lang na hindi ito isang love story na may happily ever after.

"Nagkakilala kami at nagmahalan; nagbunga yung pagmamahalan na yun. But like all good things, natapos din yun.

"Nasaksihan ng lahat ang istorya namin ni Patrick, pero may mga bagay na mahirap pag-usapan especially when you're still in that situation.

"Pero ngayon, nakahinga na kami, nakapagpahinga na kami mula sa lahat ng mga trials na pinagdaanan namin together and separately.

"Minsan din naman kaming nagmahalan, siguro oras na para pag-usapan ang lahat ng iyon at sa wakas, kalimutan.

"Patrick and I are ready to close the chapters and move forward.

"Samahan ninyo po kami as we reunite as friends."

Pagkatapos nito ay in-introduce na ni Jennylyn si Patrick upang simulan na ang kanilang pag-uusap: "Eto na po, ang father ng aking son, Mr. Patrick Garcia!"

Ang unang itinanong ni Jennnylyn kay Patrick ay kung bakit siya napapayag at paano siya na-convince na ma-interview at si Jennylyn pa ang mag-i-interview sa kanya. At kung kinakabahan din ba siya?

Patrick: "Hindi naman ako kinakabahan.

"Siyempre magkaibigan na tayo at may anak tayo, siyempre hindi naman masama na interbyuhin mo ako, di ba?"

Jennylyn: "Alam naman ng lahat ang love story natin, e, di ba?

"Meron ka bang mga pinagsisisihan, at nanghihinayang ka ba na, 'Sayang si Jennylyn!' yung ganun?

"Wala bang ganun?"

Patrick: "Siguro nung time na yun, siyempre meron.

"Pero siyempre nangyari na yung nangyari, at siguro may mga ibang tao na siguro pilit tayong pinaglalayo o whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre may kasalanan din ako...at alam ko may kasalanan ka rin."

Jennylyn: "A, alam ko! Hahaha! Friends na tayo, di ba?

"Shake hands! Friends na tayo.

"Hindi, actually, ako, siyempre naman meron din naman akong mga pagkukulang.

"Alam ko naman yun at nung time na yun, meron tayong mga hindi pagkakaintindihan.

"Marami tayong mga bagay na hindi napagkakasunduan kaya siguro dumating din yung oras na pareho na tayong napagod sa isa't isa."

Patrick: "At least ngayon okay, at friends na tayo at wala nang problema.

"And it's nice to be friends, siyempre may Jazz na tayo at siyempre mas maganda na magkaibigan na tayo.

"Para in a way, maparamdam natin sa anak natin na in a way kumpleto."

Jennylyn: "Ano yung mga naiisip mo na sa tingin mo na best memories ng relationship natin noon?

Patrick: "Yung the way na kung paano mo ako alagaan."

Jennylyn: "Nami-miss mo ba ako?"

Patrick: "Baka magalit si Luis!"

Jennylyn: "Hahaha! For the record, single po ako at hindi masama na siyempre mag-entertain ng mga manliligaw, ganyan.

"So, okay lang yun, di ba?

"Hindi mo nasagot ang tanong ko. Nami-miss mo ba ako? Ano ba?

"Kanina pa naghihintay ang mga tao dito, ako kanina pa naghihintay ng sagot mo? Ano ba talaga?"

Patrick: "Alam mo, matagal akong naghintay, e. Pero nagka-Dennis [Trillo] ka, di ba? So, iyon."

Jennylyn: "Walang banggitan! Gusto mo, magbanggit ako? Hahaha! Ano ka ba, ikaw talaga, oo! Hahaha!

"Ako naman, kung ako ang tatanungin mo, bilang hindi mo naman ako tinatanong, ang nami-miss ko naman sa 'yo, yung pagsunud-sunod mo sa akin noon.

"Talagang iba! Ikaw lang yung naging boyfriend ko na talagang parating nandiyan, na kahit hindi ko hinahanap, biglang 'Ooops, nandiyan na si Patrick sa likod ko.'"

Patrick: "Pero hindi naman stalker!"

Jennylyn: "Hindi naman stalker. Gusto ko yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patrick: "Kasi siyempre, ikaw, kung saan-saan ka nakakapunta. Siyempre nung time na yun, gusto ko lang safe ka, di ba?"

Jennylyn: "Kung talaga bang nandito ako, kung talaga bang nandiyan ako."

Patrick: "Na baka nagsisinungaling ka, na baka may lalaking pumupunta sa 'yo."

Jennylyn: "Ano yung mga gusto mong sabihin na hindi mo nasabi sa akin noon nung nagkahiwalay tayo? Na sana, 'Nasabi ko man lang kay Jen, na ganito, na ganyan?'"

Patrick: "Siguro sana naayos natin ang mga problema natin kung tayong dalawa lang ang nag-usap."

Jennylyn: "Oo nga, kung na-handle natin as grown-ups or mature persons yung situation.

"Pero nung time na yun kasi, magulo, very emotional din ako dahil pregnant ako."

Patrick: "At ako mabarkada pa nun!"

Jennylyn: "Ay, yes! Nakupo, ikaw talaga!

"May sama ka pa ba ng loob sa akin?"

Patrick: "Ever since naman, wala, e, wala naman, e.

"Kumbaga, never naman ako nag-ano, e, I mean, nagtanim ng sama ng loob or you know.

"Basta kung anuman ang sabihin mo tungkol sa akin, tatanggapin ko na lang, hindi ko na ide-defend ang sarili ko."

Jennylyn: "Pero in fairness, guwapo ka pa rin!

"Ang laki ng pinagbago mo, Pat.

"Ano pa ang mga gusto mong mangyari sa 'yo? May plans ka ba para sa buhay mo, sa future ng anak natin?

"Ano bang gusto mong mangyari paglaki niya? Gusto mo ba siyang maging doktor, ganyan?"

Patrick: "Siguro dati, nung wala pa si Jazz, siguro selfish ako, e. Parang sarili ko lang ang iniisip ko.

"Nung nandun na si Jazz, parang hindi lang sarili ko ang iniisip ko kundi yung si Jazz, kung anong mangyayari sa kanya, yung future niya, at saka gusto ko siyang lumaking masaya.

"At kung anuman ang gusto niyang gawin in the future, suportado ko siya."

Jennylyn: "Ako, have I changed a lot since then? Gumanda ba ako, sumeksi ba ako? Ano sa tingin mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Itong interview na 'to, talagang... Patrick, pinaghandaan ko ito!

"Nagsuot pa ako ng ganitong damit, hindi ako kumportable, pero talagang nag-backless ako para sa 'yo!"

Patrick: "Alam mo namang seksi ka! Tingnan mo, hanggang ngayon ang dami pa ring lumiligaw sa 'yo."

Jennylyn: "Iyan ang gusto ko sa 'yo, e, talagang honest ka, e."

Sa pagpapatuloy pang pagtatanong ni Jennylyn kay Patrick, dumako naman ang usapan nila kay Luis Manzano, na nanliligaw ngayon sa actress-singer.

Jennylyn: "Alam mo naman na hindi na secret yung closeness namin ni Luis. Di ba, friend mo siya?"

Patrick: "Oo, friend ko si Luis."

Jennylyn: "I trust you kaya... Do you think he'd be good for me? Ano sa tingin mo? Advice lang ha, humihingi lang ako ng advice."

Patrick: "Si Luis, ilang beses ko nang nakatrabaho.

"Luis is very...gentleman, matalino, at masarap kausap. At feeling ko naman, kaya ka niyang alagaan."

Jennylyn: "Feeling mo?"

Patrick: "Feeling ko. Pero siyempre mas importante pa rin siyempre ang feeling mo kasi lalaki ako, e."

Jennylyn: "Tama, importante ang feeling ko.

"Teka lang, kung ikaw ang tatanungin ko, ano ba ang mga qualities...ano bang type ng guy ang gusto mo para sa akin?

"Siyempre, di ba, importante rin sa akin yung opinyon mo?"

Patrick: "Well, yung mature, yung kayang tanggapin na may anak ka na siyempre, at yung hindi ka sasaktan, iyon."

Jennylyn: "Hay, naku naman! Salamat, ha. Any advice ba kung paano ko haharapin yung mga challenges na pinagdaanan ko at pagdadaanan ko pa?"

Patrick: "Well, love is always a risk, e. Hindi mo talaga alam kung paano mag-e-end, kung happy ending o hindi.

"And I guess it's... follow your heart. I mean, if you'll get hurt or not, babangon ka pa rin naman, so just take the risk."

Jennylyn: "Yes, totoo 'yan, totoo 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ninyo, mga kaibigan, na happy ako na kasama ko si Patrick dito, nakita ninyo na okay naman kami at ginagawa namin ang lahat para kay Jazz, para maging okay din na mother and father para kay Jazz.

"And I feel so blessed na nagkaroon tayo ng baby na katulad ni Jazz.

"Sa tingin mo, ano ba yung mga nakuha niyang qualities mo pag nakikita mo siya, yung attitude niya, kung paano siya kumilos?

"Well, yung itsura, wala nang question, sa 'yo na lahat. Pati gender, sa 'yo na lahat.

"Pero yung mga qualities na kunyari, ano bang mga nakikita mong ginagawa niya na ginagawa mo rin?

"Sleepy ba siya parati katulad ikaw, parati kang tulog, ganyan?

Patrick: "Well, halos lahat yata sa akin nakuha, pero tingnan natin pagtanda niya.

"Siguro yung katalinuhan mo, makuha niya, di ba? Hindi pa natin alam yun."

Jennylyn: "Sana magaling din siyang kumanta, 'no?"

Patrick: "Feeling ko."

Jennylyn: "Ano bang mga dreams mo for him?"

Patrick: "Of course, I want him to have the best education and I always wanna make him feel na nandito ako para sa kanya.

"Because in a point in my life before, na I felt, you know, parang... Basta gusto kong iparamdam sa kanya na never ako wala sa tabi niya."

Jennylyn: "Thank you, thank you. Nice. Thank you.

"I just wanna thank you for being a good father at parati kang nandiyan para kay Jazz."

Bilang special guest ay tinawag onstage ni Jennylyn ang anak nila ni Patrick na si Alex Jazz, at mabilis itong kumandong sa ama.

"Ito mahal ang TF [talent fee] nito, hindi ito mababayaran ng kahit na sino!" tumatawang sinabi ni Jennylyn about their son's live TV appearance.


After Jennylyn's interview, hiningan ng mensahe si Patrick para kay Jennylyn ng iba pang Showbiz Central hosts na sina John "Sweet" Lapus, Rufa Me Quinto, at Raymond Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, I want you to be happy and sana mahanap mo yung lalaking magmamahal talaga sa 'yo at rerespeto sa 'yo, at mamahalin din si Jazz. Siyempre importante 'yon," sabi ni Patrick.

Tinanong naman si Jennylyn kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

"Well, para sa akin...kasi masaya yung feeling kasi... Lagi ko naman siyang nakikita, e, si Patrick.

"But, di ba, ngayon lang nakita ng mga tao kung paano talaga kaming dalawa ni Patrick pag nagkikita kami sa house, ganyan, kung gaano kami ka-comfortable sa isa't isa.

"At makikita nila na wala na talaga yung... Wala na yung sama ng loob, happy na, happy family na," saad ni Jennylyn.

At nang tanungin ang dalawa if ever may show o soap opera na ialok sa kanila ang GMA-7, wala raw problema.

"Basta huwag ka lang mai-in love sa akin ulit," pagbibirong sabi ni Patrick kay Jennylyn.

Buwelta naman ni Jennylyn: "Ay, teka lang, dapat ikaw ang huwag ma-in love ulit sa akin!"

Hiningan din si Patrick ng message para kay Luis.

"Alagaan mo si Jen, ha, kung hindi... Hindi, loko lang! Basta masaya kayong dalawa, susuportahan ko kayo!"

Tinanong naman si Jennylyn kung sinagot na ba niya si Luis.

"No!" tanggi niya.

"Kinaklaro ko parati na hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon, at kung makapaghihintay, mas maganda.

"Kasi ako talaga, siguro matatagalan pa. Focused pa ako sa family ko at sa career ko sa ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN