Dennis Trillo reveals his biggest sin in the past: "Yung nagkaroon ako ng anak sa pagkabinata na hindi ko naamin agad."

IMAGE 0


"Palagay ko, ano, magpapakatotoo na ako, 'no—lahat naman tayo rito, makasalanan. So, hindi ako magbubuhat ng sariling bangko. Pero lahat tayo makasalanan. Iba-ibang level yun ng kasalanan," says Dennis Trillo.


Pagkatapos ng fantasy primetime series na Dwarfina ay balik na naman sa afternoon block ng GMA-7 si Dennis Trillo. Ito ay sa pamamagitan ng Sinner or Saint, kung saan kasama niya sina Bianca King, Polo Ravales, at ang nagbabalik-Kapuso na si Alessandra de Rossi.

Marami na rin ginawang afternoon series si Dennis. Hindi ba niya nami-miss ang primetime?

"Puwede...pero maganda rin po minsan ang mapunta ka ng pang-hapon," sagot ng aktor.

"Iba ang manonood ng pang-hapon, iba rin ang manonood ng primetime.

"Iba ang tipo ng proyektong ipinapalabas sa pang-hapon kaya maganda rin na maka-reach out ka sa mga manonood ngayon.

"Para pagbalik mo ng primetime, lalo pang madagdagan, mahakot mo ang mga viewers mo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Sinner or Saint kagabi, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Si Dennis ay isang aktor na hindi takot tumanggap ng iba't ibang klase ng roles at mag-experiment.

"Dati pa naman, kahit bigyan mo ako ng kahit anong role, mas kakaiba, mas okay sa akin," sabi niya.

Patunay nga nito ang cross-dressing role niya sa debut film niyang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004), na nagpanalo sa kanyang ng acting trophies sa iba't ibang award-giving bodies.

Although napakarami nang drama series na nagawa ni Dennis, marami pa rin daw bagong mapapanood sa kanya sa Sinner or Saint, na dating Sentensiyada ang title.

Kuwento niya, "Noong una ko pa lang nabasa ang script, unang pagkabasa na pagkabasa ko sa ending, sabi ko, mukhang matsa-challenge ako nang husto.

"Sentensiyada pa ang title noon, hindi pa Sinner or Saint.

"Sabi ko, mukhang matsa-challenge ako nang husto.

"Kumbaga, itong drama na ito, mabigat na drama at marami siyang puwedeng magawa.

"Hindi lang siya basta drama, maraming anggulo na puwedeng paglaruan.

"Hindi lang din ako typical na mabait."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINNER OR SAINT? Tinanong naman ng PEP si Dennis kung ano siya sa serye—sinner or saint?

"'Yun ang kailangan nilang malaman dito. Pero palagay ko, pareho kasi...pareho, e," sagot niya.

In real life, sinner or saint ba siya?

"Naku, 'yan na!" natatawang reaction niya.

"Palagay ko, ano, magpapakatotoo na ako, 'no—lahat naman tayo rito, makasalanan.

"So, hindi ako magbubuhat ng sariling bangko.

"Pero lahat tayo makasalanan. Iba-ibang level yun ng kasalanan.

"Pero siyempre, hindi lang puro sinner.

"Sinner kasi minsan, hindi natin alam na meron tayong natatapakan or nayuyurakan na mga tao.

"Pero ang mahalaga no'n, yung maintindihan mo na meron kang nagawang kasalanan.

"Matanggap mo na yun ang nagawa mong kasalanan."

May mabigat na ba siyang kasalanang nagawa?

"Siguro pinakamalaking nagawa kong kasalanan sa tanang buhay ko, yung nagkaroon ako ng anak sa pagkabinata na hindi ko naamin agad."

Ang tinutukoy ni Dennis ay ang pagdedenay niya noong una na siya ang ama ng anak ng dati niyang girlfriend na si Carlene Aguilar—si Calix Andreas.

"Pero noong time na yun, sobrang confused na ako.

"Ngayon siyempre, mas tumanda na ako, lumawak na ang isipan ko.

"Parang pinagsisihan ko ang bagay na yun kasi... Isa yun sa sana hindi ko na lang ginawa yun.

"Pero ngayon, parang nakalimutan ko na dahil ngayon, ibang klase naman ang saya na naibibigay ng anak ko.

"Kaya kung meron man akong napagsisihan at hindi ko nagawa, siguro yun."

LEADING LADIES. Pagbabalik ni Alessandra de Rossi sa GMA-7 ang Sinner or Saint. Marami na silang pinagsamahang projects before kaya gamay na nila ang isa't isa.

"Si Alex, babaeng bakla 'yan, e," nakangiting sabi ni Dennis.

"Hindi ka mahihirapan mag-reach out sa kanya.

"Lalo na noong first day ng taping namin, wala nang kapaan. Alam na namin ang isa't isa.

"Alam ng lahat na napakagaling niyang artista. Kahit saan mo siya ilagay, comedy man or maldita, bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya na-excite ako na ganito ang makakatrabaho ko—Alex de Rossi at saka Bianca King."

Si Iza Calzado sana ang magiging leading lady ni Dennis sa Sinner or Saint, bago ito napunta kay Bianca King.

Ano ang naging reaction niya nang malaman niyang si Bianca na at hindi na si Iza ang makakapareha niya?

"I'm sure si Iza, she has her reason kung bakit hindi niya natanggap ito.

"Siyempre, iba yung si Iza, iba rin yung level na si Bianca.

"Bawat artista, iba-iba ang kayang i-offer.

"Pare-pareho silang magagaling so, sa tingin ko, kahit sino pa man ang leading lady na ilagay rito, basta ang importante, maganda ang materyal na ginagawa ninyo.

"Hindi ka puwedeng magkamali," saad ni Dennis.

Aware din si Dennis na bago si Iza, inalok din kay Jennylyn Mercado ang proyektong ito na sana ay nagsilbing comeback ng teamup nila after Gumapang Ka Sa Lusak.

"Narinig ko yun," nakangiti niyang sabi.

May panghihinayang ba na hindi si Jennylyn ang nakapareha niya?

"Hindi naman masyado, kasi mas gusto ko na may makatrabaho nang iba-iba palagi per project," sagot ng aktor.

Puwede rin kayang na-relieve siya na hindi na ang ex-girlfriend ang kasama niya?

"Na-relieve ba? Well, siguro magiging tensiyonado rin ang set," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN