Vic Sotto relates funny way he learned about daughter-in-law Kristine Hermosa's pregnancy

IMAGE 0


"I want him to learn everything on his own. I want him to experience... Hindi yung ipi-preempt mo na, 'O, ganito ang feeling niyan, ganito ang mararamdaman mo, ha.' Let him expect the unexpected," says Vic Sotto on son Oyo's introduction to fatherhood.


Doble ang kasiyahan ngayon ni Vic Sotto dahil sa nalalapit na pagsilang na naman ng panganay niyang si Danica Sotto-Pingris at ng pagbubuntis ng manugang niyang si Kristine Hermosa-Sotto.

"Doble-doble talaga!" sabi nga ni Bossing nang makaharap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na nagsidatingan sa media launch ng Nokia Dual Sim phones na C2-00 at X1-01.

Parehong ineendorso ni Vic ang mga nabanggit na cellphone units na ilalabas pa lang sa market.

"Buntis si Danica, six months, at si Tin, going two months," balita pa ni Vic sa mga nag-interview sa kanya kahapon, June 9, sa Spicy Fingers Restaurant sa Greenbelt 2, Makati.

"I'm feeling good. Dobleng excitement..." tila wala nang masabi pa dahil sa kasiyahang nararamdaman na pagpapatuloy ni Vic.

"Basta yung kay Danica, babae. Alam na nila yun.

"Yung kina Tin and Oyo, hindi pa namin alam. Malayo pa."

Babae raw ang gusto sana ni Vic para sa magiging apo niya sa anak na lalaking si Oyo at sa asawa nitong si Kristine.

"May lalaki na, e. Para hindi masyadong magulo!" natawa pang sabi ng 57-year-old actor-TV host.

Lalaki kasi ang panganay nina Danica at ng asawa nitong professional basketball player na si Marc Pingris.

Jean-Michele ang pangalan ng unang apo ni Vic na magtatatlong taon na ngayong buwan.

POSITIVE. Ikinuwento pa ni Vic ang nakakatawang paraan ng pagkakaalam niya ng pagbubuntis ni Kristine.

"Nang mag-text si Oyo, it was, uh...umaga, e.

"Tulog pa 'ko, nagising akong gano'n. Ang laman ng text, sabi niya, 'Dad, positive.'

"Sabi ko, 'Yeah, I'm always positive.'

"I thought all along, he was telling me to be positive in life, to be happy.

"Kasi madalas si Oyo, ganun, e. Bigla-bigla na lang magte-text na, 'smile,' o kaya, 'I love you, I miss you.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Yeah, I'm always positive. You have a nice day,'" pagpapatuloy ni Vic.

"'Hindi, Dad. Si Tin, positive. Buntis.'

"'Oh!' And then I called him up right away to congratulate him,'" masayang kuwento pa ni Bossing.

Sa nalalapit na pagiging ama ni Oyo, wala raw advice na maibibigay si Vic para rito.

"I want him to learn on his own," sabi niya.

"And I know the feeling of a first time father, and hanggang ngayon, I still vividly remember yung mga first moments na sumipa yung bata, yung moment na dadalhin na sa ospital, may mga false alam, mga check-up.

"It's quite an amazing experience. And I know Oyo is more excited than anyone.

"Ito yung mga pagkakataon na hindi mo makakalimutan.

"Just like me, when I had my first kid, [then] four times na gano'n, and when I also had my first apo, it's a different feeling also.

"Iba rin... iba rin ang feeling!" pagbabalik-alaala pa ni Vic.

Apat na beses ngang naging ama ang multiple Box-Office King.

Sina Danica at Oyo mula sa dating asawang si Dina Bonnevie, si Vico mula sa dating Eat Bulaga! co-host at nakarelasyon na si Connie Reyes, at si Paulina mula naman dati niyang leading lady na si Angela Luz.

"I want him to learn everything on his own. I want him to experience... Hindi yung ipi-preempt mo na, 'O, ganito ang feeling niyan, ganito ang mararamdaman mo, ha.'

"Let him expect the unexpected."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN