Cinemalaya competition director Laurice Guillen: "Ako, sabihin na nating maybe 30 years ago, wala pa akong bahid ng commercialism."

IMAGE 0


"Kung ang realidad, may mga taong naninigarilyo and it's really the characters in the story as such, then we'll portray it as it is in real life. Now, this doesn't mean that I am for it... Sa pelikula, kung may mga character man na naninigarilyo, hindi nangangahulugan na pinu-promote natin yung paninigarilyo," says Cinemalaya competition director Laurice Guillen about the anti-smoking law.


Mga isyu ukol sa censorship at ang bagong panukalang batas hinggil sa pagbabawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar ang binigyang-linaw ni Laurice Guillen sa kanyang interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling kinatawan ng media.

Ito ay naganap sa press conference para sa 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Main Theater lobby kahapon, June 8.

Si Laurice ang competition director ng taunang indie filmfest, na gaganapin sa July 15-24, 2011 sa mga venue tulad ng CCP sa Roxas Blvd., Pasay City, at sa Greenbelt Cinemas 3 and 5 sa Makati City.

May paglilinaw rin ang premyadong actress-director hinggil sa pagkakaroon ng premiere ng Cinemalaya entry sa international filmfest, tulad ng Cannes, at ang posibleng kuwestiyon ukol sa pre-judging.

TOTALLY INDEPENDENT. Kaugnay ng pagiging independent film festival ng taunang Cinemalaya ang mga opinyon at pananaw ni Direk Laurice hinggil sa bagong batas na nagbabawal manigarilyo (no-smoking law) sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila.

Nagsimulang ipatupad ang batas noong May 30.

Ani Laurice, "Cinemalaya is an independent film festival. It is an alternative to the mainstream [movie industry].

"So, if life is idealized in the mainstream, na may mga subject matter na hindi tina-tackle, what we try to show in Cinemalaya ay ang realidad ng buhay.

"Kung ang realidad, may mga taong naninigarilyo and it's really the characters in the story, as such, then we'll portray it as it is in real life.

"Now, this doesn't mean that I am for it.

"Personally, I don't smoke...stopped smoking. I also feel that smoking is hazardous to one's health. But that is one thing.

"Sa pelikula, kung may mga character man na naninigarilyo, hindi nangangahulugan na pinu-promote natin yung paninigarilyo."

CENSORSHIP. Cultural Center of the Philippines (CCP) as an institution, and in accordance with the law, "is really exempt from censorship," ayon pa kay Laurice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba saklaw ng censorship ang mga Cinemalaya 7 entries na itatanghal sa Greenbelt Cinemas?

"Now that we are going to expand to Greenbelt Cinemas, for the festival period, the MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board] Chair has been understanding about the spirit of independence of Cinemalaya, and has graciously exempted censorship from the films that are going to be shown at the limited venues."

Meanwhile, kabilang sa mga programa sa taong ito ng Cinemalaya 7 ang retrospective screenings ng mga klasikong pelikulang idinirek ni Ronwaldo Reyes, o ng yumaong Fernando Poe Jr., National Artist for Film, at ama ni MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares.

CANNES AS EXCEPTION. Itinuturing na major triumph sa taong ito ng Cinemalaya ang pagkakaroon ng entry na napabilang sa 64th edition ng prestigious Cannes International Film Festival sa France.

Ito ay ang Busong (Palawan Fate) ni Auraeus Solito, na isa sa entries sa Director's Showcase category. Bidang aktres sa pelikula si Alessandra de Rossi.

Nagkaroon ba ng panukala o paguusap-uusap among Cinemalaya committee heads na ma-exempt na ang entry sa pagsali sa labanan, matapos itong mapasali sa alinmang prestihiyoso o kabilang sa A-list international film festivals?

Ito ay upang maiwasan ang pag-iral ng anumang pre-judgment na pabor sa iba pang kalahok sa kumpetisyon?

Paliwanag ni Direk Laurice, "Yung mga binigyan ng grant, yung mga finalists, ang premiere niya dapat, talagang sa Cinemalaya.

"But from the beginning, we always made an exception—kung iimbitahin sa Cannes!

"Because, well, there's Cannes (in France), there's Berlinale (in Germany), there's Toronto (in Canada)...bago mag-Cinemalaya.

"So, no question about that. We will make an exception, kung matatanggap sa Cannes.

"Dahil sa ikabubuti, hindi lang ng direktor at ng film kundi ng bansa, ng Cinemalaya, di ba?

"We have very independent-minded jurors," sagot din ni Laurice, hinggil sa isipan ukol sa posibleng maging kaso ng pre-judgment pabor sa entry "with Cannes exhibition."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This year, we have two foreign jurors—one Asian and one French."

Confidential pa ang paghahayag ng mga pangalan ng mga hurado na mula sa lokal na industriya ng pelikula, hanggang sa awards night na naitakda ng July 24.

MASKARA. Samantala, binanggit ni Direk Laurice sa PEP ang tungkol sa bago niyang pelikulang Maskara, na may tema at kuwentong tumatalakay sa industriya ng pelikula sa bansa, ayon sa pananaw ng isang artista.

Ang Maskara, na magsisilbing opening film ng Cinemalaya 7 sa July 9, ay mula sa panulat ni Ina Feleo, Laurice and the late actor/painter Johnny Delgado's youngest daughter.

Script consultant is multi-awarded indie writer-director Armando "Bing" Lao.

Kasama rin sa cast ng pelikula si Ina, bilang illigitimate daughter ng lead character portrayed by Tirso Cruz III.

"Yung opening film ko [Maskara] ay tungkol sa mundo ng artista, ng film industry.

"Ang tema ay tungkol sa film industry, pero ang [bidang] tauhan, isang artista."

Binanggit din ni Laurice ang iba pang tauhang bumubuo sa kuwento ng Maskara.

"Yung asawa niya, artista rin, pero hindi tulad niya, at ang kanilang mga kaibigan na nasa industriya rin, but it shows them in their private capacities.

"Gaya ng sinasabi sa title, Maskara, which is really a symbol of theater, it's a symbol of the actor.

"So, nandoon yung kanyang public life. Nandoon din yung kanyang private life.

"But you discover in the story that he has a life more private than his private life."

May pagkakahawig ba o inspired by ang Maskara ng mga obrang tungkol sa local movie industry na idinirek ng mga yumaong National Artist for Film, tulad ng Pagdating sa Dulo (1971) ni Ishmael Bernal at ng Stardoom (1971) ni Lino Brocka?

"Iba ang structure [ng Maskara]. Indie, hindi mainstream structure.

"Umiikot sa characters yung istorya," sabi niya.

Binanggit din ng premyadong aktres/filmmaker ang tungkol sa pagkakabuo ng dulang pampelikula ng naturang indie film, sa pamamagitan ng premyado ring screenwriter na si Armando Lao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Habang wala kaming ginagawa, nag-workshop ako at si Ina kay Bing Lao.

"Si Ina ang nagsulat kasi mas huli niya ang indie," sabi rin ni Laurice tungkol sa kanyang actress-daughter, two-time Cinemalaya best actress winner para sa Endo in 2007 at Sanglaan in 2009.

Speaking for herself as actress-director, Laurice stated, "Ako, sabihin na nating maybe 30 years ago, wala pa akong bahid ng commercialism."

Bahagyang natawa si Laurice sa katotohanang tinukoy about her directorial profession, which started off with some of the films that are considered gems in local cinema, such as Kasal? (1980), Kung Ako'y Iiwan Mo (1980), Salome (1981), and Init sa Magdamag (1983).

Laurice also implied a preference for commercial cinema in the succeeding years of her career as film director. But that changed.

"Siyempre, may mga habit na 'yan, na ngayon naman talagang pilit kong ini-scrape off para mabalik sa fundamental, na pure," saad niya.

"So, it's personal.

"Ang indie na ito [Maskara], ang reference ko ay yung sarili kong buhay.

"Makikita mo ako doon, makikita mo si Johnny, ang mga taong kilala namin.

"Ang istorya [fictionalized], ang pinagbabasehan, totoong tao at sitwasyon.

"As director, ano yung gusto kong sabihin na importante sa akin?

"E, di yung may kinalaman sa pelikula ko, sa mga pelikula at sa trabaho ko.

"Tayo ang gumagawa ng istorya.

"Saan ba manggagaling 'yon?

"Di ba sa mga sarili mong experience, sa mga sariling pangyayari?

"It's close to home. Hindi imbento.

"Kasi, ang trabaho ko, yun na rin ang buhay ko," makahulugang sabi ni Laurice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN