Polo Ravales aspires for leading-man roles, which he feels he deserves as a loyal Kapuso

IMAGE 0


"I still, you know, take care of myself. Hindi ko naman pinababayaan ang hitsura ko. Mas lalo kong pinagbubutihan ang acting ko. I think, it's normal na kahit paano, magkaroon ka ng inggit," says Polo Ravales about not landing lead roles.


Nitong mga nakaraang teleserye ni Polo Ravales, madalas ay kontrabida ang role na ginagampanan niya.

Pero sa bago niyang afternoon series na Sinner or Saint, for a change ay mabait naman ang role niya.

Pinatotohanan ito ni Polo sa presscon ng show noong Martes, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City.

"Oo, mabait naman ako dito," sambit niya.

"Although sa Magic Palayok, mabait din ako do'n pero guesting lang kasi yun.

"But since Encantadia, kalaban na ako.

"So, hindi ko na yata matandaan yung regular na mabait talaga ako."

Ikinuwento nga ni Polo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magiging role niya sa Sinner or Saint, na magsisimulang mapanood sa Lunes, June 13.

"Ako po kasi ang investigative reporter dito. Parang tutulungan ko si Bianca [King] na makalabas sa kulungan," sabi niya.

Na-excite ba siya when he found out na hindi siya kontrabida this time?

"Yes, yes...pero feeling ko rin naman, ang pagiging kontrabida, perception lang ng tao 'yan as long as, sa acting mo, alam mo na tama ang ginagawa mo.

"Feeling mo, hindi ka kontrabida kasi meron kang ipinaglalaban, di ba?

"Pero dito sa role na ito, good boy ako.

"Looking forward ako kasi, matagal-tagal na rin akong hindi nakagawa ng good boy role."

ALESSANDRA DE ROSSI. Kasama rin sa cast ng Sinner or Saint si Alessandra de Rossi, na nagbabalik sa Kapuso network pagkatapos ng mahigit tatlong taon.

Sa mga hindi nakakaalam, dating magkasintahan sina Polo at Alex.

Pero ang maganda raw sa kanilang dalawa, wala sa kanila ang ilangan.

"Magkasing-manager naman kami," sabi ni Polo na mina-manage din ni Manny Valera.

"Minsan, nagkikita kami at magkaibigan naman kami ni Alex. Okay kaming dalawa."

Paano nila nagawang okay pa rin sila?

"Well, siyempre, dumaan kami sa period na medyo fresh pa yung nangyari sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero habang tumatagal naman, siyempre noong time na yun, immature pa kami.

"Matagal na yun. Kaso, noong time na yun, mga bata pa naman kami.

"Kaya ngayon, masarap ang feeling na magkaibigan kami kahit na mag-ex kami.

"At yun nga, kasama ko pa siya sa show."

STILL UNDECIDED. Birong-totoo pala ang sinabi ni Polo na kaya siya nagpahaba ng buhok ngayon dahil baka bigyan siya ng good boy role ng GMA-7.

Naramdaman namin ang kagustuhan niya na mabigyn din ng lead role. At hindi naman ito itinanggi ng aktor.

"Oo naman. Pero it ends, nag-end yung contract ko.

"Siguro, titingnan ko kung magiging masaya pa rin ako sa GMA, I'll stay," sabi niya.

Hindi pa raw niya pinipirmahan ang kontrata niya ngayon sa Kapuso network, at open siya sa possibility na magtrabaho para sa ibang networks.

"May offer ang ABS-CBN at TV5," banggit ni Polo.

"Alam ko kasi, noong lumipat si Sid Lucero sa GMA, tumawag si Sir Deo [Endrinal] kay Direk Manny, tinatanong kung meron akong contract.

"E, at that time, may kontrata pa ako.

"Pero siyempre, kung pamimiliin ako, mas gusto ko sa GMA.

"Pero hindi sa may pera, e, kung hindi kung saan ako mabibigyan ng importansiya."

Sa mga salita ni Polo, tila nandoon ang pakiramdam niya na kulang ang importansiyang ibinibigay sa kanya ng pinagtatrabahuhan niyang network.

Ito ay dahil ba sa karamihan ng projects na ibinibigay sa kanya ay supporting lang siya?

"Sometimes...sometimes," pag-amin niya.

May konting tampo?

"Yes," nakangiting sagot ni Polo.

Nakakaramdama ba siya kahit konting inggit sa ibang Kapuso actors na nabibigyan ng lead roles?

"Oo, oo...lalo na at alam ko naman na I can act," sabi niya.

"Alam ko naman na hindi naman ako pangit at capable naman ako na mag-lead. So, yes.

"At yun nga, nag-start naman ang career ko noong kami ni Sunshine Dizon na nagli-lead kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, "I still, you know, take care of myself.

"Hindi ko naman pinababayaan ang hitsura ko.

"Mas lalo kong pinagbubutihan ang acting ko.

"I think, it's normal na kahit paano, magkaroon ka ng inggit."

Tinanong ng PEP si Polo kung sa part niya kaya ay baka may naging pagkukulang din siya.

"Well, noong time na nabibigyan nila ako ng lead role, yun ang time na medyo magulo ang lovelife ko.

"Hindi ko lang alam kung nakaapekto ba talaga siya.

"Pero iniisip ko, hindi lang naman ako ang artista na magulo ang lovelife, marami naman diyan, pero binibigyan pa rin nila.

"So, ayokong isipin," saad niya.

Ngayon ay tahimik naman ang lovelife ni Polo with his non-showbiz girlfriend for more than a year na si Sasha Cohen.

Kung sakali bang mabigyan siya ng lead role, mananatili ba siya bilang Kapuso?

Tumango ito saka sinabing, "Kung hindi man lead, isa sa lead. Maramdaman ko yung importansiya ko.

"Puwede rin namang bida-kontrabida, puwede...

"Kasi lately, parang ang pinakahuli na maganda was Panday Kids, pero ang tagal na nun.

"O kaya yung time na La Vendetta. Ang leading men nila noon, ako, si Paolo Contis, at Luis Alandy."

Sabi pa ni Polo, "Alam ko naman kasi sa sarili ko na kaya ko.

"So, hoping ako sa sarili ko na someday, mabigyan ako ng lead role."

POLITICAL AMBITION. Kapag hindi busy sa taping o shooting, busy raw si Polo sa pagwo-workshop. Madalas din daw siya sa probinsiya nila sa Bataan.

Ipinagtapat nga ni Polo sa PEP na baka pumasok na rin siya sa pulitika sa 2013 as Board Member sa first district ng Bataan.

Bakit naman niya naisip na pasukin ang pulitika?

"Kapag nasa Bataan kasi ako, ang dami kong naiisip na gagawin.

"Gusto ko kasing bigyan ng importance ang sports.

"Sa Bataan kasi, parang ang daming nagda-drugs na mga bata. Maraming out-of-school youth kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, gusto ko pong mabigyan ng importansiya ang sports.

"Gusto kong dumami ang mga programs nila.

"Like kapag summer, may mga free na summer camp para sa basketball."

Ang kagustuhan ba niyang gumanap ng good boy roles ay may kinalaman sa plano niyang pagtakbo bilang Board Member?

"Actually, wala. Hindi siya...wala siyang kinalaman do'n," sagot ni Polo.

"Yung sa pagiging board member, actually, kapag nasa Bataan ako, yung mga kabataan, sila yung...

"Kapag nakikita nila ko, sila yung nagsasabi talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN