Suspects fail to show up at preliminary investigation of Pilar Pilapil's ordeal

IMAGE 0


Veteran actress Pilar Pilapil attended the preliminary investigation of the abduction and frustrated murder charges she filed against her husband's sister-in-law, Rosel Jacosalem Peñas, and two other unidentified suspects. The investigation is in connection to the incident on April 14, where Pilar was repeatedly stabbed and left at a vacant lot in Piedra Blanca Homes in Antipolo City.


Dumalo ang aktres na si Pilar Pilapil sa preliminary investigation ng kasong abduction and frustrated murder na isinampa niya laban sa tatlong tao sa Antipolo Prosecutors' Office kahapon, June 7.

Ayon sa ulat ni Niña Calleja na lumabas sa Philippine Daily Inquirer ngayong araw, June 8, ika-apat na clarificatory hearing na ito para sa mga kasong isinampa ni Pilar laban kina Rosel Jacosalem Peñas, ang sister-in-law ng kanyang asawa, at dalawa pang hindi nakilalang lalaking suspek.

Matatandaan na nalagay sa bingit ng kamatayan si Pilar noong Abril matapos siyang magtamo ng ilang saksak sa katawan at pagkatapos ay iniwan sa isang madilim at bakanteng lote sa Piedra Blanca Homes sa Antipolo City. (CLICK HERE to read related article)

Ayon sa ulat, bandang alas-dos ng hapon nang dumating si Pilar sa Prosecutors' Office. Naging escort niya pa umano ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).

Samantala, hindi naman pinayagan ang media na mag-cover ang hearing.

Hindi rin nagpaunlak ng anumang panayam ang dating beauty queen.

Idinahilan daw nito sa media na "a lot of things to do" bago niya lisanin ang Antipolo Hall of Justice kung saan ginanap ang paunang imbestigasyon.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Assistant Prosecutor Edgar Namia na matatapos ang imbestigasyon sa susunod na linggo—dumalo man o hindi si Peñas at ang dalawa pang hindi nakikilalang suspek.

Umaasa si Namia na dadalo na si Peñas at dalawa pang suspek sa huling hearing upang maibigay ang kanyang pahayag tungkol sa insidente.

Unang inisip na biktima rin si Peñas, ngunit nasama na rin siya bilang suspek nang mapansin ng awtoridad ang kahina-hinalang pahayag niya noon sa pulis.

Sinabi niya na nasa Australia siya nang mangyari ang krimen, pero ayon sa Department of Foreign Affairs, walang record si Peñas na umalis siya ng bansa. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN