Nina refutes maltreatment allegation of former personal assistant

IMAGE 0


"Actually, for me, maliit na bagay lang yun kasi isa lang naman ang nagsasabi na minaltrato ko siya. Pero yung kabuuan ng mga taong nakakakilala sa akin at nakakasama ko, alam nila kung anong klase akong tao," says Nina about the allegation of maltreatment towards her former personal assistant.


Sinagot ng singer na si Nina ang akusasyon ng kanyang dating personal assistant (P.A.) na "minaltrato at inabuso" raw siya ng Soul Siren.

Paratang ng P.A., P200 lang daw ang suweldo na ibinibigay sa kanya ni Nina sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho niya rito.

Bukod dito, nang minsang magkasakit daw ang kanyang ina ay ni hindi man lang daw siya napahiram ng Soul Siren ng P1,500 na dapat sana ay ipangpapagamot niya sa maysakit na ina.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Nina nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week tungkol dito.

Paliwanag ng singer, "Una, kaklaruhin ko lang na yung 200 [pesos] na sinasabi niya, pamasahe niya 'yan pauwi, kasi sa Laguna siya nakatira.

"Tapos mayroon siyang 100 [pesos] na meal allowance regardless kung may ibinigay na pagkain sa crew, hindi ko na yun binabawi.

"May 10,000 [pesos] din siyang suweldo every month, na kahit wala akong show, let's say out of the country ako, bayad siya.

"Yung sinasabing 1,500 [pesos] na sana panggamot ng nanay niya, hindi ko alam 'yan.

"Kung sinabi niya sa akin yun, baka hindi lang 1,500 ang ibinigay ko sa kanya.

"Pera lang 'yan, di mo madadala 'yan sa langit. Ipamahagi mo lang yun.

"Magkano lang ba ang 1,500 sa ibinibigay na blessings sa akin?

"So, kumbaga, wala lang sa akin yun.

"Two million nga napahiram ko, 1,500 pa?"

Ang tinutukoy na P2 million ni Nina ay ang halagang ipinahiram niya sa mga magulang ng kanyang dating boyfriend na si Nyoy Volante.

Dagdag pa ni Nina, "OA lang para sa akin kasi parang na-leave out naman yung detail na may ganito ka pang natatanggap per month, tapos may libre pang kain sa shows."

Ayon din sa kuwento ay nagsalita pa raw ang manager ni Nina na sa halagang P200 ay nakakakita naman daw ng artista ang nasabing P.A. pag sumasama ito sa mga lakad ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"OA naman!" napapailing na reaksiyon ni Nina.

"Hindi naman ako magha-hire ng P.A. na, 'O, sasama ka sa akin, makakakita ka ng artista, yun ang bayad.'

"Hindi naman ganun mag-hire ng assistant, di ba?

"Kung magha-hire ka, sabihin mo sa kanya ang trabaho niya, bonus na lang kung makakita siya ng artista."

THE HISTORY. Ikinuwento ni Nina sa PEP kung paano napunta sa kanya ang nag-aakusang P.A.

"Ang kuwento kasi niyan, kaya siya napunta sa akin, actually dati sa kampo siya ni Nyoy [Volante].

"Tapos naaksidente siya, nakaladkad siya ng trike.

"Sabi ko, 'Kanino ka hihingi ng tulong? Kanino ka nagtatrabaho?'

"Kina Volante, pero parang in-ignore siya. So, ang nangyari, hindi siya nakapasok dahil nga sa aksidenteng yun.

"Dahil hindi siya nakapasok, tinanggal siya.

"Tapos, nagkita kami sa mall show ko, ikinuwento niya sa akin yung nangyari.

"Sabi ko, 'Sige, walang problema, bibigyan kita ng trabaho.'

"Magkakilala naman kami dati, wala namang kaso sa akin.

"Tapos after a few months ago, parang nabubuking na namin siya na madami siyang ginagawang hindi maganda sa ibang artists, lumalabas na yung totoong kulay niya.

"Umalis na lang siya nang hindi nagpapaalam."

THE SUSPECT. May ideya ba siya kung sino ang nasa likod ng kumakalat na balitang ito tungkol sa kanya?

"Kanino ba siya galing? Kitang-kita naman," diretsong sagot ni Nina.

"Para sa akin, if this is his way para umangat, I hope it works for your camp.

"Kung ito ang way ni Volante para umingay, it works for the public, di ba, kung yun ang way para umangat siya."

Ano naman ang mensahe ni Nina para sa kanyang dating P.A.?

"Siguro kung ito yung way para umangat siya sa buhay, hindi siya darating sa paroroonan niya.

"Matuto siyang tumanaw ng utang na loob, pero hindi naman to the extent na kailangan maging mabait ako sa taong ito dahil sa utang na loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung minaltrato ka, e, di umalis ka.

"Pero kung hindi naman, pag-alis mo, ibaon mo sa sarili mo yung kabutihan na ginawa sa iyo at i-share mo sa ibang tao.

"Huwag naman yung siraan mo pa."

Ayon kay Nina, hindi siya nasaktan sa lumabas na alegasyon, lalo't kilala naman daw siya ng marami na kabaligtaran sa pinalalabas ng nasabing P.A.

"Actually, for me, maliit na bagay lang yun kasi isa lang naman ang nagsasabi na minaltrato ko siya.

"Pero yung kabuuan ng mga taong nakakakilala sa akin at nakakasama ko, alam nila kung anong klase akong tao.

"Hindi ako na-offend, at hindi rin ako magtataka kung babalik siya sa kampo ng Volante.

"Kasi nagawa niya, nagkuwento siya sa akin na minaltrato siya dun sa kabila.

"Tapos aalis siya sa akin, ako naman daw ang nagmaltrato sa kanya," saad ni Nina.

ESTAFA CASE. Kinumusta rin namin kay Nina kung ano na ba ang development sa estafa case na isinampa niya laban sa mga magulang ni Nyoy. (CLICK HERE to read related story.)

"Unfortunately kasi yung prosecutor na na-assign sa amin, na-promote.

"So back to zero uli, kasi panibagong prosecutor na naman ang hahawak. Kailangang pag-aralan uli ito.

"Pero positive naman ako na lalabas pa rin ang katotohahan sa bandang huli," saad ni Nina.

Bukas ang PEP sa kampo ng dating personal assistant ni Nina at maging ni Nyoy Volante kung may nais silang sabihin sa mga naging pahayag ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN